CHAPTER 23

438 23 0
                                    

REWRITING OUR DESTINY
CHAPTER 23

Lumipas ang masasayang araw ng aming buhay, at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na muli nanamang kasama ko si Zoren saaking piling. Kay saya ang aking nadarama na tila ba'y nanalo ako ng limpak-limpak na premyo sa aking nararamdaman ngayon. Kahit na mag kasama na kami sa iisang bubong ay pinag papatuloy parin namin ang aming karera sa buhay, nag t-trabaho kami para sa aming hinaharap.

Kinuha ko ang hiringgilya sa trey saka kumuha ng sample na dugo saaking pasyente. "O diba ! hindi naman masiyadong masakit parang kagat lang ng langgam"naka ngiti kong wika sabay lapag ng hiringgilya sa tray at binuhat ito.

"Sinungaling naman po kayo! hindi naman kagat ng langgam! mas masakit pa sa break up"sabi ng aking pasiyente dahilan para mangiwi ako, kabata bata pa nito alam na niya ang salitang break up mga kabataan nga naman ngayon.

Nagtungo ako sa laboratory room upang ibigay ang blood sample ng bata, isinugod ito dahil sumasakit ang kaniyang tiyan at nahihirapan itong umihi.

Ilang minuto ang lumipas at nakuha na nila ang resulta ng bata kaya hindi na pinatagal ni Doktora Trina at isiniwalat na ang resulta ng isinagawang test.

"May Urinary Track Infection po ang anak niyo ma'am at kung hindi po ito sinugod agad dito sa Ospital ay baka kumalat na ang impeksiyon sa kaniyang bato, mangyayaring ang bata ay mamamatay at magiging kaso nito ay kidney failure."seryosong wika ni Doktora Trina sa mga magulang ng bata at doon nag tinginan ang dalawang mag-asawa at niyakap ang kanilang anak.

"Dok ano po ang maaari naming gawin upang gumaling na po ang anak namin natatakot po kami na baka mawala siya saaming piling hindi ko po kakayanin."natatakot na wika ng ama ng bata.

Pumakawala ng isang buntong hininga si Doktora at saka ngumiti. "Iwasan lang natin paka inin ang ating mga anak ng maaalat, matatamis at mamantika dahil na iiritate ang kidney po natin sa mga ganiyang pagkain. Ang mga matataas na asin na pagkain ay naiipon sa ating bato at doon mag f-form ito ng kidney stone at ang mas masama nito ay baka sa gallblader ito mapuno at mangyayaring mag karoon ng gall stone na kung saan mas delikado ito at isasagawa ang isang operasyon."

Tila natakot ang mag-asawa sa narinig kaya naman napakapit sila sa isa't-isa. Kitang kita sakailang ekspresiyon ang lungkot at takot sa kanilang mga narinig na sinabi ni Doktora Trina.

"Di bale hindi pa naman huli ang lahat, mag bibigay ako ng resita para sa medication ng anak po ninyo."sabi nito sabay abot ng resita sa mga magulang ng bata at doon ay lumabas na sila sa opisina ni Doktora.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nag paalam nadin ako dahil tapos na ang shift ko. Tila nakaramdam ako ng excitement na umuwi dahil ipag luluto ko si Zoren ng makakain at muli ko nanaman itong makikita.

Habang naglalakad ako dito sa hallway palabas ng ospital, ay nakaramdam ako na parang may sumusunod saakin kaya napapa lingon ako sa gawing likod ko ngunit wala namang katao-tao. Naaalala ko nanaman ang mga kwentong haka haka dito sa ospital na meron daw gumagalang multo dito sa hallway kaya naman hindi ko maiwasang tayuan ng balahibo at bilisan ang paglalakad. Kahit na bilisan ko ang paglalakad ay parang ayaw nitong tumigil sa pag sunod saakin kaya naman halos manlamig ang aking mga paa at buong tapang na lumingon ngunit walang tao.

"Dadaan lang po ako, huwag niyo po akong takutin"pag-iingay ko at doon biglang namatay ang ilaw sa pinaka dulo ng dinadaanan kong hallway na parang yung mga pinapanood lang na horror movies. Patuloy ang pag patay ng mga ilaw at malapit na dito saaking kinatatayuan kaya naman umatras ako at mabilis na tumakbo ngunit biglang nawala ang ilaw dahilan para mapa sigaw ako ng malakas at magkakandarapang umalis.

Tahimik...

Halos manginig ako at ipikit nalang ang aking mga mata dahil sa takot. "Shit!" mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Joward siya na kasi ang alam kong tawagan ngunit, hindi ko ito ma kontak.

Habang sa ganoong posisyon ay biglang sumindi ang ilaw sa gawing harapan at bigla din itong namamatay, paulit ulit lang ang nangyayari dito patay sindi yung ilaw hanggang sa may maaninang akong nakatayong lalaki at sumasabay ito sa pag patay sindi ng ilaw.

Papalapit siya ng papalapit at dito nakita kong naka suot ito ng robe na itim at naka suot ang kaniyang hood, "Shit! hindi ka naman siguro si kamatayan pero, nakakatakot ka!"sigaw ko at umatras ngunit sa halip na humabol ito ay bigla siyang nawala.

"Boo"bati nito noong sumindi ang ilaw saaking harapan ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng aking puso na parang mapapatid ang aking hininga pero, mas lalo pang lumaki ang aking mga mata noong alisin nito ang hood niya.

"Hi Ken nandito ako para sunduin ka... Akala mo hanggang doon nalang"naka ngising aso nitong wika dahilan para umatras ako at mabilis na tumakbo ngunit hinablot niya ang buhok ko at tinutok ang kutsilyo saaking leeg.

"Sa tingin mo makaka takas ka pa ngayon, wala na! walang nakaka alam na mamamatay ka na! hahahaha"mala demonyo nitong tawa at mas dinikit pa niya ang patalim saaking leeg dahilan para maramdaman ko ang talim saating leeg. "Huwag mong subukan sumigaw dahil awtomatik na magigilitan ang leeg mo na parang manok! gusto mo iyon?"bulong nito kaya umiling iling ako.

"Good madali kalang pala kausapin."sabi niya at bigla akong pina amuyan ng nakakahilong pabango kaya naman halos manlamot ang aking mga tuhod at nakaramdam ako ng pagkahilo dito ay hindi ko na nagawang lumaban dahil kusang pumikit ang talukap ng aking mga mata. Naramdamanko din na binuhat ako ng lalaking iyon na parang isang sako.

At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Mark James.

itutuloy...

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon