Chapter 11:

3.7K 128 5
                                    

Thrizel's POV

Uminit ang aking dugo dahil sa pag-uusap doon sa Dean’s Office. Nandidito ako sa labas ng paaralan habang nakaupo sa waiting shed mag-isa. Hindi pa uwian ngunit nasa labas na ako. Gusto kong makapag-isip isip. Sinong tao ang magliligtas sa akin sa problemang 'yon?

Buti na nga lang ay walang bantay sa gate dahil sigurado akong hindi ako makalalabas. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at walang pag-aalinlangang hinithit ko iyon. Ito ang bisyo ko dati. Natigil lang ito ng bantay sarado na ako ni kuya. Speaking of kuya, halatang galit siya sa akin kasi hindi ako pinapansin. Sa ngayon ay parang naiinis naman ako.

Wala akong ibang ginawa rito kung hindi ang tumulala lang sa kalsada. Parang nagbago ang aking ginagalawan, parang nakakasakal. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, gusto ko lang ay—

"Argh!" Napasigaw ko at napasipa sa sahig. "Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko?" Naiinis ako sa anomang gusto ko. Naiinis ako nang tuloy-tuloy. Naiinis ako sa lahattttt!

"Hindi nga rin kita maintindihan." Biglang sabat nito at umupo sa aking tabi. Nangunot ang noo ko dahil sa kaniya. "Nagtataka na ako sa kinikilos mo."

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba galit ka sa akin? Bakit nandidito ka?" Sunod-sunod kong tanong dahil nakakapagtaka naman talaga.

"Porque magkaaway kayo ng aking kapatid, magkaaway na rin tayo?" Tinitigan ako ni Dominic sa mga mata, seryoso siya. "May naalala ka ba sa nakaraan mo?" Natigilan ako roon, naguguluhan. Bakit niya naman tinatanong? Anong mayroon doon? May balak ba itong mangialam? "Basagulera ka ba dati o palaaway?"

"H-Hindi." Nauutal kong sagot. Bumalik sa ibang direksyon. "Bakit mo tinatanong 'yan?"

Nilihis niya ang kaniyang tingin at bumuntong hininga na para bang hindi alam kung saan uumpisahan ang pagsagot sa tanong ko. "Matagal na kitang minamanmanan, hindi pa kayo magkakilala ng kapatid ko." Sumama ang mukha niya na parang naguguluhan sa iniisip. "Kapag nagagalit ka kasi, parang may ibang dahilan. Halimbawa, galit ka kay Demzell dahil pinakalat niyang killer ka pero bakit parang may iba kang pinagkukunan o parang may iba kang dahilan kaya ka nagagalit? Ang hirap ipaliwanag, kitang-kita ko sa mga mata mo. Lalo na't nang magkabungguan tayo." Anong ibig niyang sabihin? Pati ako ay hindi ko maintindihan. Ano bang pinagsasabi niya? Ang bang pinupunto nito? May gusto siyang iparating pero parang wala akong balak alamin. "Alam kong kaya mong pumatay ng tao dahil nawawala ka sa sarili mo, kaya mong manakit ng kapwa mo na hindi mo na mamalayan." Muli ako nitong tiningnan. "In short, matagal ng may galit diyan sa puso mo." Napangiti ito ng peke.

"P-Paano?" Hindi ko talaga siya maintindihan. Lalo niya lang ginugulo ang isip ko. Nilapitan niya ba talaga ako para diyan?

"Kitang-kita ko sa cafeteria kung paano ka magalit. Binibuhos mo lahat ng galit ng puso mo sa isang bagay kaya hindi mo napipigilan ang saril—"

"Kalokohan lang 'yan." Putol ko sa kaniyang sasabihin at napagpasyahang tumayo. Nagkakalokohan lang kami.

Naglakad na ako, papasok na dapat muli sa loob ng paaralan nang muli siyang magsalita.

"Stay away from your brother."

Napahinto ako at binalingan siya. Uminit ang aking ulo. Hindi ko alam ang pinagsasabi niya at mas lalong hindi ko siya kilala. "Shut up!" Saka na ako pumasok sa loob. Alam kong pinagtitinginan ako ng mga estudiyante pero anong pakialam ko? Patuloy ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Phryx na wala sa sariling naglalakad.

Napahinto ako nang tumitig ito sa aking mga mata, hindi ito masama kun'di malamig. Kung nakakatunaw lang ang kaniyang mga titig, kanina pa ako nalusaw dito. Nang magkalapit kami, akala ko ay may gagawin siya sa akin dahil isang metro nalang ang aming layo. Pagkaraan niya sa aking gilid, sinabay niya ang pag-amoy sa aking batok dahilan para magulat ako.

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now