Chapter 25

260 43 0
                                    

#Titibotibo25 Difference

"Ano? Hindi naman kita napapansin dati, ah. 'Yung pangalan mo lang 'yung kilala ko kesyo ex mo 'yung kaklase ko," agad na sabi ko.

"The first time I met you was at the Breakdown bar—"

"Pumupunta ka do'n? Hindi naman kita napapansin, ah!"

"So, kailangan ba makita mo ako do'n? E, 'di ba you've just said that you only knew my name. So, probably hindi mo talaga ako mapapansin. And besides, Drex was the one who took us to that bar. He was broken that time, tapos sumama na lang kami kasi baka magwala. Knowing Drex, puro kagaguhan lang alam no'n."

Napailing ako sa mga nalaman ko. Hindi ko talaga siya napapansin dati. Simula nu'ng natapunan ko siya ng itlog, doon na ako nagsimulang ma-curious sa kanya. Lagi ko namang naririnig iyong pangalan niya sa classroom dati, pero iyong dati kasi na iyon ay hindi pa ako interesado sa mga usapang babae, and siguro kaya hindi ko siya napapansin dahil hindi talaga ako interesado sa mga lalaki. Ni-hindi ko nga alam na athlete din pala siya ng baseball.

"After that, lagi na akong pumunta do'n. I just don't know... I love your voice... it's like a magnet pulling me towards you... so when the bar closed, I started following you. Unluckily, natapunan mo ako ng itlog."

Napa-wow ako sa surpresa mula sa mga sinasabi niya. Wala talaga akong ideya na may secret admirer pala ako dati pa! "E, 'di ba nagalit ka sa 'kin 'yun? Pwede bang magalit sa crush mo?" tanong ko.

"Char lang 'yun." natawa siya. Ako naman 'tong napaawang ang labi. Sinabi ba talaga ni Xyll ang char?! Nakakabakla, ah! Ang pangit tignan sa kanya!

"Teka, teka, saan mo naman nakuha 'yang char na 'yan?"

"I just saw it on facebook. Sabi kasi do'n, guys are cute when they're saying char. Kaya ayun."

"Cute ka na niyan?" bawi ko sa kanya nang barawin niya ako kanina. Aba. Akalaing mong naka-ganti pa ako.

Natawa siya. "Cute ba ako?" aniya saka kinindatan ako.

Inikutan ko siya ng mata. "Mas cute ako."

"Deny pa, Demilane."

"Ano? Ano bang dineny ko?"

"Tsk. Admit it. I'm cute."

"Cute ihulog dito sa bangin. Lakas ng confindence natin, p're, ah?" sagot ko.

"Sus. Gusto mo ipaalala ko sa 'yo 'yung kina Mr. Alfonso-"

"Mali lang talaga ako ng iniisip no'n!" pagpigil ko sa sasabihin niya. Ayoko na 'yung maalala.

Natawa siya. "Hell, no. Naga-guwapuhan ka talaga sa 'kin!" pagyayabang niya kaya napairap na lang ako.

"Ang yabang. Tumahimik ka na nga diyan."

"Aminin mo muna."

"Ano bang aaminin ko?" patay malisya kong tanong.

"Na gwapo ako?"

"Bakla ka ba?"

"Gusto mo kiss kita diyan-"

"Oo na. Gwapo ka na-I mean, mukha kang anghel na siyang ikina-opposite ng ugali mo!"

Natawa siya. "This demeanor girl is scared of kisses!" aniya saka kinurot ang pisngi ko. Napaaray ako roon. Grabe 'to.

"Aba, dapat lang!"

Akala ko may sasabihin siya matapos kong magsalita. Nagtaka na lang ako nang mapansing kanina pa siya nakatingin sa akin. Hindi naman siya ngumingiti kaya hindi ko maisip kung may nakakatawa ba sa mukha ko. Seryosong-seryoso ang mga matang niyang nakatingin sa akin. Napaiwas na lang ako nang makaramdam na naman akong tensyon. Ano ba 'to. Bakit ganyan siya makatingin.

Titibo-tibo (COMPLETED)Where stories live. Discover now