Chapter 6.1: Tiring Day

3.8K 84 7
                                    

Chapter 6.1: Tiring Day

Natalie’s POV

“Ano?”

“Anong ano? Supposedly dapat kanina pa tayo nagsimula pero dahil tulog ka nga hindi iyon nangyari.” Bored na sabi niya.

Ipinalibot ko ang mata ko kung na saan na kami at wala na ako sa sasakyan niya wala na din kami sa sasakyan niya siguro nasa office na niya kami. Nakahiga ako doon sa sofa ng office at siya naman naka-upo sa one sitter chair na katapat ng hinihigaan ko.

Nahihiyang bumangon ako dahan-dahan at inayos ang suot ko so naka-upo na ako ngayon at kaharap ko ang boss ko.

“Bakit hindi niyo man lang ako ginising nung dumating tayo dito sir?” Tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya.

“Sa sarap ata ng tulog mo hindi mo naramdaman na kanina pa kita ginigising.”

“Po pero mabilis akong magising.” Pagsisinungaling ko sa kanya.

“Oh really? At isa pa hiyang-hiya naman ako sayo kasi naghihilik ka pa at naglalaway.” Sabi niya sa akin, ganun pa rin ang expression niya poker face.

0_________0

“W-what? I-I’m not. Hindi ako n-naghihilik at naglalaway.”

“Tss. Wag na natin pag-usapan yan at pwede bang tumayo ka na dyan Ms.Villanueva at ayusin mo ang sarili mo?”

“Wait may tanong pa ako sir.”

“Ano iyon?” Sabay taas ng kilay niya.

Psh, so gay parang Leo lang.

“S-sino po ang n-nagdala sa akin dito?” Nahihiyang tanong ko.

Binigyan niya lang ako ng matinding poker face niya.

0___________0

Wag niyang sabihin na siya ang nagdala sa akin dito kasi hindi ako maniniwala sa kanya kung totoo man iyon. Aba sa ugali pa lang niya wala ng maniniwala sa kanya na gagawin niya ang bagay na iyon.

“Wag niyo pong sabihin kayo?”

“May iba pa ba? Tsk.” Sungit talaga nito.

“Totoo?” Tanong ko pa.

“Kung gusto mong masuffocate at mamatay sa loob ng sasakyan ko edi ibabalik ulit kita doon at matulog ka ulit.”

Iiihhhhh napakasungit talaga malay ko bang siya talaga ang nagbitbit sa akin papunta dito at isa pa dapat hinampas niya ako kanina para nagising ako agad effective yun nung tinry dati sa akin ni mommy yun sa gulat ko pa nga napatayo ako sa kama ko.

“Excuse me sir, lalabas na po ako. Salamat din po sir.” Sarcastic na sabi ko sa kanya.

Kahit papaano din naman ok na kasi hindi niya ako iniwan sa sasakyan niya. kaya din siguro napasarap ang tulog ko kasi nga inihiga pa niya ako dito sa sofa, wala bang kama dito eh di sana maya-maya pa ang gising ko hahahaha joke. Demanding pa ako nakatulog na nga ako at himala na din dahil hindi niya ako pinagalitan.

“Hurry it up, magmadali ka at dapat kanina pa tayo nagsimula. Pag labas mo kunin mo na din iyang mga papel dyan sa table ko at itype mo may isang oras ka para matapos lahat yan.”

0______0

“W-what? H-hindi ko po m-matatapos lahat yan ang dami kaya nyan.” Pagrereklamo ko sa kanya ano ako si flash para matapos lahat yan?

“Are you complaining?”

“Hahahaha sir hindi tuwang-tuwa pa nga ako na ang dami kong itatype eh.” Sarcastic na naman na sabi ko sa kanya.

The Kissing MonsterWhere stories live. Discover now