Chapter 4: First wave

2.7K 127 2
                                    

****Yuhan****

Kailangan ko syang mahanap.

Bukas magsisimula na. Kailangan naming maging maingat, naglalakad ako ngayon pababa ng hagdan mula sa dorm. Tahimik ang paligid, halos parang haunted nga ang ambiance dito, marahil dahil magsisimula na ang unang gabi at lahat ay takot. Habang naglalakad ay muli kong nakasalubong yung dalawang babae, umiwas sila at nung bahagya akong makalampas sa kanila ay...

"Lalabas ka? Para pumatay?"

Sambit ni B-2 (Axelle Esguerra) habang pinipigilan sya ni B-34 (Kaye Horrie). Napangiti ako sa sinabe nya ngunit hindi ako lumingon.

"Maybe."

Sambit ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Walang mangyayare sa mga babaeng yon kung patuloy silang magpapasakop sa takot.

Everyday ng buhay ko ay ganito na, bale ang pasok ko dito is like hitting two birds with one stone. Una, hindi kona kailangan magtago sa twing maypapatayin ako, kikita pa ako. I work as a private killer ng isang mayamang kriminal, sanay akong pumatay pero hindi dahil sa gusto ko ngunit dahil sa kailangan kong mabuhay.

Pangalawa, may misyon ako sa paaralang ito. Sabihin na nating sa lawak nito ay para akong naghahanap ng karayom sa talahib.

Ng makarating sa ground floor ay tumingin ako sa kaliwa at kanan na corridors, tahimik ito. Naglakad ako papunta sa kaliwa suot ang isang hoodie jacket at pants. Habang naglalakad ay nakakita ako ng isang couple na naghahalikan sa may lamesa ng isang classroom. Tignan nalang natin kung hanggang saan aabot ang relasyon nyo.

Habang dumadaan ay nakita ako nong babae, iba ang titig nya sa akin, sandali... A-99? Sya yung ika lima sa ranking, hindi nag iisip ang lalakeng ito. Batid ko sa titig at ngiti nya na may iba syang balak, maya maya nang makalagpas na ako sa room ay lumabas sya habang inaayos ang uniform nya.

"Hey!"

Nilingon ko sya. Alam ko na tapos na sya at nagtagumpay sya sa plano nya, may dugo pa ang kutsilyong nililinis nya gamit ang uniform nong lalake. Natulala ako sa nakita ko per biglang inagaw ang atensyon ko ng paggalaw ng ranking.

Ika-apat na sya ngayon.

"I like your style, pero hindi mo ako mabibiktima."

Cold kong pagkakasabi, napangiti sya ng bahagya sa sinabi ko.

"Kasalanan ko bang marupok ang mga lalake? Bumukaka ka lang papatong na agad!"

Sambit ni A-99.

Tumalikod na ako, cold akong tao at wala sa pagkatao ko ang pahabain ang mga usapan.

"Saan ka pupunta?"

Tanong nya.

"Wala kang pake-alam."

Cold ulit na pagkakasabi ko habang patuloy sa paglalakad.

"Gabi na, mapanganib. There are group of students kung saan saan na nag aabang ng prey."

Malambing na pagkakasabi nya.

"I don't care, catch me if they can."

Hindi ko na muli narinig ang boses nya kaya baka umalis na sya. Habang naglalakad ay muli kong nakita sa VTR na may 10 points na ako, karamiham ay zero pero si B-7 ay naka 20 na. So far sya ang highest sa mga Bs.

Wala naman masyadong ganap ngayon, ang totoo nyan ay lumabas ako kase nakakabagot sa kwarto ko, akala ko ay ganap dito sa labas pero sa ngayon wala pa. Pero ang sigurado ay simula bukas, wala ng tahimik na gabi ang campus na ito.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now