CHAPTER 25

1.4K 34 7
                                    

TUMAWAG ang kanyang ama na nasa isang party nga daw ang mga ito. It was a business event kaya he requested that he goes there. Ayaw niya sana kasi busy siya and she also wants to see Bobbie. Napangiti siya sa idea na yun, matagal na niya itong nakikita and he just hopes that maybe they'll cross paths near the park where they met.

Alam niyang medyo mahirap iyon lalo na at hindi naman siya nakapagpaalam talaga dito. He had to leave immediately dahil sa isang malakihang medical mission na kailangan niyang samahan. He liked Bobbie a lot, higit pa nga siguro kay Shania, ang dati niyang nobya. Bobbie's smiles remained with him and she really missed her. Maybe this time he can really start a relationship with her. Adrian will stay put for Bobbie.

"A-Adrian?" Nagtatakang tawag sa kanya ng stepmother niyang si Patricia. Hinila siya nito patungo sa gilid ng venue.

"Ma," hindi man siya kunportable ay ito ang tawag niya sa ginang bilang respeto na din sa kanyang ama at para di na rin malito ang bunso niyang kapatid. "Nasaan si Bennett?"

Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya ang kakambal. May kausap ito at mukhang masaya din ito. Hindi naman kasi pala-tawa ang kapatid niyang ito. The woman had her back against Adrian kaya naman hindi niya makita ito. She must be special for Bennett to look that lively. Akmang titingin na siya uli sa stepmother niya nang mapalingon ang babaeng kausap ni Bennett. It was Bobbie, his Bobbie.

"W-who is he with?" Tanong niya kay Patricia, ang stepmother niya. There was excitement going through his veins.

"Bobbie San Vicente," she said. "Kilala mo ba siya?"

Napangiti siya ng malaki. He's going to see her again, maybe fate is really on his side right now.

"She's Bennett's girlfriend." Doon napawi ang ngiti sa labi niya. Tiningnan niya uli si Bennett at Bobbie, they were indeed holding hands, hindi niya napansin yun kanina. Kaya naman pala ganun ang ngiti sa labi ng dalawa, they were enjoying each other's company. She used to smile like that for him.

"K-kailan pa?" He asked.

"Maybe a month or two, recently lang naman sa akin nasabi ni Bennett." Kwento ng stepmother niya. "They look like a happy couple ano? We've met Bobbie and it looks like she really likes Bennett as well. Sayang at wala ka sa bahay when she came by sa picture ka lang namin naituro pero Bobbie said na she's met you before."

In a way that kind of broke him, kasalanan din naman niya na nawala siya ng ganun na lang. Inisip niya muna kasi ang trabaho niya, it is his calling kaya naman nauna iyon because he wanted to help in Sierra Leone. Bennett must be happy, he has such a wonderful girl.

"Ma, pasabi na lang kina Papa na kailangan ko na uli umalis para sa isang medical mission." He said habang nakatingin pa din kina Bobbie.

"Aren't you going to say hi?" Tanong ng ginang sa kanya. "You look like you want to."

"Hindi na po, magpapaalam lang din talaga ako. Kakausapin ko na lang siya some other time." Adrian said.

Tumingin na siya dito at ngumiti. Mahirap na makausap ang kapatid niya while knowing that he himself likes the girl Bennett is with. It'll be wrong of him to want his brother's girl. Siya na ang lalayo. Adrian doesn't want to complicate things bu meeting Bobbie again all while knowing that she likes Bennett, kasalanan din naman niya kung bakit nawala ang momentum between them.

"Mauna na ako Ma." Then he took one glance and left. Maybe Bobbie's not the one after all.

***

IT'S BEEN A year and a half and he's not really that much part of the family business because he's relocated himself in Mindanao para na din tapusin ang isa pa niyang specialty. Tinulungan naman siya ng tatay niya to situate himself and adjust sa buhay sa probinsya.

San Vicente 2: Fallacious ✅Where stories live. Discover now