Chapter 11: Awakening

1.9K 111 9
                                    

****Axelle****

"Bakit pala kayo magkasama? Magkakilala ba kayo?"

Narinig kong taong ni Kaye at doon lang ako bumalik sa realidad, tumayo na nang matuwid si Yuhan matapos ibulong sa akin ang isang bagay na pinayagan ko ngunit hindi malinaw kung ano yun. Naguguluhan ako.

"Oo."

Sagot ni Yuhan.

"Hindi!"

Sabi naman ni Cedrick na salungat kay Yuhan.

Nagkatinginan kami ni Kaye, kapwa may tanong at naguguluhan sa mata.

"What do you mean? Oo at hindi?"

Sabi naman ni Kaye, kahit kailan talaga ang arte nya. Pero oo nga, panong nangyareng magkakilala silang hindi?

"Ganito kase, dito lang kami sa school nagkakilala at kanina sa Canteen nagkuwentuhan kami at ayun... Nakuha nama namin ang ugali ng isa't-isa, oo yun."

Paliwanag ni Cedrick, nakakapangduda naman ata yung paliwanag nya kaya nagtanong pa ako.

"Eh bakit pareho kayong may ganitong relo?"

Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita ang suot kong relo.

"Maraming nagbebenta nyan samin, baka nagkataon lang na mayroon din si Yuhan. Diba? Ouy Yuhan?"

Napatingin kami kay Yuhan na mukhang hindi sang-ayon kay Cedrick.

"Kahit ano."

Galit naman ang nakita ko sa mukha ni Cedrick matapos iyon sambitin ni Yuhan.

"Papanong kahit ano!"

Angal ni Cedrick.

"Manahimik ka nalang."

Pambabara naman ni Yuhan, mukha silang tanga. Habang yung isa talak ng tala yung isa naman mukhang walang pake-alam.

"Nag cute nila no?"

Kalabit sakin ni Kaye na tuwang tuwa. Isa ka rin eh, napasubo nanaman tuloy ako na pumayag hayyss.

Di bale, at least ngayon ayos na kami at alam ko naman na hindi nya hahayaan na mapahamak ako sa mga ipapagawa nya. After ng lahat alam kong mapagkakatiwalaan si B... Yuhan nalang pala.

Akala ko talaga katapusan ko na yun, pangalawang lalakeng nagligtas sa akin. Nagpapasalamat ako, sa totoo lang kanina gusto ko na syang yakapin kaso naalala ko na galit pa pala sya.

Noong isang araw, nakapatay ako at ngayon muntik na akong mamatay at kaninaa naman nakita kong pinatay ni Yuhan yung isa sa tatlo, kailangan ko naa rin bang gawin yun para sa sarili ko? Kailangan kong makalabas eh.

"Kaye, hindi tayo dapat umaasa sa kanila lagi. Matuto tayong ipagtanggol ang sarili natin at dapat makapasok tayo sa top 10, kahit na mahirap."

Natulala lang si Kaye sa mga pinagsasabe ko.

"Maganda yan, pero alam mo baka sa una lang yan. Kahit na ganyan kataas ang determinasyon mo ay hindi mo magagawa ang makapasok sa Top 10 kung nababahag ang buntot mo. Just accept the fact that life is all about killing to survive."

Malumanay na sabi ni Yuhan. Ayoko naman talagang gawin to, pero its time.

"Kung gusto mo talaga, pwede naman magtulungan tayong apat diba?"

Sabi naman ni Cedrick.

"Kapag ginawa natin yun, ha-haunting-in tayo ng Kllrx."

Muling pag kontra ni Yuhan.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now