CHAPTER 14

562 26 0
                                    

"Hindi mo talaga bagay umiyak ang pangit mo na tuloy at isapa ang dugyot mo kapag sumisinga ka"nakangiwing biro nito sabay tawa kaya inirapan ko lang ito.

Habang sa ganoong pagpapatahan nito saakin ay muli kong naramdaman na may kakampi pala ako, hindi ko aakalain na ang dati kong minahal ay siya pala ang magiging sandigan ko ngayong may problema ako. Tila nawala ang bigat saaking dibdib noong i-kwento ko ang mga nangyari at malaya naman itong nakinig, minsan napapatitig ito saakin kaya umiiwas ako ng tingin dahil hanggang ngayon ay naiilang parin ako sakaniya. Hindi na ako umaasang magiging kami ngunit umaasa ako na siya ang magiging sandigan ko sa anumang oras.

CHAPTER 14: It's time to say goodbye book 2

"Bakit ka umiyak? nag away nanaman ba kayo ng Harley na'yon?"tanong nito (Zoren) saakin at tumingin ito ng seryoso dahilan para magtama ang aming mga mata.

Bahagya akong umiling saka binaling ang aking tingin sa labas ng bintana ng kaniyang sasakiyan. "Hindi kami nag away huwag mo nang alungkatin pa, ihatid mo nalang ako sa bahay namin."walang gana kong wika at narinig ko itong natawa kaya napatingin ako sakaniya ng seryoso.

"Bakit anong nakakatawa saakin wala naman diba? nakakatawa na pala ngayon ang pagkakaroon ng problema."taas kilay kong wika saka muling tumingin sa labas

"It's not about that, natawa lang ako sayo kasi ngayon na naman kitang nakita na naka simangot pwedeng smile naman diyan."nakangiti nitong wika kaya ngumiti ako sa harap niya ng napaka lapad na parang ngiting aso. "Ano masaya ka na?"tanong ko dahilan para kitusan ako sa noo kaya napahawak ako dito.

"Loko! hindi iyon ibig kong sabihin yung ngiti talaga, ito pakinggan mo ako ang ngiti ng isang tao ay hindi napepeke kasi ang ngiti ay nakapaloob dito ang ating emosyon kaya huwag ka nang maglihim pa hindi mo bagay ngumiti kapag may dinadala kang lungkot."sabi nito saakin hindi ko alam kung saan niya napulot ang mga bagay na iyon mukang mas madami na siyang alam saakin.

Muli akong tumingin sakaniya at ngumiti sa ngayon hindi na ito peke ibig kong sabihin ito na yung tunay na ngiti ko na walang kalakip na lungkot. "Hindi ito peke nakangiti na talaga ako siguro naman maniniwala ka na sa ngiti ko, matanong ko lang bakit ang galing galing mo na ngayon psychologist ka ba?"

"Hindi sadiyang madami na talaga akong nalalaman"mahangin nitong wika sabay paandar ng kaniyang sasakiyan.

"Okey fine! ang hangin naman"pagpaparinig ko at nangisi lang ito saka niya minaneho ang kaniyang sasakiyan. Hindi ko alam at wala talaga akong kaalam alam kung saan kami pupunta ngayon at hinahayaan ko lang itong nagmamaneho bahala na siya kung saan kami tutungo.

Mabilis ang takbo ng kaniyang sasakiyan kaya minsan napapa kapit ako saaking seatbelt, napapatingin din ako sakaniya ngunit parang sinasadiya nito at mas pinapabilis pa ang takbo ng kaniyang sasakiyan. "hoy! hoy! ninenerbyos na ako sayo ang bilis mo namang mag patakbo! saka saan ba tayo pupunta?"at dito tumingin ito saakin sabay gawad ng nakakalokong ngiti. "Byaheng langit tayo ngayon men."at doon hinarurot niya ang kaniyang pagmamaneho.

Halos mapatid ang aking hininga dahil sa matinding ka ba dahil masiyadong mabilis magpatakbo ng sasakiyang si Zoren. Wala na akong ibang nagawa kundi ipikit nalang ang aking mga mata at mapakapit sa seat belt.

"Sinasabi ko sayo Zoren nerbyoso ako huwag kang magpatakbo ng mabilis bwisit ka!"sigaw ko sakaniya ngunit tila wala itong pinapakinggan. Minsan nag o-over take ito sa mga malalaking sasakiyan dahilan para pagsusuntukin ko ito sakaniyang braso pero hindi naman ito kalakasan.

"Ano ba Zoren huwag mo ngang gawin iyon! nakakainis ka! huwag mo akong idamay kung gusto mo nang mamatay! bwisit ka! gago ka!"pagsisigaw ko ngunit naririnig ko lang itong tumatawa hindi manlang ako na inform na to the max level na pala yung ka demonyohan nito at nagawa niyang magpatakbo ng mabilis at mag overtake.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Where stories live. Discover now