Chapter 8: Sweet Boss

2.4K 80 8
                                    

Chapter 8: Sweet Boss

Natalie’s POV

Nang matapos na ang meeting umakyat na kami pabalik sa 35th floor kung nasaan ang opisina ng real boss ko, kanina nga nung nasa conference room hindi ko namalayan na buong meeting tulog pala ako. Nakakahiya man pero anong magagawa ko inantok ako eh, wala naman atang nakakita sa akin.

Nang makababa kami ng elevator nagsalita agad siya sa akin, medyo antok na nga ako eh buti naintindihan ko pa yung sinasabi niya mamaya matutulog ako sa bus ayaw kong magtaxi paggabi lalo na inaantok ako baka mamaya magising nalang ako na buntis na pala ako. Hahahaha joke basta matutulog ako sa bus.

“You can go home now.” He said.

Nakakagulat at mukhang ang bait niya ngayon sa akin parang kanina lang kulang nalang sumabog siya sa galit sa akin kasi puro palpak ang gawa ko tulad nalang nung black coffee niya at yung pinatype niya sa akin.

“Really sir?” Nanlalaking matang tanong ko sa kanya, bigla akong nagising sa sinabi niya sa akin.

“Do I look like I am joking?” Sarcastic na pagkakasabi niya oh so seryoso talaga siya.

“Ok sir, thank you.” Pagkasabi ko nun nilagpasan na niya agad ako at pumasok na siya sa opisina niya.

Ako naman nagpunta na sa table ko at inayos ang mga gamit ko pati yung mga documents na dadalhin ko ulit pauwi sayang naman wala si Leo edi sana makikisabay ako sa kanya kasi antok na talaga ang beauty ko.

Nang maayos ko na ang gamit ko ako naman ang nag-ayos syempre haggard na ang maganda kong feslak dahil sa tambak na gawain at isa pa magpupulbos na lang ako at magsusuklay, so ayun nga ang ginawa ko at nang ok na ang itsura ko mukha ng dyosa nilagay ko na yung pulbos at brush ko sa buhok sa loob ng bag ko at isinukbit.

Mukha pa rin akong lasing kasi nga feeling ko babagsak na ang talukap ng mga mata ko pero keri yan goddess ako, goddess ako kaya dapat maganda pa rin kahit mukhang bangag. Tumayo na ako at isinukbit ang bag at dinala ko na yung mga documents naglakad na ako papunta sa elevator.

Kung maghagdan kaya ako magigising kaya ang diwa ko?

Malamang hindi kasi mas mapapagod ka lang kaya mas lalo kang aantukin. Sagot sa akin ng subconscious ko.

Oo nga naman may tama ka bakit nga naman ako maghahagdan kung may elevator at isa pa hindi ako si Wonderwoman at Darna na magbubuwis ng buhay ko sa pagbaba hanggang 1st floor.

Oh ano pang hinihintay mo pasko? Pindotin mo na ang elevator. Demanding na subconscious ka ah eto na po mag-antay ka.

Pinindot ko na yung down ng elevator at bumukas naman agad pumasok na ako at pinindto ang 1st floor or ground floor kasi yung lower ground para sa mga sasakyan iyon pero meron din naman sa ibang floors na parking.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi pa ako nag-aral magdrive edi sana hayahay ang buhay lalo na at ganitong pagod ako siksikan pa naman sa mga bus at jeep nakakairita yung ibang tao.

Ting

25th floor huminto at may mga ibang sumakay kaya doon na ako sa gilid ng elevator ayaw ko nang magpakadulo aba ako ang unang nakasakay kaya dapat ako din ang unang makababa doon ako tumabi sa malapit sa nga elevator buttons.

Ting

21st floor may mga sumakay na naman anu ba yan sana magtuloy-tuloy na pampatagal ng oras eh pwede naman pag-akyat nalang ulit nang elevator mag-sisakay puno na nga eh nakikisiksik pa rin sila.

Sumarado na ulit at muli na namang huminto sa 15th floor sa inis ko kasi nga nag-iingay na yung elevator means hindi na kayang magsakay napasigaw ako dala na din nang antok ko.

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now