Chapter 3. Salinas

2.8K 214 18
                                    

The brisk air gradually presses down onto my garment from above. Because of the melting ice, my cheeks are starting to get a little chilly. My gums and mouth are hurting. When they are dry, I can't resist the urge to take them off their skins and eat them.

The soreness of my cracked lips is dulled by the sensation of my teeth. I'm getting the impression that something is off here. It is excruciatingly painful while simultaneously being extremely satisfying.

Napasarap yata and tulog ko at hindi ko na alam kung nasaan ako. Isiniksik ko ang aking mukha sa matigas at mainit na unan kung saan ako nakasandal. I love the unusual warmth of this pillow.  

Napayakap ako at bahagyang pinisil ang sinasandalan ng aking mukha. Nasamyo ko ang mamahaling pabango sa telang nakabalot dito. Muli akong napapisil saka napamulagat nang maramdaman kong hindi pangkaraniwang unan ang nasa mukha ko. Unti-unti, naramdaman ko ang tila paglalakbay ng espasyong kinahihigaan ko. 

Hindi unan ang kanina ko pa yakap-yakap! 

Napalunok ako lalo na nang unti-unti kong maramdaman ang mga kurbang dapat ay sa magiging asawa ko lang nakakapa. Tao ang sinasandalan ko!

Sa tuluyang pagmulat ng aking mga mata, bumungad saakin ang mga berdeng damong nakahilera sa gilid ng daang tinatahak ng kung saan ako lulan na sa tingin ko'y isang kabayo. Nagsisimula nang magsitubuan ang mga dahon dahil patapos na ang taglamig. 

Muli kong naramdaman ang pagtaas baba ng inakala ko'y unan. Nang lingunin ko ang nagmamay-ari ng dibdib at katawan na kanina ko pa yakap-yakap ay bumungad saakin ang seryosong mukha ng prinsipe Salinas na nakatingin din saakin. 

His enticing gray eyes. His smooth and supple lips teasingly. His muscular and warm muscles were exposed as his hair was brushed to a level fit for a king.

"Don't stare at me as if I'm your next meal. It's far from reality." Maangas na untag nito habang nakatingin sa tinatahak na daan. 

Neighing, the horse appears to have agreed with the prince's final statement.

Baklang kabayo. Hindi pa man nagsisimula ang love story namin ng prinsipe, may kontrabida na agad?

I push myself a few inches away from him. Nakapalibot pa rin saakin ang matitipunong braso nito habang ako'y nakahawak sa manggas ng kanyang damit.  I smirk and try to crack a joke as I remember the crime that lead me here. 

"Sayang, mukha ka pa namang steak," I say. 

"Done?" he utters with sarcasm throwing a scary gaze. 

"Well done!" usal ko bilang sagot kung ano ang doneness ng steak na tinutukoy ko. Akala siguro nito hindi ko alam ang 'done' na sinasabi nito. Magnanakaw ako pero hindi ako bobo! I am a streetsmart girl! 

He releases a crunchy grunt as his form of refusal. Mukhang hindi siya 'yong mga tipong nadadaan sa biro. 

Mas malala pala ito kay Randall. Randall sometimes laughs at my corny jokes. Pero itong prinsipe na 'to, mukhang ang tigas ng mukha. Hindi lang abs at chest ang matigas sa kanya, pati 'yong nasa loob. Don't think green Lind Vor, I am referring to his heart!

Tumikhim ako saka tinangkang tanungin kung nasaan si Randal at Juvie pero bigla na lang tumalon ng bahagya ang kabayong sinasakyan namin kaya muli akong nasubsob sa dibdib nito. Ang bango talaga niya!

"Randall is in the palace. Enjoying his cage, which he deserves. Juvie escaped and is nowhere to be found, but my squad will hunt for her. For sure," he answers. Napalunok ito saka tila balewalang pinabilis ang takbo ng kabayo. 

"P—paano mo nalaman ang mga pangalan nila?"

"It's a second region thing." 

"A—and w—where are you taking me? Hindi ba't dapat ay nakakulong din ako ngayon kasama si Randall?"

"How romantic," he whispers. 

Hinila ko ang manggas ng suot nito sa may tagiliran. My eyes become fierce as it meet his. "Saan mo ako dadalhin?"

"Don't do anything stupid. I am taking you to where you should be." 

Tinangka kong magpumiglas. I even draw an escape plan real quick. 

But he's quicker to respond, "Do not do anything stupid. Reckless girl." 

My blazing gaze is drawn to the gape in his mouth. Gwapo talaga siya pero gusto ko siyang patayin ngayon. I can't even negotiate for Randall. It would appear that he is in possession of all the rights and power necessary to rule over this kingdom.

Nakailang buntong-hininga ako habang sinusubukang aliwin ang sarili sa mga tanawing nadadaanan namin. Nagsimulang mabuo ang pangamba at pagtutol sa dibdib ko nang mahagilap ng mga mata ko ang mga pamilyar na tanawin na pilit ko nang kinalimutan. The hills, the enormous trees with twisted branches, the unusual tall grasses that bloom gold bells, the vineyard, and the wild berries crawling everywhere are some of the features of this area.

Halos mapigtas ang aking paghinga nang lingunin ko ang tanawin kung saan kami patungo. Lihim akong napamura nang makompirma ng mga mata ko kung saan ako dadalhin ng lapastangang prinsipe. 

As the horse travels through the tunnel of green trees, an opening appears, revealing an open field that covers the blue mountain and serves as the backdrop for the tall red fire tree that is located at the mountain's summit.

"T—the kibbutz," I whisper with a broken voice. Nagsimulang mamahay ang malaking bikig sa aking lalamunan habang binabaybay namin ang malawak na parang patungo sa paanan ng Mt. Gorm kung saan naghihintay ang aking nakaraan. Nakaraang matagal kong itinago at iniwasan ngunit tila may taglay na kapangyarihang habiin ang panahon at pagkakataon para ibalik ako. 

"You seem not pleased," he delivers in an almost condoling tone. Napansin ko ang paghigpit ng hawak nito sa rope halter. He's assessing me and my reaction.

"Y—your grace," nagsimulang mag-init ang aking mga mata, garalgal man ang aking bosses ay nagpatuloy ako para magsumamo, "your grace, you can just put me to prison, l—like Randall. I don't belong here." 

His expression softens. Muli itong nalapunok saka binagalan ang takbo ng kabayo. "We can't repeat the same mistake. A castle is a dangerous place for elves like you."

"Anong ibig mong sabihin?"

"You belong here... you belong here."

"Nagmamakaawa ako, mahal na prinsipe..."

Pero bago pa man makasagot si Prinsipe Salinas ay naramdaman ko na ang presensya ng nga nilalang na tiyak ay kilala kung sino ako base sa hugis ng mga tainga ko. Mga guwardia ng kibbutz, ang aking angkan. 

Nasa harap kami ng malaking tarangkahan kung saan iyon ang nagsisilbing lagusan patungo sa maliit na nayon ng kibbutz. Ang nayon ng mga tagapangalaga sa kalikasan, tagabantay sa bundok ng Gorm at ng mahiwagang fire tree o ang mir na labis kong kinatatakutan. 

"Your grace," anang isang kawal na doble ang sukat sa prinsipe. Halatang batak ang katawan nito sa digmaan dahil na rin sa mga peklat nito sa mukha. 

"I am with a contender," kalmadong usal ng prinsipe. Hindi pa ito bumababa sa sinasakyan. He may be assessing everything. 

I hope he takes me with him back to the streets of Pudding. 

"Cover your ears," bulong ng prinsipe nang mamataan nitong naglakad palapit saamin ang isa pang kawal. 

"Your grace, we need to check the green scar on her left wrist."

"As you wish." 

Nagsimulang magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Contender, the green scar, the blue mountain and the mir... Tila sa isang iglap ay nabuhay ang bangungot na pilit kong winawaglit. 

###





Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)Where stories live. Discover now