Chapter 02

544 63 4
                                    

#Titibotibo02 Audrey

"Tangina, tol! Saan mo napulot ang babaeng 'yun?" agad na tanong ko kay Jimuel matapos ang isang linggo niyang pagtatago.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang makilala ko si Audrey. Sa loob ng isang linggong iyon ay marami nang nangyari, dalawang araw ko lang siyang niligawan, sinagot na niya agad ako. Nakakatuwa. Siya ang una kong naging girlfriend at tingin ko siya iyong naiiba sa lahat. Bukod sa maganda, matalino at mabait pa!

"At saka, saan ka ba nanggaling?"

"Sinamahan ko si Mama sa probinsiya. May jetlag pa nga ako e, kaso bigla mo akong tinawag, akala ko kung gaanong importante. Bwisit mo," sagot niya.

"Jetlag mo mukha mo!" sigaw ko sa harap mismo ng kanyang mukha matapos ay inakbayan ko siya at inilapit ang bibig sa kanyang tainga. "Kami na," bulong ko at agad na bumitaw.

Gulat ang nakita ko sa kanyang mukha nang lumayo ako sa kanya. "Hayop ka, Dems! Lakas mo talaga!"

"Naks. Ako pa!"

"Libre naman diyan! Kung hindi dahil sa'kin..."

Ngumiwi lamang ako bilang sagot. "Ulol! Ikaw ang manlibre! Napa-oo ko nga, e. Amin na pusta."

"Hoy, gago ka! Hindi pangpustahan tipo ang pinsan ko," seryosong saad niya.

"Mas gago ka! Hindi naman pala pangpustahan e ba't mo nirekomenda sa 'kin? Ang tanga lang naman, Jimuel."

Napakamot siya sa kanyang ulo. "I-break mo na nga!"

"Ayoko! Mahal ko na si Audrey!"

Nagtaka naman ako nang mapansin ko ang gulat sa mga mata niya. "Oh, bakit?" tanong ko.

"Anong... sinabi mo?"

Otomatikong kumunot ang noo ko sa inis. "Ano bang pinupunto mo, Jimuel? Kanina pa ako naiinis, ah!"

"Sinong... Audrey?" tanong niya. "Kingina, p're! Si Coral ang sinabi ko!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Putek?

"Anong nakain mo? Proud pa sa sarili mali naman ang niligawan!"

Inirapan ko siya. "E, gago, nalito lang 'yung pogi! Napakachick boy ko kasi kaya ang daming babaeng nagkakandarapa, 'di ko na alam kung sinu-sino ba sila," sabi ko.

"Wow naman. Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, baka sariling katawan mo e matatangay mo."

"Ulo mo. At saka, wala na akong pake r'yan sa pinsan mo, desidido na ako kay Audrey."

"Bahala ka," aniya. "Ge, mamuhay ka mag-isa," paalam niya saka tinalikuran na niya ako.

Napakamot na lamang ako sa sariling ulo. Yamot naman 'tong si Jimuel, e. Kahit kailan wala talagang kwentang kausap.

Tumungo na lamang ako sa karenderya nila Tata. Hinanap ko muna siya bago umorder. Sakto, present siya sa karenderya nila. E, madalas walang pake 'to sa pamilya niya.

"Oh? Naparito?" bungad niya.

"Naghihintay ng bus, e mukhang terminal 'to, e," sarkastikong sagot ko sa tanong niyang nakakabobo.

Napangiwi siya. "Ulo mo!" mura niya sa harap ko. "Ano bang kakainin mo?"

Napatingin naman ako sa mga nakadisplay na pagkain. Akmang ituturo ko na sana ang beef steak nang tumunog ang cell phone ko hudyat na may tumawag. Kinuha ko ito sa aking bulsa at tiningnan kung sino.

Babe :*

"Hello, Babe?" panimula ko.

"Babe, nasa'n ka po?" sagot sa kabilang linya.

Titibo-tibo (COMPLETED)Where stories live. Discover now