Chapter 10.1: Replacement AGAIN

Start from the beginning
                                    

Biglang dumungaw yung ulo ng secretary ko akaA.K.A. Ms. Natalie Villanueva, ano na naman ba ang kailangan niya. Pumasok na siya at lumapit sa akin.

“Sir I forgot to tell you, you have a lunch meeting with Attorney Mark Legaspi.”

Ah nasabi na ni dad sa akin iyon, buti na lang pinaalala niya well that’s her job to remind me about my meeting and assist me in my meetings so kasama ko siya mamaya.

“Ok be ready before lunch, saan daw ba yung meeting?” Kasi kapag lunch meeting syempre lalabas kami.

Pag-uusapan lang naman namin yung deal na ibinigay kay tito Jared kahapon, ready na yung contract ipapabasa at ipapaaral ko lang kay attorney.

“Doon po sa restaurant near here.”

“Sige you may go.”

Nagbow na siya at lumabas ng room so bumalik na din ako sa ginagawa kong pagbabasa.

Natalie’s POV

Pagkatapos kong lumabas ng opisina niya kasi pinaalala ko yung lunch meeting with Attorney Mark Legaspi, ewan ko kung anung pag-uusapan nila as if alam ko.

Hay makabili nga ng mga canvas at paints mamaya, nakakawala kasi ng stress kapag nagpapaint ako, iyon naman talaga ang hilig ko pero dahil nga hindi naman ako sikat na painter nagtrabaho ako dito at sa kamalas-malasan maeencounter ko pa ang isang tulad ni Skyler Rodriguez.

I’m sure maaga akong makakauwi mamaya kasi maaga akong pumasok at isa pa ang labas ko ngayon 4pm pwede pang maggala sa mall pagkatapos kong bumili ng mga gagamitin ko sa pagpaint natry ko ng ipaint dati sina mommy at daddy isama na din si Nathan.

Sabi nila ang galing-galing ko daw nagbakasyon kasi kami nun sa Boracay at nagdala ako ng mga canvas tapos dahil maganda ang napagstayan naming balcony gumawa ako ng portrait nila isa-isa kasi halos 2 weeks din naman kami doon.

So ayun na nga tama na ang kwento kailangan ko pang magtrabaho kasi alam kong isasama ako mamaya sa lunch meeting na iyon.

Ginawa ko muna yung usual routine ko ang magsort out ng mga documents at magfile tapos mamaya na ako magtatype the usual secretary works.

Kring kring kring

Aisht istorbo talaga ang magaling kong boss, paano ko nalaman na siya iyon? Malamang siya lang naman ay pwedeng gumambala sa akin habang alam niyang may ginagawa yung empleyado niyang maganda.

Habang nag-aayos ako inabot ko nalang yung phone.

“HELLO!!!” Inis na sagot ko.

Walang sumagot sa kabilang linya, pinagtitripan ba ako nito? Bakit ayaw niyang sumagot ibababa ko na sana nung biglang may nagsalita.

O________________o

“Ahm, is this the office of the president of Rodriguez Group of Companies?”

Patay na ako double kill hindi triple kill pa pala mali pa rin pala ang mas maganda legendary kill na hahaha parang league of legends lang.

“Hello are you still there?” Tanong nung nasa kabilang linya.

Boses lalaki naman siya, sino kaya ito? Nakakahiya yung ginawa kong pagsigaw, akala ko kasi yung magaling kong boss hindi naman pala kasi naman Natalie bakit hindi mo muna chinecheck yung caller bago ka sumigaw. Ohh emmm too the goodness, breathe in breathe out just say sorry keri mo ito gurl.

“A-aahhh yes sir. I’m sorry about what happened I thought you are somebody else.”

“It’s ok. So can I talk to the president?” He asked again.

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now