Chapter 35

208 33 0
                                    

#Titibotibo35 Strings

Ilang araw na rin kaming laging magkasama ni Xandra. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa wakas ay nakuha ko na rin ang loob niya o hindi dahil pati ako ay napapagaan na rin sa kanya. Ang daming nangyari, halos tatlong linggo na.

"So, you again," ani Lolo ni Xyll nang makita akong muli sa kanilang family date.

Ngumiti ako. Naalala ko pa dati, nasira 'yung family date dahil kay Xandra. Akalain mong ngayon na siya pa ang nagset para raw magkaroon ng Take 2 na this time ay hindi na raw siya manggulo at magso-sorry na sa harap ng pamilya niya.

"Do you want me to arrange a marriage between the two of you?" Nagulat ako sinabi ng Lolo niya. Grabe, marriage agad?

"Not bad," komento pa ni Xandra.

Inikot ko ang aking paningin para tignan ang mga reaksyon nila. Nakangiti lamang ang mga magulang ni Xyll habang nakatingin sa akin. Samantalang si Xyll naman ay nakatingin lang sa akin na tila hinihintay rin ang magiging sagot ko.

Binalik ko ang tingin sa Lolo nila. Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang sasabihin ko dahil sobrang strict talaga ng Lolo nila, kailangan formal, 'yung tipong pang-business meetings.

"Uh... H-Hindi po, masyado pa pong maaga para diyan..." naiilang na sagot ko.

"Well, you can be engaged while studying. Isn't it bad?" dugtong niya pa.

Jusko. Ang aga.

"And yes, I'll tell Gomez about this," kumunot ang noo ko sa pahabol niya.

"Gomez?" tanong ko. Sinong Gomez na kamag-anak ko ba 'yan?

"Emma Gomez, your grandmother, owner of the famous shoe business in China." Nanlaki ang mga mata ko. Emma Gomez pala ang pangalan ng Lola ko na sinasabi ni Papa at Doc Dermia!

Pero Emma... napaka-familiar sa akin ng taong iyon. Pakiramdam ko may nakilala akong Emma ang pangalan. Hindi ko lang maalala.

"I'm sorry, Lolo. She never had the chance to meet her grandmother, that's why," sambit naman ni Xyll.

"Oh? I heard Emma's looking for her granddaughter here in PH since her daughter died. If I am not mistaken, it's Derelane Gomez. I heard that the relationship between her and Emma wasn't that good. Derelane built her own business because she doesn't wanted to be with her mother."

Naramdaman kong napatingin sa akin si Xyll. Samantalang ako ay nanatiling nakatingin sa Lolo nila. Hindi ako makapaniwala. "I'm sorry for telling you this, iha. Well, it was me who dragged her business down. Emma asked for my help, justifying that Derelane had the wrong decision. And Emma was right, Derelane's business wasn't that strong enough."

Malungkot akong ngumiti. Kailangan kong tanggapin. Wala na akong panahon para magalit. Tapos na. Nangyari na.

Naramdaman kong hinawakan ni Xyll ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya ganoon din ang ginagawa ko.

"Aww. That was a legit agony," ani Xandra.

Napatingin kaming lahat nang biglang tumayo ang Daddy ni Xyll. "Excuse me, may nakalimutan lang ako."

Bigla akong natauhan.

Tangina.

Ang liit ng mundo.

Tahimik na rin naming tinuloy ang pagkain. Hindi rin naman nagtagal ang Daddy ni Xyll. Medyo nakakapagtaka nga dahil para saan ba 'yung nakalimutan niya? Halata naman din sa mga mukha nila na alam nila kung bakit umalis si Tito. Hay. Buti na lang medyo nagsi-sink in na sa utak ko na si Doc Dermia nga ang nanay ni Xyll. Kaya pala parang namumukhaan ko rin si Doc noon. Bukod sa may hawig sila ni Mama, magkamukha rin sila ni Xyll. Medyo ta-tanga pa kasi ako dati. Nasanay na walang pakialam kaya hindi ko na pinansin.

Titibo-tibo (COMPLETED)Where stories live. Discover now