Chapter 22

279 46 0
                                    

#Titibotibo22 Die

"Xyll, pwede bang patayin mo na lang ako?"

Nakangiti siyang umiiling. "Right. Kung pwede lang baka kanina pa kita sinakal. Just read this. Sure, mage-gets mo na rin 'to."

"Palibhasa kasi feel na feel mo mag-ABM! Kainis naman kasi, sa lahat ba naman ng pwede kong piliin, itong strand pa!" pagmamaktol ko. Kung alam ko lang na ganito pala kahirap ang Accountancy, e 'di sana hindi na lang ako nag-aral! Hindi na sana ako nakipagtarayan diyan sa mga teachers dahil hindi na kaming pinayagan pang ituloy ang pag-aaral dito.

"Ang dami mo kasing satsat, e kung sana inubos mo 'yung oras mo sa pagbabasa, naintindihan mo na sana."

Napangiti ako sa wika niya. "Naks! Marunong sumunod sa usapan, ah! Straight tagalog!"

Naiinis na kasi ako kapag kinakausap niya ako ng ingles. Naba-bad trip ako kasi hindi ako marunong!

"Game. Paki-explain na lang 'tong debit 'tsaka credit," gusto ko nang magmura dahil nabobo ako sa shit na 'to. Kakatapos ko lang magspecial exam kahapon tapos malalaman ko lang na ang dami ko pa palang nami-missed na topic! Hayop.

"Seriously, Demilane? This is too simple—"

"E 'di ikaw na."

Napa-tsk siya. Kung pwede lang talagang magmura baka kanina ko pa ginawa. Bilang kapalit kasi sa pagtatagalog niya, ang pag-iwas ko sa pagmura.

"Okay. So... Remember the deal?"

"Anong deal? 'tsaka 'di ba sabi ko magtagalog ka?"

"That's what I'm talking about! You want me to speak tagalog as well as I want you to stop cussing. Got me?" nakatingin lang ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya. "So, can you determine the value received and the value parted with?"

Inikutan ko siya ng mata. "E, paano ko nga mage-gets kung nage-english ka na diyan?!"

Bumuntong hininga siya. "You want me to speak tagalog, so bilang kapalit, iiwasan mo nang magmura." Tumango naman ako. "The value that I received is 'yung pag-iwas mo sa pagmura, and the value parted with is I'll be speak tagalog. Now, you'll then say, the Debit is 'yung pag-iiwas mo sa pagmura, and the Credit is for me to speak tagalog."

Napakamot ako sa ulo ko. "Ano ba naman kasi 'yan! Mas lalo akong naguguluhan. Pwede bang ibang example na lang?!"

Sa sobrang inis niya ay hinampas niya sa ulo ko iyong notebook ko. Napaaray ako dahil doon, subalit hindi ko maiwasang mapangiti. Puta, I find it sweet kaya! Tsk. Nahahawa na ako sa ka-englishan ni Xyll. Well, good thing.

"Here, listen," aniya. Umayos naman ako ng upo. "I'll give you this notebook and you'll give your ballpen to me in return as an exchange. The value received is the notebook and the value parted with is the ballpen. Therefore, the Debit is the notebook and Credit is the ballpen."

"Ha? Ano 'yun? Ako 'yung naka-received gano'n?"

"Demilane, it's freaking obvious. Kumain ka nga lang para may pumasok man lang diyan sa utak mo."

Inis kong ipinansak ang mga gamit ko sa bag ko. Napagod na yata siyang turuan ako. Pero bahala na. Wala rin naman kasi akong interes na makinig. Magbabasa na lang siguro ako mamaya sa bahay, medyo at peace pa naman kapag nandoon ako, may pumapasok talaga sa utak ko tapos samahan ko pa ng music.

Sinamahan naman ako ni Xyll kumain sa canteen. Hindi na naman siya kumain dahil masasayang lang iyong oras niya sa kakalinya. May quiz daw kasi sila sa RS nila. See? Easy lang 'yan sa 'kin. Kahit naman na makasalanan ako, memorize ko pa rin iyong Ten Commandments. Uma-attend kaya kami ng Flores de Mayo dati. Kahit na ang purpose lang namin ay guluhin iyong cathecist.

Titibo-tibo (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant