Chapter 11.2: Planning for the Event

1.2K 49 3
                                    

Chapter 11.2: Planning for the Event

Natalie’s POV

Nang nakita kong lumabas na si Sir Claude tumayo na ako at nagpaalam kay Leo alam na niyang pupunta kami sa pagawaan ng invitations tapos diretso siya sa event organizer.

Sumakay na ulit kami sa elevator tapos sa parking niya ako dinala. Iginiya na din niya ako papunta sa sasakyan niya at ayun humarurot na kami paalis sa office, habang nasa byahe kamikwento siya ng kwento ng kung anu-ano ako naman tawa ng tawa at nakikinig lang sa kanya.

Nasabi niya din na gusto daw ng mommy ni Sir Skyler na lagyan ng mga bulaklak at ang gusto daw na kulay ay pink violet or plum at baby blue kasi hindi daw masakit sa mata yung mga kulay na ganun, dahil nga sa next month na iyon kailangan namin maghabol ng oras.

“Ito pa, ito pa. Bakit nabuo ang egg?” Sabay tawa niya.

“Bakit?” Tanong ko.

Sinasakyan ko na nga lang yung mga sinasabi niya kahit hindi nakakatuwa.

“Para gawing scrambled egg. Hahahahaha.”

“Ano kaya yun. Hahahaha.” Tanong ko sabay tawa.

Nginitian niya ako at tumawa ulit. “Natawa ka naman eh.” Natutuwang sabi niya.

“Sinasakyan ko lang ang mga pakulo mo Sir, kakakilala palang natin napaka-fc mo nap o kaya.”

“Kesa naman mabulok yung laway natin.”

“Well you have a point there.” Sabay nagtawanan ulit kami nakasakay ako sa passenger seat ng sasakyan niya ayaw niya daw kasing magmukhang driver.

After that he just continued to drive his car, nang makarating na kami sa pagawaan nung invitation bumaba na agad kami. Ewan ko kung bakit kailangan pang kami ang mag-ayos na mga ganito alam ko handle din ito ng event organizers.

Ok na din iyon kasi para hindi ko makasama ang boss ko.

“Para saan po ba ang ipapagawang invitation? Kasal niyo po ba?” Tanong sa amin nung babae at talagang tumitig ng makahulugan. Ngumiti pa siya sa amin at parang kinikilig sa iniisip niya.

0_____0

Ikinaway-kaway ko yung mga kamay ko sabay iling-iling.

“HINDI PO!!!”

“OPO!!!”

Sabay naming sabi.

Tinignan ko siya at pinanlakihan ng mata tapos ayun humagalpak siya ng tawa sabay pat sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

Tinignan niya ulit yung babae. “Opo ikakasal na kami.” Sabay nagkiller smile pa siya.

“Ano bang ginagawa mo Sir Claude.” Sabay tinapik ko ang kamay niya na nasa ulo ko pa rin.

“Miss joke lang actually iyon, actually anniversary talaga namin ang papagawan namin ng invitations.” Sabay umakbay siya sa akin at tumawa na naman siya.

Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya at pinaghahahampas ko siya sa braso aba’t kanina pa siyang tuwang-tuwa ah, oo nga’t boss ko na rin siya mabilis ko kasing makagaanan ng loo bang bait din kasi kaya kahit kahapon lang kami nagkakilala.

“Ano ba sir? Ang dami pa nating gagawin nakuha mo pang magloko ngayon.” Inis na sabi ko sa kanya.

Kung kanina sinasakyan ko pa yung joke niya aba sobra na ngayon kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya na kasal daw tapos anniversary anong susunod? Binyag na nang anak namin ang sasabihin niya?

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now