Chapter 23

250 47 0
                                    

#Titibotibo23 All About Her's

"Oh, kumusta?!" natatarantang tanong ko nang tumawag si Tata.

Nandito na ako ngayon sa kotse ni Xyll. Pinarada niya lang muna sa tabi dahil iyon iyong sinabi ko hangga't wala pang balita ang mga tropa ko. Kahit mga gago iyon, nag-aalala pa rin ako. Tinakasan ko kaya sila. Well, iyon naman iyong goal muna namin ngayon. As long as wala pa namang nagha-hamon sa amin ay tumahimik na lang muna kami dahil masasayang lang iyong oras namin. Kailangan pa naming bigyan ng hustisya iyong kay Boss.

Sinabi naman ni Tata na okay naman na. Bigla-bigla raw kasing umalis iyong mga kalaban. Hindi rin daw nila naintidihan iyong nangyari sa sobrang bilis. Tinanong ko naman sila kung nakita ba nila si Jeric pero wala raw. Kaya naman mas lalong kumulo lang iyong dugo nila dahil sinabi ko sa kanila na si Jeric na naman ang may pakana no'n.

"Last day tom," biglang sambit ni Xyll na siyang ikinatauhan ko. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako or mae-excite dahil malalaman ko na rin ang totoo, at last.

"Kailangan ko bang malungkot?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Totoo kayang masasaktan ako sa katotohanan? I mean, ano kaya iyon kung sakali? Hindi naman siguro iyon konektado kay Boss kaya hindi ko talaga maisip. Hindi rin naman ako nate-threatened kapag tungkol iyon kay Papa. Kaya kong labagin si Papa. Sa ilang taon akong naging pasaway, ngayon pa hindi?

Pumunta kaming Mcdo. Hindi pa raw kasi siya kumain ng hapunan. Magpapa-deliver lang dapat siya subalit nakita niya ako kaya napilitan na lang siyang isama ako dahil nalaman niyang hindi rin pa ako kumakain.

"Saan ka pala nanggaling kanina?" tanong ko.

"Mom."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?!" gulat na tanong ko. Sinabi naman niya na nakita na niya iyong tunay niyang nanay, iyon lang. Gusto ko pa nga no'n magtanong kaso nga hindi pwede. Kaya ngayon, I'll take this chance na dahil siya na mismo nago-open up.

"Akala ko galit ka sa kanya?"

Nagkibit-balikat lang siya. Napa-tsk ako. Akala ko tuloy chance ko na para magtanong.

"Ikaw? Hinatid na kita, 'di ba?" Mahinahon lang iyong pagkaka-tanong niya pero bakas pa rin do'n iyong galit.

Nginitian ko lang siya 'tsaka nag-peace sign sa kanya. Inikutan niya lang ako ng mata. Ang arte talaga ng lalaking 'to!

"So, tell me what happened."

"Obliged ba ako?"

"Tsk."

"Galit ka?"

"No."

"Ah, okay," sabi ko sabay kibit-balikat saka tinuloy na lang ang pag-kain. Halata namang galit siya. Gusto lang 'yan magpalambing. So since, hindi ko talaga tipo manlambing ay iyon na lang ang sinabi ko. Bahala siya ma-offend diyan. Wala pa sa utak ko manlambing. Saka na lang siguro kapag seryoso na talaga 'to.

For the second time, hinatid niya ulit ako pauwi. Gusto kong matawa dahil ang tahimik niya sa biyahe. Knowing Xyll na sobrang daldal kaya nakakapagtaka. Pero alam ko namang dahil iyon sa sinagot ko. Nakalimutan niya atang opposite na opposite iyong ugali naming dalawa.

Pagpasok ko sa kwarto, nakangiting si Joseph ang bumungad sa akin. Inikutan ko lang siya ng mata at tumalon na sa kama ko. Nakakapagod ng araw na 'to!

Kinabukasan, nagulat ako nang makita si Doc Dermia pagkalabas ko ng kuwarto. Nasa salas sila ni Papa at nag-uusap. Anong meron?

"Doc?" Sabay silang napatingin sa akin. Akala ko, ako iyong sadya ni Doc, pero mukhang nagulat din siya nang makita niya ako. Gulat din niyang ibinalik ang tingin kay Papa. Teka? May something ba sa kanila?! "Naparito po ako kayo?" tanong ko pa kahit na gulung-gulo na rin ako. Bakit ba mukhang tarantang-taranta iyong mukha ni Doc?!

Titibo-tibo (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang