CHAPTER 10

542 30 2
                                    

CHAPTER 10

Martes, alas 8 ng umaga nilibot namin si Roxy dito saamin. Pumunta kami ng kabilang bayan kung saan doon sa Cabugao kaya naman halos matuwa ito noong pumunta kami sa mga rides dahil pista ngayon dito. Parang bata itong nagmumunimuni sa paligid at pinagmasdan ang ibat-ibang rides.

"Besh halla gusto kong sumakay sa ferris wheel."sabi nito saakin na tila isang batang sabik na sabik masakiyan ang mga rides.

Natawa naman ako sakaniya, marahil dahil sa pagiging artista nito hindi na niya napupuntahan ang mga nais niyang puntahan, siguro pati sa panlilibang sa sarili ay hindi na niya nagagawa dahil sa patong-patong na schedule.

"Sigurado kang gusto mong sumakay diyan sa ferris wheel? ang daming nakapila mamaya nalang, sa iba muna tayo"tugon naman ni Harley mula sa likod dahilan para pumawewang si Roxy.

"Ako? ehem! excuse me, hindi nila ako kilala? omay! wait lang ha! watch ang follow me."mayabang na sabi nito saamin dahilan para tumango tango nalang kami ni Harley. Nakalimutan ko artista pala siya.

pagkadating namin sa pila ay agad itong nag alis ng balabal ng kaniyang muka at inalis ang shades nito. "Wazzup mga madlang kapuso!"sigaw nito dahilan para magtinginan ang mga tao.

"Si Roxy iyan diba? doon sa epic 5 tv series, naku palagi ko iyang inaabangan gabi-gabi first ever bromance fantasy dito sa pilipinas kaso sa japan sila nag shooting."

"Seryoso si Roxy ito? wow idol ko siya"

"Idol pa picture!" hindi mo kasama si Papa chiwa?"

Nagsidagsahan ang mga tao dito sa paligid upang makapag pa picture kay Roxy, samantala si Roxy naman ay nangiwi dahil halos lahat ng tao dito sa paligid ay pumalibot sakaniya habang kami ni Harley ay pinagtutulakan lang kami ng mga tao.

"Isa-isa lang mga besh huwag magtulakan makaka picture niyo akong lahat don't worry basta pagkatapos nito- aray! naapakan niyo yung paako hoy! mahal itong boots ko worth of 50 thousand iyan may utang pa ako sa bangko"pag-iingay ni Roxy habang dinadagsa ng mga tao.

Umabot ng humigit sampung minuto bago umunti ang mga tao ang mga paligid, at ang naging resulta nabungisngis si Roxy dahil sa init ng paligid na haggard ang lola niyo.

"Hindi na tayo naka sakay sa ferris wheel ayan kasi watch and follow! anyare besh."wika ko dahilan para irapan ako ni Roxy.

"Pwede pa naman tayong sumakay, ayun oh! unti na yung tao sa paligid."tugon nito habang hingal na hingal. Natawa nalang si Harley habang naka halukipkip sa gilid ng pine tree at pinagmamasdan ang rides sa paligid.

"Sige pila na tayo pagkatapos nun bili tayo ng mga souvenirs dito, alam kong madami tayong mabibili dito."nakangiti kong sabi dahilan para ngumiti ito at saka tumango.

"ano harley sasakay kapa?"tanong ko kay Harley at umiling ito dahilan para ngumuso ako at tignan siya ng masama.

"Ano ba iyan ngayon lang naman! sige na tara na huwag kangang Kj! halika na!"paghila ko nito at wala nanga itong nagawa, agad kaming pumila saka bumili ng ticket. Agad kaming pinapasok at doon agad kaming sumakay sa ferris wheel. Hindi ito normal na ferris wheel na makikita sa mga pistahan, dahil covered ito na parang cable car.

Unting-unti umangat ang aming kinalalagyan at si Roxy ay nakatingin lang sa bintana habang pinagmamasdan ang tanawin at buong lugar. Noong nasa itaas na kami ay nakita ko ang tunay na ganda ng lugar na ito. May mga sasakiyang dumadaan sa highway at parang mga maliliit na laruan lang itong mga kotse sa paligid. Napangiti nalang ako saaking nakita at binaling ang tingin kay Harley.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Where stories live. Discover now