Chapter 10: Her 1st Survival

2K 112 2
                                    

At eto na nga, sino na nakanood ng 'purge'? Medyo relate ito doon wherein may parties at kung ano ano pang magaganap. Syempre may patayan.

Welcome to Allison University's Monthly Survival! Enjoy.

~Giii

______________

****Hanay****

Isang madugong gabi nanaman.

Inutusan kona ang mga teachers at iba pang staffs na maagang pumunta sa safe building kung saan lahat ng studyante ay pinagbabawalang puntahan ito.

Oo, bawal pumatay ng staff pero hindi parin namin hawak ang mga utak ng bawat estudyante lalo na ang batch na ito, masyado silang mapupusok. Kung noon halos lahat ay takot at kinailangan pa naming turukan sila ng ibat ibang uri ng drugs para maging wild sila at magpatayan ngunit habang tumatagal nagiging agrisibo ang mga pumapasok sa Allison U.

Yung iba nga mukhang sanay na sanay pumatay at nagugustuhan ito ng principal.

"Ang eskwelahang ito ay pinupuri ng ibat ibang banyagang bansa dahil sa kakaibang features at kakaibang resulta neto. Ayon nga sa ibang mga prisidente ay magpapatayo na rin sila ng ganitong unibersidad sa mga susunod na taon."

Galak na sambit ni principal habang nakatayo sa may bintana at iniinom ang kanyang mainit na kape, ako naman ay nakaupo sa kanyang itim na couch. Ang opisina nyang ito ay mistulang condo unit ang itsura, kompleto sa mga gamit at hindi nya kailangan bumaba dahil nandito ang kanyang lahat ng pangangailangan.

Dahil na rin sa sekreto ang katauhan nya, ewan ko ba kung bakit ayaw nyang makilala sya ng lahat ng staff, tanging ako lang.

Bukod sa magandang naidulot ng paaralan na ito sabansa ay kumikita rin ang eskwelahan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga footage kung saan nagmimistulang teleserye ito ng patayan ngunit walang tiyak na bida.

At mukhang magiging mabenta sa manonood ang mga mangyayare mamamaya.

****Yuhan****

"Kumusta na ang plano mo?"

Sekreto kaming nag usap ni Cedrick habang sabay kaming naliligo samagkatabing unit.

Oo, batid naming may CCTV ang buong lugar ngunit hindi naman maririnig ang aming mga sasabihin dahil sa lakas ng tunog ng tubig na nagmumula sa shower.

"Kailangan kong makuha ang loob ni B-2 dahil sya palang ang kilala kong makakatulong sa akin, kailangan ko sya."

Natahimik si Cedrick.

"May problema ba?"

Tanong ko naman sa kanya.

"Baka kase pag nalaman ni Kaye na magkakilala tayo at lalo na kapag nalaman nyang gagamitin mo si B-2 ay magalit din sya sa akin. Hindi naman sa naduduwag ako Yuhan, iniisip ko lang ang kapakanan nung dalawa."

pagpapaliwanag ni Cedrick, mas panganay ako sa kanya kaya naiintindihan ko ang nararamdaman nya. Ganun din ako sa kuya ko noon.

"Wag kang mag-alala, tutulungan naman kita magpaliwanag kung sakali."

pabirong sabi ko.

"Mag-ingat ka nalang bro, ingatan mo feelings ni B-2"

Ingatan? Sya ngayung insensitive dyan eh, tawagin ba naman akong mamamatay tao! Basta hindi ako mag-so-sorry, dapat sya yung maunang lumapit dahil sya ang nakapanakit.

"Bakit nga pala hindi kayo nag-uusap? May problema ba kayo?"

Limang araw na nga yun, tigas nya rin ah. After all, wala syang balak mag sorry?

Allison University-School Of KillersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ