Chapter 20: The Queen

2.2K 110 61
                                    


****Axelle****

Nakaupo ako sa bench habang pinagmamasdan ang mga banderang alam kong paunti unting mababawasan.
Bakit nya ginawa yon? Minamaliit nya ba kami? Pinapangako kong pagsisihan ni Zion at nt Kllrx na kami ang kinalaban nila.

"Ax, sali ka sa amin!"

Napatingin ako kila Cedrick. Naghahabulan sila, nakakatuwa na nakakapag saya sila sa ganitong sitwasyon. Hindi ganon kalakas ang grupo ko, nabawasan pa ng dalawa pero alam kong hindi rin kami mahina.

"Cedrick, bakit satingin mo antagal ni Zora?"

"Ewan, sigurado naman akong ligtas sya. Top one kaya yon."

Sabi nito habang tumatakbo.

"Puntahan ko lang sya."

****Zora****

Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Nagkatinginan kami ni Alexia, halong takot at kaba ang nakikita ko sa muka nya.

"Bat antagl nyo? Okay kalang ba Exia?"

Napatingin sya kay Axelle at pinilit ngumiti.

"Ayos lang, wag mo'kong alalahanin."

Sagot nya sabay lunok ng laway.

"Ano bang pinag-uusapan nyo?"

Sasagot na sana ako ng biglamg sumingit si Alexia.

"Tungkol don sa kanina, nakapagtataka naman diba na pinapasok tayo ng Kllrx sa game. Hindi kaba nagtataka Ax? Bakit yon gagawin ni Zion?"

Napatingin sa akin si Axelle.

"Oo, actually kanina kopa iniisip yan eh. Baka may gusto sya sayo?"

"Pero bakit nya sasaksakin si Alexia diba?"

Singit ko naman upang gumagaan gaan ang loob ko.

"Sabagay, ewan. Tara na muna Zora, hayaan muna natin si Exia na makapagpahinga."

Lumabas na kami ni Axelle. Habang naglalakad ay hindi mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni Alexia.

***Flashback***

"Si Axelle ang naging misyon namin, sya ang matagal ng hinahanap ni Allison. Sya ang Queen."

Sambit ni Alexia.

"Anong Queen? Bakit sya hinahanap ni Allison?"

Tanong ko sa kanya.

"Ipangako mong ililihim mo ito."

"Magsisinungaling tayo kay Axelle?"

Muli kong tanong.

"Iba ang nagsisingungaling sa hindi nagsasabi ng totoo. Kapag hindi nya nalaman, mabubuhay sya ng normal pero kapag nalaman nya at nagtanong sya, hindi natin pwedeng ilihim sa kanya."

"S-sige."

Tugon ko.

"Mula nong dumating si Axelle, una kong kita sa kanya mukhang mahina sya ngunit nong tumagal... Sya ang pinakamalakas sa ating lahat dahil lumalaban sya ng may puso, at yon ang hindi natin magawa dahil papatayin lang natin ang sinumang humamak sa atin."

Sambit nya, nakita kong halos patulo na ang luha nya.

"Kaya sya naging Queen? Pero bakit hinahanap sya ni Allison?"

Tumingin sa malayo si Alexia.

"Hindi yon ang dahilan kung bakit sya ang Queen, anak sya ni Allison. Sya ang nag iisang anak ni Allison, misyon naming tatlo na protektahan sya kahit anong mangyare. Nong una ay wala pang problema ngunit nong napatay nya ang nag iisang babae sa Kllrx, alam ni Allison na sya ang pupunteryahin ng mga ito kaya inutusan nya kaming protektahan sya."

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now