Chapter 6: B-19

2.3K 120 2
                                    

Hey guys, sino gusto magpa-dedicate? Comment nalang or send a private message para maidedicate ko yung ibang chapters. I accept feedbacks ang suggestions, enjoy!

___________________

****Kaye****

Ikaw?

I suddenly blushed when he smiled at me. I never expected him... To save me.

"Ayos ka lang ba?"

Tanong sa akin ni Cedrick

"Maraming salamat, wala naman akong sugat pero honestly hindi ako okay. Akala ko mamatay na ako!"

Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko, dahil na rin siguro sa kaba, takot at pag-aakalang yun na yung katapusan ko but he's here. Wala na akong dapat ipangamba.

Mad ikinagulat ko pa yung pagyakap nya sa akin, naramdaman ko ang init ng katawan nya at narinig ang tibok ng puso nya. He is so gentleman, napaka perpekto nya. My saviour!

"Its okay, naiintindihan kita. Pero Kaye, kailangan mong lumaban!"

Until may lumabas na 5 points sa B-34 dun sa VTR.

"Congratulations, its your first points"

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Ngumiti ako ngunit hindi parin nawawala yung kaba.

Naglakad kami papunta sa dorm, habang naglalakad ay patingin tingin ako sa paligid, baka may biglang lumabas nanaman.

Bago makarating ay tinignan ko ang points ni Cedrick sa VTR.

B-23 --- 15

Gusto ko sanang itanong kung saan galing yung 15 pero nandito na kami, inihatid nya ako sa tapat dorm ko at pinapasok na.

Magkakahalo ang nararamdaman ko, takot, kaba, tuwa, kilig, at kakaiba pala sa pakiramdam magkaroon ng puntos.

May 5 points na ako bahang si Ax, 0 parin. Nag ayos na ako ng sarili ko at nahiga sa kama.

*kinabukasan*

So eto pala yung kwarto nya? I was standing in front of his door, maaga kaming nagising ni Axelle as usual.

Nagbibihis na si Axelle habang ako ay nakatupis lang ng tuwalya sa katawan.

Akala ko talaga di na ako makakauwi pa, hindi mawala sa isip ko. Nung maramdaman ko na parang bubukasang pinto ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at nag nagbihis.

Maya maya ay kumatok na si Axelle at niyaya na akong lumabas.

Halos maibuga sa akin ni Ax ang iniinom ng juice ng makita ang 5 points ko sa VTR.

"Kailan yan? Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Mag iingat ka naman!"

Ngayon ko lang sya nakita na ganyan mag salita at ka praning.

"Ayos lang ako, niligtas ako ni Cedrick no!'

Tumayo sya sa kinauupuan namin at pumunta sa bandang likuran.

"Cedrick, yan yung lalakeng... Kaye naman! Anong sabi ko sayo?"

Alam ko yun Ax, actually di ako tinatantanan nung mga linya mo.

"Hindi sya kung sino sino lang Ax."

"Isang araw mo lang nakilala tapos... Kaye, iniisip lang kita."

Masyado syang over protective, daig nya pa nanay ko. I appreciate her concerns but this is me, alam ko ang ginagawa ko at alam ko ang limitasyon ko.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now