Chapter 26. Double-Dealing

817 100 12
                                    

Sa pagbuhos ng luha mula sa aking mga mata'y ganoon din ang pag-ulan ng mga makapangyarihang enerhiya na pinipilit durugin ang harang na nakapalibot sa amin ni Nott. Nayanig ang lupa sa paligid at binalot ng makapal na usok ang parang na nasa harap ng Mir tree.

Hindi kumawala ang mga yakap ko sa katawan ng yumaong kaibigan. Naginginig pa rin ang mga kalamnan ko. Nanghihina ang sikmura ko habang. Pinipiga ang mga sakong nakapangalumbitin sa baga ko.  

Dumoble ang malakas na pagsabog sa labas ng pader na gawa sa ugat. Patuloy sa pagdagundong ang lupa hanggang sa maramdaman kong tila napigtas na ang enerhiyang nagdurugtong sa binuo kong harang at sa kapangyarihan ko. Nagkapira-piraso ang mga hibla ng makapal na ugat at isa-isang bumagsak ang mga ito. 

Muli kong pinagapang ang mainit na sensasyon mula sa aking dibdib patungo sa lupang nasa aking mga paanan.

Pero bago tuluyang tumubo ang mas pinalakas na depensa palibot saakin ay naramdaman ko ang malamig na sipol ng hangin na siyang nagtaboy sa nakalutang na mga usok.

The illuminated spears and arrows bolt towards my direction but before their harmful edges could cut through me, a strong whirlwind moves its threads around us sending the broken pieces or roots, stones, and grasses away. The spears and arrows bounce back hitting the different parts of the clearing.

"Kenru," nasambit ko nang mapagtanto ko ang lalaking mabilis na humarang sa mga paparating na atake.

Napigtas ang pising nakabuhol sa buhok nito at sumaliw sa ritmo ng malakas na ipu-ipo ang asul nitong buhok pati na ang mahabang manggas ng kasuotan nito.

"Run towards the Mir tree! Now!" malakas nitong singhal kasabay ng paglabas ng katana mula sa kaluban nito. Kumalantong ang espada mula sa pagkakahugot nito dahilan para mas lumakas ang hanging nakapalibot saamin.

Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko ang mahimbing na mukha ni Nott. Kaagad akong tumalima upang tunguhin ang fire tree. Bahagya akong tumango sa lalaki bilang paghahabilin sa katawan ni Nott.

"Go now, Lind. Don't waste it!" Hinawi ng spring guardian ang hanging umiikot palibot saamin dahilan para mabuo ang tila isang lagusan palabas. 

Sa muling pagkumpas ng kamay ni Kenru na may hawak na espada'y lumawak ang nasasakupan ng ipu-ipo. Nagawa uli nitong maitaboy ang mga rumaragasang kapangyarihan na ang tanging pakay ay kitilin ang buhay ko at pigilan akong makarating sa harap ng Mir. 

Mabigat man sa dibdib ko na iwan si Nott sa kinahihimlayan nito'y pinilit kong kumaripas patungo sa puno na ilang metro lang ang layo saakin. Tumakbo ako palapit sa lilim ng puno nang muli kong maramdaman ang mga paparating na bola ng enerhiya sa aking likuran. Ikinumpas ko pataa ang aking mga kamay upang hawiin pataas ang aking pandepensang mga ugat. 

Nagsalpukan ang kapangyarihan ko sa malalakas na bolang sumibad pakurba patungo sa kinaroroonan ko. The root cracks as it obstructs the blazing energy balls until several wholes are created making an easy opening for the incoming attacks. 

Kenru tries to whip the raining blades but his power is not enough to block them all. 

Isinalampa ko ang parehong palad ko sa lupa at muli kong pinatubo ang mga higanteng ugat sa ilalim ng lupa. Pero hindi naging sapat ang bilis ng mga ito upang sanggain ang mga rumaragasang atake. 

Ilang pulgada bago ako tuluyang tamaan ng mga umaapoy na patalim naramdaman ko ang muling pagyanig ng lupa. Dama ng paa ko ang paggalaw ng tila isang malaking bagay sa ilalim ng lupa. 

Pigil hininga kong inipon ang buong lakas ko sa aking binti upang iwasan ang mga naglalagablab na sibat. Pero bago ko maigalaw ang aking mga paa upang tumalon paatras ay isang higanteng insekto ang bumulusok sa harapan ko upang sanggahin ang mga sandata. 

Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)Where stories live. Discover now