Chapter 06

433 57 1
                                    

#Titibotibo06 DeDe

Tatlong araw. Tatlong araw na ang nakalipas simula ang pangyayaring iyon. Sa mga araw na nakalipas ay wala naman masyadong nangyari, hindi rin naman kami masyadong nagkikita ni Xyll, kung minsan nagkakasalubungan kami pero tangu-tanguhan lang.

"Uy Demilane, napapadalas ang paglugay mo, ah?" bungad ni Karen nang makapasok ako ng classroom. Langhiya naman, oh! Aga-aga may tsismosa agad.

Inilapag ko ang bag ko sa upuan ko saka binalik ang tingin kay Karen. "Napapadalas dikit mo kay Gelo, ah?" sabi ko naman sa kanya saka umupo. "Kayo na ba?"

Natawa naman siya. "Naku, hindi ah! Ano-ano pinag-iisip mo, Demi!" aniya.

"Tsk. E, ano-ano rin 'yang pinagsasasabi mo. Okay ka lang?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Ewan, nabibuwisit ako sa mga babaeng papansin.

"Ikaw ba? Okay ka lang? Mukhang lutang na lutang ka, e."

Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya. Tangina? "Anong lutang ka diyan?" curios na
tanong ko.

"See? Sino ba iniisip mo? Si Xyll?" sagot niya.

"Iniisip? E, kausap nga kita tapos nag-iisip? Saan ba banda nakalagay 'yang utak mo Karen? Nasa paa? Mukhang natatapakan mo na, e," inis na sagot ko.

"Monday ka pa lutang, alam mo ba 'yon?" sabi niya pa. "Panigurado naman akong si Xyll iniisip mo, nakita kaya kitang buhat-buhat ni Xyll nu'ng friday!"

Napatayo ako. "Ano?!"

"Yieeee," sagot niya lang sa akin. "Guys! Babae na si Demi!" sigaw niya sa mga kaklase ko dahilan para sumigaw rin sila.

"Babae na talaga!"

"Si Xyll pa talaga!"

"Bagay!"

"Walang ne-nega ha! Xyll at Demi tayo!"

"Kaya pala 'di na nagsusumbrero 'to, e!"

"Kaya nga, gusto pa-expose ang buhok!"

"Bumagay naman sa kanya, e!"

"Sige, support natin kaklase natin 'yan!"

Napaupo na lang ako sa inis sabay face palm. Punyeta talaga. Mapapatay ko talaga 'tong Karen na 'to.

Maya-maya ay nagulat na lamang ako nang maramdamang may naglagay ng bagay sa ulo ko. Naalarma ako roon kaya hinawakan ko kung ano iyon at nalamang sumbrero pala.

"Hindi pwede, Demi," nagtaka naman ako sa dating ni Gelo ngayon. Bakit parang ang weird nito ngayon?

"Hoy, Gelo! Huwag ka ngang epal! Babae na 'tong bestfriend mo tapos pinapasuot mo ng sumbrero!" ani Lizel. Parang kailan lang pinagpapantasyahan pa nila si Xyll tapos ngayon binibigay na sa 'kin. Nah, inyo na 'yan.

"Bestfriend ko nga 'di ba? Kaya may karapatan ako," sagot naman ni Gelo saka umupo sa tabi ko.

"Bestfriend ka lang! Boyfriend si Xyll!" sagot naman nila na ikinagulat ko. Tangina, hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa mga pinagsasabi nila.

"Tama! DeDe tayo!" sigaw naman ni Vince kasabay ng tawa ng mga tropa namin sa classroom.

Napansin ko naman ang pagtataka ng mga kababaihan sa classroom. Ako, gets ko na agad, kaya imbis na mainis ako ay natawa na rin ako.

"Ang bastos mo, Vince!" sabi pa ng kaklase kong si Marie.

"Anong bastos ka diyan! Ikaw nga bastos diyan, araw gabi walang panty!" sagot naman sa kanya ni Vince. Gago talaga 'tong si Vince. Wala talagang kwenta.

Titibo-tibo (COMPLETED)Where stories live. Discover now