Chapter 4: Interrupted and Kagat

4.7K 114 26
                                    

Chapter 4: Interrupted and Kagat

Natalie’s POV

“Hoy ate gumising ka na daw dyan sabi ni mommy.” May naramdaman akong umuuga sa akin.

0__________0

“Nathan?”

“May-iba pa ba?? Tss.” Sabi ng kapatid ko, napakasungit talaga nito. “Kanina ka pa daw ginigising ni mommy eh. Hayyy.”

“Oo na, oo na tatayo na ito na po koya.”

Nagkusot-kusot muna ako ng mga mata ko sabay inat. Pagkatapos nun tumayo na agad ako sa kama ko, nakita ko namang lumabas na si Nathan sa kwarto ko.

Siya yung nag-iisang kapatid ko nasa 2nd year college na siya at Law ang kinuha niya, grabeng duguan sa utak iyon ang dami pang kakabisaduhin na mga batas ganito, ganyan. Sa Fine Arts pa nga lang nahirapan na ako eh siguro kung Medicine ang kinuha ko o kaya mga Law wala lagpak na ako pero hindi naman yung lagpag matalino ata ito, mana kay mommy at daddy.

Bakit naman ang aga nagigising ng kapatid ko mas maaga pa kesa sa akin. Ano bang gagawin nitong kapatid kong ito eh sa pagkakaalam ko wala pa naman siyang pasok ngayon. Hindi kaya maggagala ito? Hindi hindi wala sa ugali nyan ang mga shopping ganito ganyan, hay bahala siya sa buhay niya bakit ko nga ba siya iniisip dapat isipin ko ang sarili ko kung hindi malalate ako.

Tinignan ko ang yung orasan ko at 5am pa lang, mga 9am ang pasok ko syempre magbabyahe ako. Dumiretso na din ako sa banyo at naligo na ako magagalit na naman si mommy sa akin kapag hindi pa ako naligo.

**********

Nang makatapos na akong maligo kumuha na ako ng isusuot ko sa closet ko syempre malamang sa malamang kailangan kong magpalda na naman kahit maraming manyak na tumitingin sa akin kapag sumasakay sa mga jeep at bus. Ang sarap tisukin ng ice pick ang mata hindi na lang ipirme sa mga sarili nila.

So I was saying nagbihis na ako at naglagay ng kolorete sa maganda kong mukha kasi nga di ba kailangan sa trabaho ko pero syempre dahil sa ayaw ko namang maging clown light make-up lang talaga ang inilalagay ko sa mukha ko. Then boom dyosa na ang kinalabasan ko well dyosa naman na talaga ako simula pa lang, nung pinagbubuntis pa lang ako ni mommy syempre fetus ako nun dyosa na agad ako.

Nang makapagbihis na ako bumaba na ako nakita ko si daddy at si mommy nag-aalmusal, nagtatawanan pa sila ang sarap talaga panoorin ang mommy at daddy ko they really love each other.

My dad is a lawyer kaya gusto din ni Nathan na maging lawyer, hindi naman pinilit ni daddy si Nathan na maging lawyer din it’s my brother’s decision to be one, while my mom is the owner of the ‘The Sweet Tooth’ it’s a pastry shop because my mom is a baker she really love to bake lahat ng mga binebenta sa shop niya siya ang gumagawa.

Hindi naman mahirap at hindi rin mayaman ang pamilya namin sakto lang kung tutuusin kasi wala din naman kaming mansion it’s just a simple house, basta sama-sama kami tapos ang usapan. Ayaw pa akong pahiwalayin nina mommy at daddy kasi daw bata pa ako sa mga ganyan at ayaw pa nilang mahiwalay sa akin. Aww so sweet nakakalanggam ang pagiging sweet ng mga magulang ko.

You want to know their names? My dad’s name is Nathaniel that’s why my baby brother’s name is Nathan while my mom’s name is Natalia and that’s where I got my name. Its cute right Natalia ang Nathaniel it’s just like their names brought them together.

“Good morning mommy, daddy.” Bati ko sa kanila sabay halik sa cheeks nila.

Gusto nila na lagi kaming nagkikiss sa cheeks nila every morning kapag binabati namin sila.

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now