CHAPTER 21

498 27 2
                                    

"Naramdaman ko din yung bawat haplos mo saaking noo at pisngi habang nag pipigil ka ng iyak at humihikbi dahil ayaw mo akong magising tama ba ako?"tanong nito saba ngiti  kaya tumango ako, bakas sakaniyang muka ang matinding lungkot ngunit pilit nitong ngumiti.

~CHAPTER 21~

"Pero paano mo ginawa lahat ng ito?"nagtataka kong tanong habang naka kulong ako sakaniyang bisig at kapwa kaming nakatayo dito sa seawall.

"Nag palagay ako ng temporary skin sa isang dermatologist upang itago sa'yo ang aking tunay na pagkatao upang makasama kita ng matagal habang nag-aaral pa tayo ng kolehiyo. Ang pekeng Zoren ay hindi ko kilala basta hinayaan ko lang na mag exist sa paligid mo, ninais ko siyang sundan ngunit hindi ko siya ma tiyempohan dumating yung puntong isiwalat na ang lahat dahil may pekeng Zoren na umaaligid sayo at hindi ko iyon kilala."salaysay nito.

Kaya pala ayaw niyang pumunta sa clinic namin dahil may tinatago siya. Napansin ko din yung papel sa aparador niya.

flash back

Pagdating namin sa loob ng aming bahay ay agad akong nagtungo ng aming silid at sinimulang maghalungkat ng mga gamit ni Harley sakaniyang mga aparador. Halos magkalat kalat dito saamin silid dahil sa mga damit nito habang si Roxy ay naka sandal lang sa pintuan habang kumakain ng lollipop.

"Besh kung ako sa iyo huwag mo nang ituloy iyan as if namang papatol si Harley doon sa doktor na iyon paranoid lang besh?"tanong nito saakin ngunit hindi ko lang ito kinibo

Wala akong mahanap na kakaiba sakaniyang gamit maliban sa isang papel na nakalagay sa pinakailalim ng kaniyang mga damit, agad ko itong kinuha at binasa.

"FACIAL TREATMENT PAPER"

"Diba walang tinatago iyang boyfriend mo? masiyado kalang paranoid ayusin mo na iyang mga damit niya bago ka pa madatnang naghahalungkat sa mga pribadong gamit niya."sabi nito saakin kaya agad ko itong inayos isa-isa at tinupi.

Siguro nga tama si Roxy masiyado lang akong paranoid ngunit hindi pa dito natatapos ang lahat, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit nagpapa facial treatment si Harley. Siguro may pinopormahan itong babae kaya siya nagpapabata humanda siya kapag nalaman ko ang secreto niya.

end of flashback (Scene from chapter 10 season 1)

Bumitaw ako sakaniyang pagkakayakap saakin at tinignan ito ng masama. "Ibig sabihin lang ang lahat ng ito ay niloko mo ako! ginawa mo akong tanga! hinayaan mo akong nag luksa dahil sa pagkawalay sa'yo! ang buong akala ko-"hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil bigla niya akong hinalikan saaking labi, malambot at mainit ang hiningang dumadampi saaking ilong.

Bumitaw ito saka ngumiti saakin. "Walang ibang paraan kundi ito lang, Ken nandito na tayo malaya na tayo. Wala nang makaka pigil pa saatin dahil ako at ikaw ay para sa isa't-isa"naluluha nitong wika dahilan para makaramdam ako ng tuwa saaking kaibuturan pakiwari ko ba'y lumilipad ako pataas at dinuduyan ako ng malalambot na ulap.

(flash back)

Tag ulan nanaman hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, parang nakakaramdam ako ng lungkot at tila may hinahanap ang aking puso. Isang taong nag paramdam saakin na hindi ako nag iisa. Ilang taon nadin ang naka lipas simula noong lumipat ng paaralan si Ken kumusta na kaya siya ngayon kilala pa ba kaya ako ni Ken?

"Yuzuro kanina ka pa naka tingin sa labas ng bintana, subukan mo kayang maligo ng ulan kasama ng mga pinsan mo"boses ni mama mula saakin likuran kaya napatingin ako sakaniya at ginawaran ng isang ngiti.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon