CHAPTER 3

2.1K 64 7
                                    

DAY 1

SHE FELT SO BETRAYED right now. Wala na siyang nagawa! Everyone was like crazily into the wedding na hindi na siya nakaatras. She took one look at all the guests' faces and they were so focused na kapag nag-iskandalo siya ay sila lang tiyak ang mapapahiya. Siya lang. This man beside her is so engrossed with playing the role na para na itong tanga. What did Adrian give to his twin brother to make him do this?

Adrian Andrew Dela Merced is the twin brother of Adrian Bennett Dela Merced. He's that brother that she's met once or twice kasi sa probinsya nagpapractice ng medisina. He's the better brother in her opinion, siguro dahil mas matanda ito ng ilang minuto sa kapatid nito? Mas responsible at mabait. He was a gentle soul compared to his brother who was a brute. Napansin kaya ng pamilya niya na si Andrew ito at hindi Adrian? Alam niya naman kasing malayo ang loob ni Andrew sa pamilya nito. He was an outsider to them. He wasn't even invited. Who does that to family, right?

Looking at him now ay hindi niya mapigilan na mas mainis. She expected better from this man. Alam niyang hindi niya kilala ito ng lubos para magsalita ng ganito pero naniwala siya sa saglit nilang pag-uusap dati na mabuti ito. She liked this man before because he was different and she respected that about him.

"Ate Bobbie," napalingon siya sa kanan dahil sa pagtawag sa kanya ni Omega. "Okay ka lang? Mukhang nagpapasikat yang asawa mo ah."

"Ha? What do you mean?" Napakunot ang noo niya.

"Look at him smiling at everyone. Hindi ko pa matagal na nakasama si Adrian ever pero this is the most he's smiled since I met him." She crossed her arms over her chest. "It's so weird."

"A-ano...ewan ko din diyan." Naiinis man siya ay ayaw niyang dumanak ang dugo dito sa reception ng kasal niya. "But he's uhm...he's changed a bit."

"Sabagay, people change naman." Meg smiled. "At least if he's changing that much magiging mas kalmado na ang family with your marriage."

Ngumiti na lang din siya. Wala naman na ngang ibang reaction na acceptable sa situation na ito. Inisahan siya ng siraulong Adrian na yun! Makakabawi din siya sa lokong Andrew na to at lalo na sa siraulong fiancée niya na si Adrian. She will make Andrew suffer for what he did to her today and she will hunt down Adrian so she can make him bleed. Wala siyang pake if Andrew only wanted to save Adrian's face kaya nito ito ginawa. Heck, kahit para sa kanya pa ito. She will make their lives hell.

Hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay nilapitan na siya uli ni Andrew. He looks exhausted. Nakakapagod naman nga na magsinungaling talaga. He can't keep that smile on for any longer for sure. Sabagay, kapag sumimangot ito ay mas mukhang si Adrian ito so he can manage with that too.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito sa kanya.

"Oo naman," walang pake na sabi niya.

"You okay?"

"I'm tired. Gusto ko na bumalik sa hotel." And she saw how he tensed up with what she said. "I'm gonna tell dad and you tell your mom. Okay?"

Then she left him there and did what she had to do. Pagod na siya sa pagkukunwari na surprised siya sa ginagawa ni 'Adrian'. She just wants to rest and reset kasi puro inis at galit lang ang tumatakbo sa utak niya. Ayaw niyang dito sa reception magkalat.

Hindi nagtagal ay nasa hotel room na nga sila. As if naman hindi siya ang masusunod sa kagustuhan niyang umalis na. Everyone wished them a good night and a good night's rest para sa daw sa honeymoon nila.

"Hindi ka pa ba pagod?" Tanong niya kay Andrew. Bilib nga naman siya sa dedication nito sa pagpapanggap niya.

"Hindi pa naman, ikaw ba?" He smiled. Naglakad ito patungo sa suitcase nitong nakita sa may kwarto. He must've known na kay Adrian ito, baka nga ito pa ang nagdala noon.

San Vicente 2: Fallacious ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon