Chapter 10. Oh, My Roots

1.2K 144 18
                                    

Slowly, the sapling grows with enormous leaves that have smooth edges. Then it towers the entire ground where my feet lay flat. I gasp as white ash buds are paired with a leaf scar beneath the bud that looks like the letter "C" turned on its side continues to grow.  

"Flowers," I utter in awe as I see flowers coming out from all three parts. Less than an inch long, with a small tubular calyx, without corollas and forms near the branch tips. 

"Well, spring has begun," Graen says, who obviously appears out of nowhere. Again. This handsome insect! 

Nilingon ko ito. Kasalukuyan siyang nakatingala sa malaking ash tree. Nawala na rin ang kirot sa aking kaliwang braso. Nang tignan ko ito'y tila nagkaroon ng kaunting detalye ang tila buradong berdeng marka. 

What is happening? Bakit parang unti-unting nagiging mas malinaw ang guhit sa aking kaliwang braso? Could this be...

"You feel at peace when you see the flowers blossoming in nature; you feel amazing when you see a spring. A new life awaits you, Lind. You have to figure it out."

"Graen?"

"Yes?" Nilingon ako nito. His almond eyes pin on mine. Ang gwapong insekto. 

"Could you stop being so deep? Dumudugo ang ilong ko sa'yo!" 

Tumawa ito. Nilipad na naman ng hangin ang kasuotan nito pati na rin ang kaniyang buhok. He heaves a sigh—more like a sigh of relief. 

"Kailangan mong magmadali. Malapit nang matapos ang ibang contenders sa ikatlong bahagi ng reaping."

"What?" 

"Ang dami mo kasing moment kaya napag-iwanan ka na. Try to catch up, okay?"

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Bigla kong naramdaman ang init sa aking dibdib na mabilis naglakbay sa aking bisig. Akmang sasampalin ko na ito gamit ang aking kanang kamay pero gaya ng inaasahan ay mabilis itong nawala sa aking tabi. 

Pero hindi iyon ang labis kong ikinagulat dahil biglang bumulwak ang tila mga matutulis na ugat mula sa lupa na parang sumasabay sa sobrang gigil ko kay Graen. May sariling buhay ang mga ito na animo'y sumusunod sa bawat pagkumpas ng aking braso. 

Sa sobrang gulat ko ay napaatras ako. Mukhang mga serpenteng sumulpot mula sa lupa ang tatlong matutulis na kulay berdeng ugat na nababalot ng lupa at mga lumot. 

Pinilit kong kumalma. Randall taught me how to contain my emotion in risky situations, but this one is a lot different. It involves inexplicable magic. What are these?  Are these under my control? What am I supposed to do?

Ilang segundo kong tinitigan ang mga gumagalaw na ugat na ilang metro mula sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Muli kong pinagalaw ang aking kanang kamay sa hangin na tila hinahabi ang bawat hanging humahampas. Muling gumalaw ang mga ugat kasabay ng paggalaw ng aking kamay. Ramdam kong tila konektado ang mga ito sa aking sistema. 

I thought I was born with no green touch, but I was wrong. All this time, it only needs an ash tree to materialize! What ash!

"Oh, yes, Lind Vor? These are mine! Now what? This is new!" Napalunok ako. "Diba kailangan ng pangalan ng kapangyarihan kapag tinatawag? Naming a power strongly binds it with the bearer. Hmmm."

"I should name you then... Rooty?" Umiling ng sabay-sabay ang tatlong matutulis na ugat. 

"Three roots? or Spiky roots?" Muling nagwala ang mga ugat na tila hindi nagustuhan ang pagtawag ko sa kanila. 

"Suroot?" Lihim akong natawa sa nabanggit. Ang witty ko talaga. Nanginig ang mga ugat at itinutok ng mga ito ang matutulis nilang dulo sa gawi ko kaya binulyawan ko ang mga ito. "Ako ang amo niyo! Huwag niyo akong tini-trigger! Suroot is kinda cool, noh?"

Gumalaw paikot ang mga ugat. Mas humaba at lumaki ang mga ito nang palibutan ako habang naka-balandra ang kanilang mga matutulis na mukha sa maganda kong pigura. "Okay! Okay! I guess like the amo like the roots, attitude kayo girls? Wait lang nag-iisip ako!"

"Oh, My Roots! Tama!" Biglang bumalandra ang mga ugat sa harapan ko na tila mga harang. Ilang saglit pa ay nagsitubuan ang mga kulay rosas na mga bulaklak na may maraming petals. "Alright! So, Oh, My Roots, bring me to the third station of this reaping!" 

With the command, the ground moves as if it is shaking. The roots sway in the air surrounding me to form a cage. Pigil hininga kong hinintay ang susunod na gagawin ng mga ugat na nasa ilalim ng aking kapangyarihan. Dumoble ang dagundong ng aking dibdib habang papalakas ng papalakas ang pagyanig ng lupa. 

Napalunok ako. This could go wrong!

Bago ko pa man malunok ang laway sa aking bibig ay sumambulat ang isang malakas na pwersa sa aking paanan. Tila kagagawan iyon ng mga ugat na nakapalibot saakin. 

Itinapon ako sa ere ng mga Oh My Roots ko? Hindi pa sila nakontento dahil bago pa man ako nagpalutang-lutang sa ere ay humampas ang napakanda kong mukha sa makapal na dahon ng ash tree. Nakakain ako ng ilang dahon pero kaagad ding natanggal ang mga iyon nang kumawala ang isang malakas na sigaw mula sa aking bunganga!

"Salot kayong mga roots! Ano 'to? Are you trying to kill your beautiful amo?" untag ko habang nagpaikot-ikot sa hangin. 

I slightly lost the sensation of the ground's force. Then, split second, the ground pulls me back. Babagsak ako! 

"Uulitin ko, babagsak ako!" sigaw ko. 

Halos lumuwa ang mga mata ko nang tumambad saakin ang babagsakan kong lupa. Ang masama'y mauunang babagsak ang mukha ko sa lupa! Muli akong sumigaw. Nawala sa isang iglap ang mga itinuro saakin ni Randall. My life is at stake for thieve's sake! Why would I remain calm?

"Remaining calm will help clear your mind and stay positive even in worst situations..." Tila narinig ko ang boses ni Randall sa aking utak. 

Pansamantala ay nablanko ang aking utak. Pakiramdam ko'y nabura din ang takot at pangamba sa aking sistema. Lumutang ang aking balintataw sa blankong kalangitan saka ko namasdan ang kalmadong mukha ni Randall. Muling bumalik ang aking balintataw.

"Oh, my roots! Catch me, I'm falling!" mahinang sambit ng aking bibig ilang talampakan bago ako bumagsak sa lupa.

Muli kong naramdaman ang kirot sa aking kaliwang braso. Bahagyang umilaw ang mga marka doon. Napatid ang aking paghinga nang muling bumulwak sa lupang babasakan ko ang tatlong ugat na kanina'y ipinagkanulo ako. Mabilis na nayupi ang dulo ng mga ugat kasunod ng pag-usbong ng mga bulaklak hanggang sa mapuno ang bawat malalaking ugat. 

Bumagsak ako sa isang kama ng mga bulaklak. Kasunod no'n ay nagsiliparan ang ilan sa mga natanggal na petalo ng bulaklak. 

Kumawala ang isang bola ng hangin mula sa aking baga. "Fabulous!" nasambit ko habang ninanamnam ko ang kamang puno ng bulaklak. 

I close my eyes as my nostrils savor the scent of the blooms around me. I smell lilacs, roses, and jasmine. The wind is continuous to blow gently in the meadows. 

"Ang dami mo kasing moment kaya napag-iwanan ka na. Try to catch up..." muling bumulong ang boses ni Graen sa aking utak. 

"Yes. I am having a moment kaya huwag kang epal kung ayaw mong sungalngalin ka ng aking Oh, My Roots!" wala sa sarili kong utas. Humilata ako doon. Kahit ilang saglit lang muna. Pwede?

Sa kasamaang palad ay naantala ang aking pamamahinga nang may lapastangang lalaki na nagsalita sa di kalayuan. "The female contender from the green kibbutz." Sinundan niya iyon ng malutong na tawa. 

"We should kill that bug before she gets to the top of Mount Gorm," sambit ng bosses babae. 

Mabilis na sumikdo ang kaba sa aking dibdib. I'm in danger. My beauty is in danger!

###



Rhythm of the Vernal Equinox (Gauntlet Series 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz