CHAPTER 8

1.7K 50 17
                                    

DAY 43

ALMOST A MONTH AND A HALF na ang kalokohang pinasok niya. Totoo nga at may iba-iba siyang kamag-anak na bumibisita sa kanila ni Andrew. They are too irritating at times. Isama na din si Andrew na hindi niya na gets kung bakit nagpapaka-martyr in place of his selfish piece of shit of a brother.

Noong isang araw ay hindi na ito natulog dahil sa pagpa-practice para sa annual report ng kompanya ng pamilya nito. He will preside and he needs to know everything. He's too stubborn to let her do it.

Ngayong araw naman ay kasa-kasama niya ito sa San Vicente Investments dahil may board presentation para sa newly acquired nila na food manufacturing business. Madami ang mga tao ng factory na ito. They have to make solutions tungkol sa obvious na surplus ng manpower. She especially hates cutting out people na mahihirapan for sure na makakuha ng mga trabaho so she works hard to make room for them without hampering improving the company from financial ruin.

"Bakit ang daming tao dito?" Tanong niya sa isa sa mga bodyguards na kasama nila ngayon. Naiinis nanaman siya. She has already talked to her security about this. "Akala ko controlled niyo ang premises?"

During times like these ay may at least five bodyguards siya kasi nasaktan na siya before. Malaki ang kompanya and there were inside talks na malaki ang bilang ng mga tatanggalin kaya naman nagra-rally ang mga ito. If only they would listen na walang mawawalan ng trabaho. She was working hard just to make that happen.

"Hindi po kasi mapaalis ma'am. Dumami pa nga po lalo." Nilingon niya ang harapan ng building nila. Ang dami ngang tao. Nagsisimula na ngang mag-traffic dahil doon.

"And so? Problema ko ba yun? I hired all of you to coordinate and take care of all of this." It was irritation and frustration talking.

"Huwag ka na lang kaya tumuloy?" Andrew asked. He looks worried.

Mula noong unang bisitahin sila ng mga pinsan niya ay naging maayos na ang sa pagitan nila ni Andrew. Na-realize niya na siya lang ang naiistress sa tuwing magagalit siya dito. She should be mad at Adrian and not with Andrew. She also finds it admirable na andito pa din ang lalaki kahit na pinayagan niya itong umalis na.

"I'm fine." She assured him. "I've had worst days compared to this one."

"Ma'am, hindi ko na po masyado maipasok sa driveway. Hanggang dito lang po talaga." Kanina pa nga naman kasi silang naka-stay sa kinalalagyan nila. Malapit na magsimula yung meeting. The van was parallel to the entrance and she still has to walk bago pa makarating sa mismong entrance ng building nila.

"Okay na, dito na ako bababa." Nakita naman niyang naghanda na ang mga bodyguard na kasama nila sa van. Scenes like these are only seen in movies pero sa kanya reality. Things like these happen. "Next time do all of your jobs properly. Malaki ang ibinabayad ko sa inyo tapos ganito lang?"

"Hindi ba delikado?" Pinigilan siya ni Andrew na bumaba kasi madami nang nagsisigawan sa labas. Nakaharang naman ang sasakyan pero may mga gaps pa din na nakakalusot ang mag nagrarally, the security guards are taking care of them.

"Maybe," wala halos pake na sabi niya. Sanay na siya at tsaka wala naman mababago ang takot if ever. She should face this like she always does. "But my meeting is starting soon and I have to be there. If you want pupwede ka namang maiwan dito."

"No, no, I'm coming." Nauna pa nga itong bumaba ng sasakyan para maalalayan siya kasi she was wearing dramatically high heels like she always does. She has to walk the talk ika nga nila.

Ramdam niya yung tension ng lugar nang makababa siya. Halos palibutan na sila ng bodyguards and security guards dahil sa biglang dagsa ng mga tao sa paligid nila.

San Vicente 2: Fallacious ✅Où les histoires vivent. Découvrez maintenant