CHAPTER 2

962 32 1
                                    

Kasalukyang kinukuhanan ko ng blood preasure ang isang pasiyente dito sa information desk dahil nakaramdam daw ito ng pananakit ng batok.

"120/110 po mother mataas po yung diastolic ng dugo niyo kaya iwas iwasan niyo pong kumain ng matataas ang kolesterol."payo ko sa matandang pasiyente sabay alis ng BP sakaniyang kamay.

Bahagya akong napangiti "Lola ano po bang kinain niyo kanina? umiinom po ba kayo palagi ng maintenance niyo? dapat palagi kayong umiinom ng gamot at iwas iwasan yung mga matatabang pagkain"muli kong sabi.

Huminga ito ng malalim saka tumingin saakin at ngumiti "Kailan ako kakain ng mga bawal saakin kapag ba namatay na ako?"tanong nito dahilan para matawa ako

"Lola hindi naman po sa gano'n may mga bagay lang talaga tayong kailangan iwasan para mas lumakas pa kayo. Kung gusto niyo pong mabuhay ng matagal at makasama pa ang mga apo niyo ay kailangan niyong maging healthy."sabi ko sakaniya dahilan para mapangiti ito.

"Alam mo iho swerte ang mapapangasawa mo, dahil ang bait mo at maaalalahanin."sabi nito kaya naman ibayong tuwa at tila kinikiliti ang aking puso sa sinabi niyang iyon.

"Naku lola hindi pa ako mag aasawa, pero salamat po lola"nakangiti kong tugon at hindi ko maiwasang mapalingon sa wallpaper ng aking cellphone. Ang picture namin ni Harley habang magkaakbay. Napatingin ang matanda saaking cellphone saka nangiti ito.

"Nobyo mo ba iyan iho?"tanong nito dahilan para manlaki ang mga mata ko saka umiling. Hinawakan niya ang aking kamay saka ngumiti. "Huwag kang mahiya, halata namang magkasintahan kayo dahil ang sweet niyo sa isat-isa"sabi nito dahilan para gumuhit ang matamis na ngiti saaking labi.

Habang sa ganoong pag uusap namin ng aking pasiyente ay biglang bumukas ang entrance ng ospital at itinakbo papasok ang isang binatang nakahandusay sa stretcher. "Sige iho aalis na ako medyo maayos na ang aking pakiramdam salamat."pagpapasalamat ni lola kaya ngumiti ako at nag wika. "Walang ano man po lola, basta yung payo ko sainyo huwag niyo pong kakalimutan."pagpapaalala ko at nangiti ito.

Pinagmasdan ko itong palabas ng ospital na dala ang matamis na ngiti sakaniyang labi at hanggang sa makalabas na ito ng entrance.

"Mr. Manzon pinapatawag ka ni Doc sa room 31. Yung pasiyente mukang nawalan ng malay dahil sa matinding lamig."sabi ng isang katrabaho kong Nurse kaya agad akong tumayo at lumakad papuntang Room 31.

Pagdating ko doon ay agad kong binuksan ang pinto saka pumasok. "Ikaw muna ang assigned nurse para sa dito sa bata halos lahat ng Nurse dito ay walang vacant time kaya dito ka muna."sabi ni Doc Trina kaya tumango ako saka sinuri ang kalagayan ng pasiyente.

"Sige I'll go ahead"sabi nito sabay tapik saaking balikat. Tumango naman ako bilang tugon

Maya-maya ay napatingin ako sa nagbabantay na kamag anak ng pasiyente kaya linapitan ko ito saka umupo sakaniyang tabi. "Lola huwag po kayong mag panic, nagkaroon po ng hypothermia ang apo niyo dahil sa matinding lamig"pagpapatahan ko sa matanda.

"Siya nalang po kasi ang nag-iisang apo ko na kasama ko dito, hindi ko alam ang gagawin kung may nangyaring masama sakaniya"umiiyak na wika ng matanda kaya yinakap ko ito saka hinaplos ang likod.

"Huwag po kayong mag alala mamaya po ay magigising na ang apo niyo kalma lang po kayo."pagpapatibay ko ng loob nito dahilan para kumalma ito. Habang sa ganoong pagpapatahan ko ay biglang pumasok ang isang binata din sa tingin ko ay kaibigan nito ng pasiyente.

"Ano pong nangyari kay allen?"tanong nito at bakas sa muka nito ang pag-aalala. Tila nakikita ko sakaniya si Roxy dahilan para makaramdam ako ng tuwa noong nakita ko itong batang ito.

"Hypothermia iho biglang pagbaba ng temperatura sakaniyang katawan"sagot ko naman at napatingin ito saakin.

"Sige po mukang may kasama naman na po kayo lola alis muna ako at titignan ko kung may naka assign pa sa information desk"sabi ko naman at tumango ang dalawa kaya agad akong tumayo saka lumabas ng pintuan.

It's time to say Goodbye Book 2 (Rewriting our Destiny)Where stories live. Discover now