Chapter 13.2: Anniversary Party

876 38 4
                                    

Chapter 13.2: Anniversary Party

Leo's POV

Nakakirita itong babaeng ito kanina pa dikit ng dikit sa akin, sinabi ko na nga sa kanya na bakla ako pero ayaw pa rin akong tigilan. Akala mo linta kung makadikit siya sa akin.

"Pwede ba Ashley please stay a meter away from me." I said to her, I even gritted my teeth sa inis ko sa kanya.

"I can't do that Leo baby." Nakakapit pa rin siya sa braso ko.

Hinarap ko siya. "And why not?" Anong akala niya magugustuhan ko siya? No way.

"Kasi nga mamahalin mo pa ako baby Leo." Tuwang-tuwang sabi niya sa akin.

"Didn't I told you that I'm a gay?"

"Well I don't believe you kasi nga mahal mo ako." Napakaassumera ng babaeng ito para sabihing mahal ko siya eh hindi pa nga masyadong matagal nung nakilala ko siya.

Iniwan na kasi kami ni Natalie at kailangan niya daw niyang hanapin si Sir Skyler. Ewan ko ba kung bakit pa siya kailangan ni Sir Skyler ayan tuloy naiwan ako kasama ang babaeng ito.

Nakakairita lang ang pagkapit niya sa akin. Hindi ko naman maitulak kasi baka masubsob kasi sa sobrang inis at pagkairita ko sa kanya baka mapalakas.

I just sighed at nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok ng venue nung party, umupo agad ako pero hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakakapit niya sa akin, ano ba ito namagnet na ba ang babaeng ito sa akin?

"Will you please let go of me now?" Iritang sabi ko sa kanya.

She pouted her lips and let go of me, she also sat down beside me.

Hinintay ko nalang na dumating na si Natalie kasi sabi niya hahanapin niya lang daw si Sir Skyler para itanong kung anong kailangan nito sa kanya.

May nagdadala din nang inumin dito sa amin kaya habang naghihintay kami na dumating siya kumuha muna ako ng maiinom ko.

May biglang kumalabit sa akin kaya tinignan ko siya. Wala namang ibang kakalabit sa akin kundi ang makulit na babaeng ito. "Leo baby gusto mo kumuha ako ng pagkain?" She even smiled at me pero I just gave her a poker face.

Tumayo naman siya at dumiretso doon sa buffet table ewan ko kung anong pagkain ang kukunin niya bahala na siya sa buhay niya maganda nga iyon at hindi na niya ako kukulitin.

Nang makabalik siya may inilagay siya sa harapan ko.

"Oh ayan kinuha na kita ah."

"Did I told to get something for me?"

Nagpout na naman siya pero ngumiti din. "Hindi pero gusto kita ikuha." Ang kulit talaga ang babaeng ito kelan niya ba ako titigilan, hindi pa nga kami matagal na magkakilala pero ayaw ko na siyang makasama. "Kumain ka na ha." Pamimilit niya sa akin at mas inilapit niya pa sa akin yung plate na kinuha niya.

Kaya ko pang tiisin si Natalie pero ang babaeng ito naku nauubos na ang pasensya ko sa kanya, can't she see that I don't like her? I even told her that I'm gay but she still keeps pestering me.

"Tss."

"Ang sungit mo naman papangit ka niyan Leo baby."

"Then don't bother me because---." Hindi na ako nakatapos sa pagsasalita ko kasi sumingit na agad siya.

"Hmmp, oo na alam ko naman." Inis na sabi niya sa akin.

Aba't siya pa ngayon ang naiinis imbis na ako, kasalanan naman niya talaga eh. Party ang pinunta ko at dapat nagsasaya ako kaso hindi ko magawa kasi nagtext kanina sa akin si Natalie na bantayan ko daw ang babaeng ito as if naman something bad will happen to her here.

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now