CHAPTER 16

1.6K 52 5
                                    

DAY 84

"WOW, I NEVER thought na ganito ka-indecent ang mga tao dito." She said habang nakahalukipkip at nakatingin sa kumpulan ng mga nurse na kinakausap si Andrew. There's this particular nurse na gusto niyang piratin talaga. She was too close and smiling too widely, casually touching Andrew's arm.

Kakatapos niya lang sa trabaho niya and she headed straight here para sunduin si Andrew na kakatapos lang din ng shift sa ospital. Habang naglalakad siya mula sa parking ay sobrang saya pa niya, she was even humming a song. Pero syempre bilang siya to ay nag-flactuate nanaman ang kanyang mood dahil sa nakita.

"Bobbie," Andrew's face lit up when he saw her pero hindi niya iyon masyado pinansin dahil sa inis sa mga babaeng andun. Nasabi naman na ni Andrew na kasal sila noon pero parang wala lang? May scarcity na ba ng lalaki at kahit may tali ay nilalandi? Okay.

Alam naman niya na di legal yun kasal nila and that she has no actual legal claim sa lalaki pero hindi naman yun alam ng mga ito. They should act professionally. She's already accepted his feelings for her kaya naman may karapatan na siyang mainis ngayon at mag-sungit. Whatever the label, sila pa din.

"Is it fun flirting with him?" She asked the nurse that was obviously making at pass at Andrew. Nagpipigil na siya sa lagay na ito. Kung sakali ay may sampal at sabunot na sana ito kanina pa. Hindi ito halos makatingin sa kanya ng maayos, visibly uncomfortable with the confrontation.

She has tolerated the women after Adrian before. Kaya niyang maging professional at high class kahit na harapan nang nilalandi ang fiancé niyang hilaw noon. That's how she got the common notion that she's cold pero ngayon lahat na ng pasensya sa katawan ay ibinuhos na niya para lang hindi manugod o manakit. She's even keeping a safe distance just so that she cannot pull anyone's hair. Hindi siya takot mapaaway, nagawa na niya yun kahit dati pa pero ospital pa din to kaya kailangan niyang mag-maintain ng some kind of civility.

Nilapitan siya ni Andrew looking puzzled with how she's acting. Actually out of character na nga siya eh. Since that day that she kissed Andrew ay para na siyang maamong tupa. Hindi naman talaga siya ganun. She's tough and mean pero Andrew's the complete opposite at dahil alam niyang ayaw nito na ganun siya ay pinipigilan niya pero hindi niya kaya ngayon. She doesn't want anyone pouncing on what's hers.

"Hey, that's not it." Paliwanag ni Andrew.

"No," umiling siya. "She's flirting with you."

"S-sorry if yun ang nakita ninyo pero..." nauutal na paliwanag nung babae.

"Kasi nakita ko o dahil ginawa mo cause that's two different things, you know."

"Bobbie, come on. There's no harm." Inakbayan siya ng lalaki, trying to pacify the situation. Kahit kasi yung ibang mga nurse halatang kabado na sa sitwasyon. "Aimee was just..."

"Oh, Aimee." She looked at the girl again. "Look here, you are too close, your body movements say what you really want. Alam mo din diyan sa utak mo kung anong ginagawa mo. Edukada ka, know your place."

Nakita niyang naiyak yung babae sa sinabi niya pero wala siyang naramdaman na awa o kung ano man sa nakikita niya. Some people just cry when cornered but that doesn't mean that they are innocent. There is a reason why she hated crying.

"S-sorry po." Then she took off. Hindi naman pala kaya ang consequence tapos magpapaawa pa. Everyone looked bewildered, iniisip siguro ng mga ito kung paanong siya ang babaeng pinili ni Andrew eh masama ang ugali niya. Everyone else thinks that way too.

"I'm tired. Uuwi na ako." And then she was off too. Hindi na niya hinintay si Andrew, she just walked away.

This happened kasi Andrew allowed it, nature ba ng mga lalaki na humanap ng iba pa? Hindi kayang makuntento sa isa. This is too much. Ayaw niyang daanan to twice, niloko na siya ni Adrian at iniwan. Hindi siya papayag na makukuha sa kanya si Andrew ng walang ayaw o laban, not this time.

San Vicente 2: Fallacious ✅Where stories live. Discover now