Chapter 10.1: Replacement AGAIN

1.9K 62 1
                                    

Chapter 10.1: Replacement AGAIN

Skyler’s POV

Nandito na ako sa loob ng office ko, kailangan kong asikasuhin yung magiging event next month kasi company party iyon at isa pa anniversary ng company iyon. Hindi ako makapaniwala na ganun yung babaeng iyon pagkatapos ko siyang ihatid at take note buhatin kasi hindi na naman siya magising gising sa pagkakatulog niya at isa pa hindi man lang siya nagpasalamat sa akin.

Hindi ko na pinapasok si dad ngayon kasi madali lang naman ang  gagawin ngayon I’ll just plan about the event, mamaya kakausapin ko yung vice president ng company, si tito Jared Dizon ang vice president he’s my dad’s cousin so technically he’s my real uncle from my father side.

Pero hindi nila alam, hindi alam ng kumpanya na kamag-anak namin ang vice president kasi magkaiba naman ang apelido kasi my dad’s father and my uncle’s mother are siblings. Si tito Jared ang naghahandle ng mga magiging events sa kumpanya si dad lang ang taga-approve pero ngayon ako na.

Sabi ko kay Ms. Villanueva pumunta siya agad dito kasi siya ang tatawag sa mga mag-cacater at kung saan gaganapin ang event lahat siya ang gagawa nun kasi alam ko nang hindi makakapasok ang secretary ni tito Jared nabasa ko kanina yung pagtetext nila.

I already called tito yesterday when I got home, I just reminded him about the event that’s going to happen. Kauuwi niya nga lang galing sa Cebu kasi may mga inayos siya doon about sa company namin doon kasi nga hindi nakapunta si dad kasi inasikaso niya yung about sa pagiging president ko sa company.

Tok tok tok

I think its Ms. Villanueva already.

“Come in.”

Bumukas ang pinto at tama nga ang hula ko. “Sir ano pong kailangan niyo?” She sarcastically said.

Parang hindi niya ako boss kung kausapin niya ako at sagutin ah pero nung si dad pa yung boss niya kung pwede lang na maging tatay niya sa sobrang galang niya ay nangyari na.

“Tell the vice president that our meeting will start after lunch, maybe 1 or 2pm.”

“Ano?!!” Sigaw niya sa akin.

“Anong ano?” I asked her.

Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng parang bored na bored na siya.

“Sir you have a phone near you. Can’t you do it yourself?”

0________0

What? What did she say?

Tinignan ko siya ng masama at pinanlisikan ng mata.

“Are you commanding me?” Inis na sabi ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya sa sinabi niya kanina.

“Get out and do what I say!!!” I shouted at her.

“Ok sir, excuse me.” Sabay lumakad siya palabas ng office ko.

Boss niya ako pero kung makapagsalita siya sa akin akala mo hindi niya ako boss at parang kaoffice mate niya lang ako kung magsisigaw siya ng ganun.

Pinabayaan ko na siya at iniscan ang mga kailangan kong basahin na mga documents, gusto ko man magpagawa nang kape hindi pwede baka maulit lang yung nangyari kahapon.

Nakakasuka pa naman yung ginawa niyang kape kahapon, halata naman talaga na hindi siya marunong gumawa. Gagawa nalang ng kape hindi pa marunong paano kaya siya makakapag-asawa kung ganun siya gumawa ng kape.

Tok tok tok

Nagbabasa na ako ng biglang may kumatok.

“Come in.”

The Kissing Monsterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें