Chapter 18. Morphed

1.1K 126 16
                                    

Nanlaki ang mga mata ko habang pababa nang pababa ang prinsipe na pawang nagulat din sa mga kaganapan. Naglayag sa hangin ang laylayan ng suot nitong itim na roba. Napamura ang lalaki nang mapagtanto nitong huli na para umiwas ito sa nakatihaya kong katawan.

Napalunok ako nang mamataan ang mukha nitong pababa sa tapat ng mukha ko. Lihim akong napamura hanggang sa tuluyan nang dumagan ang mabango at nakakahalinang bulto ng katawan nito. Napapikit ako nang tuluyang sumalampa ang matipunong katawan ng prinsipe sa ibaba ko.

Naramdaman ko ang bigat nito sa buo kong katawan pero mas nangibabaw ang nakadamping labi nito sa kaliwang panga ko. Malambot. Mainit. Umaapoy.

Sayang nga lang at parehong makakapal ang kasuotan namin kaya hindi ko masyadong naramdaman ang kabuuan niya.

Pakiramdam ko tuloy ay parang maiihi na ako dahil sa hindi maipaliwanag na sensasyong nararamdaman ko.

Hindi gumalaw si Prinsipe Salinas. Hindi ko alam kung nagulat ito o sadyang sinusulit lang niya ang paghalik sa balat ko at paglapastangan sa pinakaiingatan kong puri. Naramdaman ko ang paghinga nito habang nakapatong sa ibabaw ko. Nakakapanghina. Malapit na akong mangisay.

Umangat ang labi nito pero nanatili siyang nakadagan saakin. Nagmulat ako ng paningin at tumambad saakin ang magkahalong asul at kulay abong mga mata nito.

He does not blink. His gaze buries its way deep down my soul. It was hypnotizing. The frolic hormones become unsteady. My heartbeats are erratic-aberrantly, fast, and nimble. My thoughts become restive and begin gushing into my mind. Restless. Like I'm going to explode.

The Prince clears his throat. His warm breath on my cheeks bringing me chills and crushing all the joints of my bones. Golden and brown specks spurt on his eyes as he scans my face. The ball in his throat dramatically moves as he swallows the temptation that had molded quickly.

"Y-your Grace," mabini kong sambit na parang ako ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong buhay niya.

He murmurs. He dares to speak but fails on his first attempt. Then he utters, "What is it?"

"Panagutan mo ako, Your Grace." Tuluyan kong nginuya ang dried meat sa bunganga ko.

Tila natauhan naman ang lalaki na kaagad bumalikwas paalis sa ibabaw ko. Napatayo ito at tumalikod na kunwari'y pinapagpag ang nadumihang kasuotan upang ikubli ang namumula nitong mukha. Alam na alam ko na 'yang mga ganyang estilo. Ako pa ba? "I didn't even touch you," he said defensively.

"Per The Springgan Constitution, a male elf, high-ranked or low-ranked, must m-"

"Must marry the female elf that had been victimized by his malicious acts that would ruin her reputation and honor as stated on the Sanctity of Marriage," he said seriously. His handsome face facing mine. There is a mixture of confusion and fear on his face. "Did I dishonor you? Exposed you to ignominy? Or destroy your reputation?"

Sa sobrang seryoso nito'y hindi ko inakalang madadagdagan ang kagwapuhan nito. The way he looks becomes so charming. I feel like I have indigestion just by looking at his reaction. Because of this sudden amusement, I suddenly feel like there's been a radar set up in my brain automatically wanting to see his further movement.

Natawa ako. Mas pinalakas ko ito nang umigting ang kaniyang mga panga at kinuyom ang mga palad dahilan para magsilabasan ang mga ugat sa braso nito. Itinuro ko ito habang tumatawa na parang nababaliw saka sinabing, "You royals, you're too serious for this world. Kung nakikita mo lang ang itusura mo ngayon, Prinsipe Uwak, I mean, Your Grace, parang nasa harap ka ng courtroom!"

His features soften when he realizes that I was only throwing a practical joke. Bumuntong hininga ito saka napailing. "That's not funny!" anito saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo saakin na tila hudyat iyon ng pagpapatuloy ng aming paglalakbay patungong Mount Gorm.

Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)Where stories live. Discover now