Chapter 9: Another Day in HELL with HIM

2.8K 73 1
                                    

Chapter 9: Another Day in HELL with HIM

Natalie’s POV

“Natalie gumising ka na dyan. Baka malate ka anak.” Sabi niya habang inuuga ang balikat ko.

“Hmmmm.” Umungol lang ako.

“Gumising ka na Natalie, tumayo ka na ha lalabas na ako at magpeprapare ng breakfast.”

O_________O

“Mommy?”

Dilat na dilat ako nung bigla akong ginising ni mommy. Inikot ko pa ang paningin ko, nandito na ako sa kwarto ko.

“Bakit ako nandito?” Nalilitong tanong ko.

Natatandaan ko na nasa kotse ako ni sir Skyler, pero bago yun kumain muna kami sa carinderia/tapsilogan tapos tsaka kami umuwi paanong nandito na agad ako anu yun lumipad ako?

“Anong bakit ka nandito malamang bahay mo ito. Anak nababaliw ka na ba?” Papalabas na sana si mommy nung bigla akong nagtanong sa kawalan.

“Hindi mommy, bakit nandito na ako sa pagkakaalala ko…” Tumayo na ako sa kama ko pero hindi yung tayo talaga, umupo lang ako at baka mahilo ako. “Nasa kotse ako ng boss ko pero ngayon nandito na ako nakakalito.”

“Ahhhh yun ba?” I looked at my mom.

“Bakit?”

Lumapit sa akin si mommy na parang kilig na kilig kasi paano ba naman umupo siya sa tabi ko para lang hampasin ang braso ko tapos tumili pa ng ‘ayyyiiieeee kinikilig ako kagabi’ kaya biglang kumunot ang noo ko.

“Anak yung boss mo ang naghatid sayo dito sa bahay.” Kilig na kilig na sabi niya.

“Mom I already know about that ang tinatanong ko kung bakit nandito na agad ako ano yun lumipad ako?” I sarcastically said to her.

“Hahahaha.” Tumawa lang siya.

Kaya tinitigan ko siya ng bored look.

Ano ba ito si mama tinatanong ng maayos tapos biglang tatawa. Siya ata  ang nababaliw eh.

“Ahhh sorry anak.” Sabay punas ng mga tumulong luha sa mata niya sa kakatawa, naloloka na nga siya. “Kinilig lang si mommy.” Dagdag niya pa.

“Halata nga eh.” Sarcastic na pagkakasabi ko sa kanya.

-__________-

“So ganito yun anak, ayun nga hinatid ka---.” Hindi niya pa tapos yung sasabihin niya siningitan ko na, ganito kasi si mommy kapag kinikilig walang preno ang bibig kapag nagkwekwento hindi pa ako diretuhin ng matapos na kami paulit-ulit lang siya.

“Oo nga ma, hinatid niya ako, paulit-ulit?”

Binigyan niya ako ng masamang tingin ok, I need to zip my mouth shut. I gestured my hand na parang sinasabing ituloy na niya ang sasabihin niya, and one more thing ayaw niyang nasisingitan siya kapag nagkwekwento siya kasi baka hindi niya ituloy ang kwento niya or worst layasan ka niya habang naghihintay ka ng sasabihin niya.

“So ayun nga hinatid ka niya dito sa bahay natin.” Balik sa kilig ang boses niya.

“So?”

“Tapos kasi daw nakatulog ka sa kotse niya at ang hirap mong gisingin na halata naman kasi wala kang maalala. Myyyy GOOOOODDDDDDNNEEESSSSS hindi ko na kaya kinikilig na talaga ako.”

“MA!!!” Seryoso na ang boses ko.

“Oh sorry, sorry nadala lang ng emosyon.” Siguro alam niyo na kung kanino ako nagmana by now.

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now