Chapter 28. Vernal

917 113 17
                                    

Mga luhang katumbas ng rumaragasang ilog. Mga hikbing dumadaing sa hindi mabilang-bilang na pasakit. Ang pag-apuhap ng mga balisa at nanginginig na braso at tuhod sa malamig na lupa. Ang maya't mayang singap ng namamaga kong bibig. Mga senyales ng hindi maipintang kirot na nasa dibdib ko. Na kahit na ang pinakamalungkot na kulay ay hindi magagawang ilarawan ang nararamdaman ko ngayon.

Patuloy sa pakikipagbakbakan sina Kenru at Graen. Walang kasigurauhan kung pagkatapos kong humarap sa naghihintay na puno ng Mir ay matatanaw ko pa ang mga nakangiting mukha nila o susunod sila sa landas na tinahak nina Prinsipe Salinas, Nott, at Kenru.

Muling pumailanlang ang sunod-sunod na pagsabog sa likuran ko. Tumalsik ang mga naglipanang lupa sa likuran ko pati na ang mga naglalakihang bato. Nadaganan ang kaliwa kong binti ng malaking bato na tumilapon mula sa pagsabog kaya naantala ang paggapang ko palapit sa Mir tree.

Napasinghap ako bago inilapat ang aking mga kamay sa lupa at doo'y itinanim ang butil ng enerhiya upang muling patubuin ang mga ugat na sasaklolo saakin. Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang paggapang ng mga ugat malapit sa binti ko. Pumulupot ang mga ugat sa nakadagang bato at saka mabilis na hinawi palayo sa sugatan kong katawan.

Muling umulan ng mga sibat at palayo sa kinaroroonan ko. Tinamaan ako sa kaliwang braso at naipako naman ng isa pa ang kanang palad ko. Napaungol ako sa sakit dahil sa mga tumamang palaso. Ramdam ko ang pagkalat ng kirot mula sa mga tinamaang bahagi ko. Pakiramdam ko'y hinihimay ang bawat kalamnan ko habang sinasabuyan ito ng asido.

Napasigaw ako nang bunutin ko ang nakabaong palaso kasama ng pala ko. Bumulwak ang mainit na dugo mula sa sugat. Nanginginig kong muling itinanim ang natitirang enerhiya sa lupa. Habol ang bawat paghingang lumalabas sa ilong at bibig ko. Nakaramdam ako ng sensasyong tila nalulusaw ang buong katawan ko dahil sa labis na panghihina.

Sa huling pagkakataon, tinawag ko ang aking sandatang lagi akong ipinagkakanulo pero sa pagkakataong ito'y magiging alas ko upang marating ang lilim ng Mir tree.

"Rooting... Rooting For You!" buong pwersa kong binanggit.

Muling dumagundong ang ilalim ng lupa. Naramdaman ko ang pagbulusok ng mga lapastangang ugat sa ilalim.

I feel an outward force underneath sending my entire weight mid-air. My stomach sinks immediately, as extreme forces surround my body as my system is pulled upward. I hear the loud rush of the wind. Then I feel the strong pull of the red ground on the surface of my body as I begin to descend.

But unlike before, Rooting For You immediately creates a huge foam on the ground catching my entire body and saving my body from further pain.

Bumagsak ako sa isang bilog na kamang puno ng bulak at petalo ng pulang rosas. Nagsiliparan ang mga bulaklak ang bulak pagbagsak ko na animo'y isang diwata ang bumagsak sa ilog ng mga pixie dusts. Tinangay ng hangin ang mga naglipanang bulaklak. Binalot ng mga ito ang paligid ng Mir tree.

Unti-unti'y lumuhod ako sa harapan ng puno. Pigil-hiningang, napatitig ako sa mga sanga nito habang humihikbi.

Walang nangyari sa loob ng ilang segundong paghihintay ko. I heave breathing starting to fear what might have been a mistake-I am not the spring heiress everybody is expecting. I am not worthy of the gauntlet.

"A lot of lives have been taken. Most of them deserve to live more than I do! But they sacrificed their lives just for me to be here believing that I am the chosen heiress. Take me if you must!" humagulgol ako dahil sa sobrang panlulumo. Ngumawa ang namamagang bibig ko habang nakatitig sa fire tree. "Take my life if you think I don't deserve your power. If you feel... if your power really feels that I should have the gauntlet, then give it to me so that I can live my purpose!"

Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)Where stories live. Discover now