Chapter 16: The Teams

1.6K 103 1
                                    

****Axelle****

"You may now group yourselves."

Nabalot ng ingay ang buong Arena. Lahat ay naghahanap ng kagrupo, habang kami ni Kaye ay magkahawak lang ng kamay.

Sa gitna ng pagkakagulo, ni isa ay walang lumapit sa amin at wala rin kaming planong makisali sa kanila.

"Ax, pano tayo?"

Tinignan ko sya.

"I told you Kaye, hindi na tayo aasa sa kung sinuman. Kakayanin natin to na hindi umaasa sa kahit sino."

"Pero kailangan natin ng siyam pa para makapasok."

Hindi ako nakakibo, tumingin ako sa malawak na Arena kung saan maraming studyante ang nagkakagulo.

Maya-maya ay sabay kaming napalingon ni Kaye dahil sa pagsulpot ng isang babae sa likod namin.

"Parang kulang pa yata kayo ah, pwede pa ba akong sumali?"

Napangiti kaming dalwa ni Kaye kay A-83 (Zora Mallari).

"Sige ba."

Sabi ko naman. Ngayon ay walo nalang ang kailangan namin at hindi na ako umaasa na pupuntahan kami ni Yuhan. Maya maya ay nakita namin si Cedrick na papunta sa amin.

Napapatirik mata nanaman si Kaye. Kabanas tong dalawang to...

Pero sana all diba.

Tinignan ko ng matalim si Kaye para kahit papano ay magtino, tumingin naman sya sa akin at inipit ang mga labi nya na tila ba pinipigil ngumiti.

Pito nalang ang kailangan namin.

Sa paghihintay ay nakita ko si Yuhan na kasama na sa grupo si A-99. Edi magsama sila. Nakita ako ni A-99 na nakatingin sa kanila kung kayat upang maasar ako ay hinawakan nya si Yuhan at tinarayan ako. Ako naman, nagkunwaring walang paki alam at nagpoker face pa.

Kala nya ba.

Alam kong pag-iinitan nya ako sa larong ito. Inihahanda ko na ang sarili ko roon.

"I think you need us."

Yong tatlo nanaman. Sila nanaman, sa tingin ko wala na kaming choice so, tinanggap namin sa grupo sina A-61 (Denver Gaye), B-20 (Josephine Bricks) at A-16 (Alexia Quezada).

"Sige, Zora at Kaye sila pala sina Josephine, Denver at Exia."

Nagkatitigan sina Zora at Exia, may gas mukhang nagkamali ata ako! Nakikita kona ang mga kuryente sa mata ng dalawang to.

"Eheeemm"

Pagkuha ko sa atensyon nila.

"So guys, kahit anong mangyari, isipin muna natin na magkakampi tayo ah, walang lamangan o traydoran. Kayo rin, imagine 1st at 2nd ng ranking matatalo dahil lang sa pride nila? Kaya teamwork ah."

Medyo kinakabahan kong sambit. Nahalata ko rin na pinagpapawisan na pala ako. Bakit ganito?! Dapat siguro naghanap nalang kami ni Kaye.

Mula sa malayo ay napansin ko ang pagtingin ng mga studyante sa amin at sa grupo ng KLLRX. Bakit sila naka tingin samin? Kung sa KRLLX, maiintindihan kopa kasi powerful yon, sandali? Nasa KLLRX sina Yuhan at A-99  (Carser Mallestera). Anyways, bakit sila nakatingin samin?

Ako lang to, napatingin ako sa mga kasamahan ko. S-sandali, oo ngaaaa!

Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi makapagsalita.

"Ayos kalang Ax?"

Nagtatakang tanong ni Kaye.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang nakakita ka ng multo?"

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now