"Bakit kasi hindi ka nalang sumabay kay Irish?" 

"Akala ko kasi masusundo ako." paliwanag ko.

"Atsaka bakit ba ako nagpapaliwanag sayo?" masungit na saad ko. Itong kambal talaga ni Johan.

"Wala lang. Ang sungit mo masyado." I mocked him and he just chuckled.

Hindi naman sa ayaw ko kay Kian sadyang ibang iba lang talaga siya sa kambal niya. He actually court me before. Ang gago diba. He has this thing with Irish pero lumalandi siya sa iba.

"We have dinner tonight, right?" tanong ni Kian kay Salem.

"Yes, that's why we need to be home early."

"May mga bisita ba tayo?" 

"Apparently, meron. I don't know why though pero mukhang business gathering yung dinner mamaya." sagot ni Salem na mukhang pagod na pagod na. 

"The pressure is on you na naman tonight, bro." saad ni Kian at umiling lang si Salem.

"Kailan ba nawala sa akin?" he said. Naawa naman ako sa sitwasyon niya.

Maybe Imee is his safe haven like when he was with her nararamdaman niya na wala siyang pressure. Siguro he felt like he was free in his world na chaotic.

"Saan ba ang village niyo?" nagulat ako ng tanungin niya ako at tiningnan sa rear view mirror niya. Kinakabahan akong sagutin siya. Alam kong andami ko ng kahihiyang ginawa sa kanya.

"Kahit ibaba niyo na lang ako sa may kanto. I can go home na." sagot ko. 

"Sure ka ba?" tanong ni Kian sakin. I nodded.

"You, guys have a dinner to attend to pa. Besides, masyado ng nakakahiya." mahinang sambit ko at tumango lang sila. Maya-maya ay huminto na ang sasakyan ni Salem sa harap ng gate ng village namin.

"Diyan ka ba sa loob?" Kian asks at tumango naman ako. Isinukbit ko naman sa balikat ko ang bag ko bago bumaba.

"Thank you again. Ingat kayo!" sabi ko at tumango lang sila.

"You go in. Hindi kami aalis dito hangga't hindi ka pumapasok sa loob." sabi ni Salem at tumango lang ako. I waved goodbye once again and walk inside our village.

"Goodevening, Maam!" bati ng guard at tumango naman ako.

Lumingon ako at nakitang umalis na sila. I let out a deep breath at napangiti ng naalala kong naging concern ang crush ko sakin. I shook my head and just continue my way towards our home.

.

Nagising ako ng may maingay na komosyon ang narinig ko. Napabuntong hininga ako ng makita ko ang makalat na itsura ng kwarto ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang alas otso na ng gabi. Natapos ko na naman ang lahat ng gawain ko bago ako nakatulog. Tumayo ako at napagpasyahang tingnan ang nangyayari sa baba.

"I'm sure we can solve it, dad." narinig kong saad ni Kuya Paolo. 

"Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon. Isang malaking katraydoran ang ginawa ng mga Lopez sa atin. We weren't attacking them. I heard that their business is getting down at isa tayo sa mga kapartner nila na nag-stick sa kanila tapos tayo ang idadawit nila. Mga walang hiya!" galit na giit ni Dad.

"Calm down. We will think of something." sabi ni Mom. Hindi nako pumasok sa loob ngn kusina dahil alam kong ayaw nila akong nakikialam sa mga ganong bagay.

"Yes, we can think of something pero hanggang kailan Janine? Our business is going down. Faster than we expected. Unti-unting magrereklamo ang mga empleyado natin once na lumabas ang balita. We can't just be calm." sabi ni Dad.

Destined (Montenegro Series #1)Where stories live. Discover now