Chapter 14: The Unexpected Kiss!!

1K 21 4
                                    



Chapter 14: The Unexpected Kiss!!

Skyler's POV

Nang dumating na sina dad ay nagsimula na ang host na ipakilala sila kasama niya si mom sa harap at tinawag na nga ako kasi ipapakilala na nila ako bilang bagong presidente ng Rodriguez Group of Companies.

I started walking towards to the stage at pumunta kung nasaan sila syempre nasa gitna sila ng stage. My parents just smiled at me and my dad pat my shoulder.

I cleared my throat before I start. "Good evening everyone I'm Skyler Rodriguez the only son of Steve and Hera Rodriguez the previous owners of the Rodriguez Group of Comapanies. From now on I will be handling the RGC and will be the new President or CEO of the company for the upcoming days, months and years. As we can see we are now celebrating the 30th year success of the company because of the hard work of everyone in the company. Another one, my cousin Claude Dizon is the new Vice-President of the company." Hinanap ng mata ko kung na saan ang pinsan ko at nakita kong nakangisi siya sa akin, ipinagpatuloy ko na ang pagsasalita ko. "I hope that the success of the company will continue to the upcoming years, for the 30 years of success of RGS so let's cheers for it." At itinaas ko na ang hawak kong champagne inabutan kasi ako kanina ni dad ng champagne meron din si mom nasa side ko kasi sila habang nagsasalita ako.

"Cheers." Nagsi-angat naman ang mga guest nang kani-kanilang mga baso.

I just took a sip kasi medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon ayaw ko malasing agad kasi mag-eentertain pa ako ng mga bisita namin.

Pagkababa ko ay nagsalita akong muli. "I hope everyone here will enjoy the party and thank you all for coming and celebrating this wonderful event with my family, with us." Pagkatapos kong magsalita ay nagsipalakpakan naman ang mga bisita.

May kumuha na din nung hawak kong baso.

Lumayo na ako sa mic at lumapit kay mom at dad. "I'm so proud of you my baby boy." Sabay kiniss ako ni mom sa pisngi nakikita kong tuwang-tuwa siya ngayon may kinang sa mga mata niya.

"Mom stop it, maraming nakakakita sa atin." Suway ko sa kanya masaya naman ako at nakikita kong masaya si mom.

"Aww ang baby boy ko ayaw nang magpakiss sa mommy niya, honey oh pagsabihan mo nga ang anak natin." Nagtatampong sabi niya sabay kalawit nang mga braso niya sa braso ni dad. Inakbayan naman siya ni dad at hinalikan sa noo.

Ang sweet talaga nitong dalawang ito. They are so proud of their relationship well what can I say simula noon hanggang ngayon ni hindi manlang sila nagkaroon ng malaking ayaw at lamat sa relasyon, kung meron man simpleng tampuhan lang iyon na si mom ang nagsisimula.

I'm so glad that they are my parents.

"Hayaan mo na hon malaki na si Skyler."

"It's not like that mom, I'll go down now I stii have to entertain our other guest and our other family friends." And I didn't let her to say something else kasi baka mauwi na naman kami sa mahaba habang sasabihin ni mom.

The party is just starting pero gusto ko na agad umuwi ayaw ko nang mga ganitong party kasi masyadong maingay at puro business lang naman ang pinag-uusapan nila pero I need to get used to it because starting from now this is not the only party that I will be attending.

Kung ako ang tatanungin ayaw kong nagpupunta sa party kasi wala naman akong hilig sa mga ganito at isa pa kung hindi business ang pag-uusapan niyo ng kausap mo more on tatanungin ka sa personal life mo, kung saan ka nag-aral at kung anu-ano pa.

Syempre nung makababa na ako sa stage yung mga business man na kakilala namin ay nagsilapit na sa akin para icongratulate ako napansin ko ding nagkakasiyahan na sila, lumapit din sina dad at mom sa akin. Nginitian ko nalang yung mga bumabati sa akin nakita ko din si Claude na nilalapitan ng ibang mga kilalang tao sa business world mukhang binabati din siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now