Chapter 18: The Secret

1.7K 101 1
                                    

****Yuhan****

Habang naglalakad, nakita ko si Axelle. Agad ko syang tinakbo at hinawakan ang kamay nya.

Natigilan ako sa hindi nya paglingon, parang tumigil ang lahat.

Pumunta ako sa harap nya, ngunit hindi ko binibitawan ang kamay nya, alam ko kasing tatakbuhan nya ako.

"Bitawan moko."

Seryosong pagkakasabi nya habang nakatingin sa malayo.

"Axelle, hindi ko alam ang nangyare. Hindi ko alam ang tungkol kay Kaye..."

Naputol sabi ng sigawan nya ako.

"Binatawan moko sabi!"

Pinilit nyang alisin ang pagkakahawak ko sa kanya kaya binitawan ko sya.

"Gawin mo nalang ang gusto mong gawin, isipin mo nalang na hindi moko nakilala dahil yon na ang ginagawa ko ngayon. Wag mo na ulit akong kakausapin o lalapitan, wag mo ng dagdagan ang pagkamuhi ko sayo."

Sambit nya bago ako iwan na nakatulala. Halos wala na akong maramdaman, anong ginawa ko?

***Flashback***

"Babalik kayong lahat dito, alas nuebe ng gabi. Maliwanag! Ang hindi bumalik, hahanapin namin kayo at ibebenta namin ang mga lamang loob nyo."

Pananakot sa amin ng isa sa mga tauhan ng sindekatong may hawak sa amin.

Inakbayan ako ni Kuya.

"Basta wag kang humiwalay sakin ah, ayokong ilayo ka nila sakin."

Nakangiting sambit nya. Hindi ko alam kung paano nya yon nagagawa, ang pagaanin lahat ng nakakatakot na sitwasyon.

"Sige na, magsilayas na kayo. Wag na kayong umuwi kapag hindi yan umabot ng isang libo."

Muli nitong sambit, nagsilabasan na ang mga musmus na kagaya ko. Araw araw kaming ganito, ginagamit ng mga sindikato para magkapera sila. Kumikita ako ng mahigit isang libo araw araw para mabuhay ngunit hindi yon napupunta samin. Mistulang basahan na ang mga suot namin, madalas kaming nagugutom at hindi rin pinag-aaral.

Habang nagmamalimos, napadaan kami ni kuya sa isang bilihan ng TV. Bahagya kaming nanonood.

Ginaganap ang isang bunutan.

"Yuhan, makakapasok ako sa paaralan na yan. Kapag nangyare yon magiging license killer ang kuya mo, kahit sinong patayin ko hindi na ako makukulong. Una kong papatayin yong sindikatong may hawak sa atin para maka-alis na tayo tapos ang may ari ng eskwelahan na yan ang isusunod ko para wala ng ibang mabunot, kabaliwan din kasi ang naisip nila eh."

Pagpapaliwanag nya sa akin. Si kuya lang ang nakilala kong pinakamalumanay magsalita, halata na napakabuti nya.

"Pero kuya, pano? Diba dapat nasa school ka para mabunot ka?"

Ngumiti sya at lumapit sa akin.

"Nag-aaral ang kuya mo. Wag kang maingay ah, nahuli ako ng dalawang taon kaya magtetake ako ng jump test. Kapag naging Senior High nako, araw araw kong hihilingin na mabunot ako."

Nag-aaral? Pano yon?

"Kuya, pano yan kapag nabunot ka, edi wala na akong kasama, edi iiwan mo na ako. Mag-isa nalang ako kuya."

Ngumiti sya at nagwika.

"Kapag dumating ang oras na yon, malaki kana. Kaya mo na ang sarili mo, saka kapag nabunot ako wala akong ibang choice kundi sumama, ayokong may mangyareng masama sayo."

Bahagya akong nalungkot, oo nga pala, hindi habambuhay kasama ko sya. Hindi sya laging nandyan para alagaan ako.

"Wag kana malungkot Yuhan, gusto mo ng ice cream?"

Allison University-School Of KillersDove le storie prendono vita. Scoprilo ora