CHAPTER 15

485 22 2
                                    

CHAPTER 15: It's time to say goodbye

Kasalukuyang naglalakad ako papasok dito sa entrance hall ng hospital nang salubungin ako ng aking mga ka workmates habang naka harang sila sa entrance dahilan para matigil ako sa paglalakad. Halos lahat sila ay nakatingin ng matalim saakin ang iba'y naka cross arms at naka simangot.

"Ba-bakit? may orientation ba dito sa labas?"nagtataka kong tanong ngunit hindi nila ako sinagot bagkus nakasimangot lang ang mga ito, agad kong sinenyasan si Lovely kung bakit ngunit isa din siya sa mga nakasimangot at hindi ako sinasagot.

"Ano!? hindi niyo ako sasagutin? bakit kayo nakasimangot? hindi naman biyernes santo ngayon ang seseryoso niyo."

"Ikaw dapat ang tatanungin namin Ken! anong ginawa mo sa mismong proposal ni Harley sa'yo?"sabad ni Jemby isa kong ka workmate.

"Si Roxy! hindi din maiwasang maiyak doon sa backstage kasi pang 'bestfriend' yung bagong palabas niya ngayon at nagkataon na nag away daw kayo!"sabad naman naman ni Lovely sabay lahad saaking harapan ang cellphone niya.

Reporter: Mr. Roxy ano pong masasabi niyo sa nangyaring pag aaway niyo ng iyong kaibigan? nagkabati na ba kayo? friendship over na ba?

Roxy: Ang masasabi ko lang naman e, sana magkabati na kami pero hindi ako ang gagawa ng first move! dapat siya kasi siya ang may kasalanan!. Ayokong nag aaway kami pero heto umiiyak ako dahil nag away kaming mag bestie! huhuhu kawawa naman ako at sayang itong luha ko precious thing pa naman ito saakin huhu.

Reporter:At iyon nga mga kaibigan nalaman natin ang panig ni Mr. Roxy ng Epic 5, maraming salamat sana'y magkabati na kayo ng kaibigan mo. Muli ito po si Anne lie Rice nagbabalita.

End of Video..

"Nakita mo na ang ginawa mo? bakit kaba nagkaka ganiyan?"tanong saakin ni Lovely dahilan para umiling iling ako.

"Oo alam kong nagkamali ako pero aayusin ko naman iyon, patungkol naman saamin ni Harley hindi niyo naiintindihan kung bakit ko tinanggihan ang propose niya. Wala kasi kayong alam sa nangyari kaya madali lang sainyo na husgaan ako kung bakit hindi ko tinanggap ang alok niya! tao din ako nasasaktan! hindi ako robot na pang aliw lang kung kinakailangan! tao din naman ako at may damdamin!"hindi mapigilang pag iyak ko sa harapan nila.

"Pero bakit kailangang humantong kayo sa gano'n! siya nanga ang gumawa ng move para magkaayos kayo tapos ikaw naman ang sumira! alam namin na nasaktan ka pero sana naman nakinig ka sa panig niya."malungkot na wika ni Kc sabay lapit saakin saka ako niyakap ng mahigpit.

Hindi ko maiwasang maiyak habang nakayakap sakaniya, siguro nadala sila kay Harley dahil matagal na nilang kakilala ito simula noong pumasok ako sa Hospital na ito. Pero kapag naririnig ko ang pangalan niya ay tila tinutusok ang aking puso dahil sa ginawa nito saakin.

"Ang nais lang namin ay mag kaayos kayo! napamahal na kami kay Harley, ibig kong sabihin nasanay kaming magkasama kayo lagi ayaw naming nag aaway kayo."nag aalalang wika ni Kc habang pinapatahan ako.

Nakita ko namang lumapit si Joward saaming kinatatayuan ni Kc saka pumakawala ng buntong hininga. "Alam mo bang halos magwala si Harley noon umalis ka, umiyak panga ang loko at balak atang manira ng gamit."nakangising wika ni Joward.

flashback

"Halos magkagulo doon sa bar noon dahil sa matinding lungkot at galit na nadarama ni Harley, pinaghahagis niya ang mga upuan kaya agad kaming umawat nina Angelo at James. Sinubukan namin siyang pigilan ngunit masiyado siyang malakas.

"Tol! huwag ka dito mag wala nakakahiya sa mga tao kumalma ka tol"pag awat ni Angelo ngunit hindi mapigilang umiyak ni Harley kaya agad niyang inalis ang mga kamay namin sakaniya.

"Ang sakit lang kasi brad! ako nanga ang gumagawa ng lahat para magkaayos kami pero hindi e, ayaw niya ata nasasaktan na ako brad!"sigaw nito habang pinapakalma namin kaya agad namin siyang pina upo sa sofa.

Naki usap kami sa may ari ng Bar na paalisin muna yung mga tao doon sa loob at pumayag naman ito kaya kami nalang ang natira kasama ang iba pang ka workmates natin. Pilit naming pinakalma si Harley.

"Ano ba kasing nangyari bakit nag aaway kayo?"hindi mapigilang magtanong ni Regina

"Si Elaine yung babae kong kasama doon sa clinic nahuli kami ni Ken na nagyayakapan, hindi ko naman gustong yakapin siya pero mapilit siya kasi may gusto siya saakin. Alam niyo namang lalaki pa din ako may pangangailangan din akong hinahanap sa mga babae, at isa pa may respeto ako kay Ken kaya hindi namin ginagawa ang mga gusto kong gawin."salaysay nito dahilan para matawa kami nina James at Angelo.

"Kaya naman pala hindi ka niya sinagot kanina brad, pero sana naman inalala mo yung salitang RESPETO noong ginawa mo iyan tol! mahirap nga iyan mahirap labanan ang tukso"sabi ni Angelo at nag apir sila ni James.

end of flashback

Dahil sa kwento ni Joward ay tila nakaramdam ako ng guilty dahil hindi ko manlang pinakinggan si Harley. "Ang mali kasi sayo Ken hindi ka nakikinig sa panig ng iba kaya nagkakaroon kayo ng ganiyang away, pero kahit gano'n kaya namang magbago ni Harley dahil mahal na mahal ka niya."sabi saakin ni Regina noong makalapit ito sa kinatatayuan ko sabay niyakap ako ng mahigpit.

"Pero bago kayo mag bati ni Harley magbati muna kayo ni Roxy lalo na't nasa shooting siya baka maiyak siya sa mga lines niya! may bago kasi silang panood ngayon you're my bestfriend"sabi naman ni Lovely kaya nginitian ko lang ito.

"Group hug na tayo basta magbati na kayo ni Harley!"sigaw ni Kc at doon nagsilapitan ang lahat sabay kaming nag group hug. "Bati nadin kayo ni Roxy! character siya sa story na ito kaya dapat ibalik na siya dito!"dagdag ni lovely dahilan para magtawanan kaming lahat.

tawanan.

Pumakawala ako ng isang buntong hininga, handa na akong makinig kay Harley sa kaniyang panig. Handa nadin akong mag sorry kay Roxy.

"Tayo na pasok na tayo sa loob baka nagagalit na si Doktora Trina may mga pasiyente pa tayong aasikasuhin ang mahuli mag t-treat mamaya ng launch sa KFC. "Wika ni James kaya nagsitakbuhan kami papasok ng hospital.

To be continued.

A/N : Merry Christmas! And Happy New year shipapalogs!

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon