Chapter 7: Couple Watch

2.3K 114 7
                                    

****Axelle****

"Kanina kapa tulala dyan ah."

Batid kong apektado rin sya ng mga pangyayare, si Kaye. Nangako sa sarili ko na poprotektahan ko sya dahil bago kami pumasok dito ay aayaw na sana sya pero pinigilan ko.

Kinailangan kong makipagkasundo kay Yuhan para sa kaligtasan naming dalawa, sa tingin ko naman ay hindi nya kami papatayin hanggang sa kailangan nya ako. Hindi ko lubhusang mag titiwala sayo Yuhan, o sa kahit sino rito sa paaralang ito.

"May iniisip lang."

Habang nakatingin sa malayo, hinihintay na tumunog ang bell upang magsi-pasok na aang lahat sa kwarto ay nakaupo kami sa madalas naming upuan, doon sa pabilog na itsurang kahoy pero semento naman talaga.

Hindi lang ang pagpayag sa hiling ni Yuhan ang iniisip ko, iniisip ko rin kung papano ko papatayin si B-19, kung kaya ko nga ba isama mo pa yung kung sino ang nakabunot sa akin pati na yung kung nakita nga ba ako ni A-83. Dumagdag pa yung monthly activity! Humalo halo na sila sa isip ko.

"Ano naman yun?"

Tumingin ako kay Kaye.

"Kaye, kailangan nating pumatay para sa ikabubuti natin. Kinailangan ko ring makipagkasundo kay Yuhan para sa kaligtasan natin."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya, mistulang galit dahil sa magkasalubong nitong kilay.

"Anong kasunduan? Saka sigurado ka bang mapo-protektahan nya tayo?"

Sambit nya na may kataasan ag boses.

"Nakita mo na kung papano sya pumatay, nakita mo na rin ang ugali nya. Sa tingin ko naman walang magiging problema."

"Yun na nga Ax, I already seen how he kills at wala syang awa, isa pa, diba ikaw na mismo nagsabing wag magtitiwala! Pero ano to? Bakit may kasunduan?"

Kung alam nya lang ang nakataya rito.

"Wala syang mahirap na ipagagawa, ang kailangan lang eh palagi akong nakadikit sa kanya at gawin ang ilan sa mga utos nya. Mabait sya Kaye."

Tinarayan nya ako.

"As well as Cedrick pero ayaw mong makipag-kaibigan ako sa kanya."

Humangos muna ako bago magpaliwanag.

"Magka-iba tayo, ako nakipagkasundo para sa kaligtasan natin. Ikaw makikipagkaibigan ka just to have someone other than me."

Natahimik sya.

"Ahh basta! Wala rin akong tiwala sa Yuhan na yan, pero kung gagawin mo yun hayaan mo rin akong makipag-kaibigan kay Cedrick."

Ano ba ang hindi nya naiintindihan sa sinasabe ko? Para naman to sa safety namin ah. Matigas talaga ulo nya, ano pa bang magagawa ko? I need to save the both of us kaya naman...

"Fine, just know your limitations at wag mo sya masyadong pagkatiwalaan."

Ngumiti naman ito ng pagkalaki, kinakabahan ako para sa kanya... Mukhang nabulag sya sa kagwapuhan ni Cedrick.

Haayyy, wait... Kung susundin ko yung ilang mga utos nya, does it mean na magiging alipin nya ako? Noo. Wag akong praning.

Bago pa mag bell ay hinanap ko na si Yuhan, binilin ko naman si Kaye na pumasok nalang sya wag na ulit akong hanapin. If I know makikipagkita nanaman yun kay Cedrick, babaeng yun talaga!

Maya maya ay sumulpot naman si Yuhan dala ang bag nya, hindi sya mahirap hanapin dahil si sya magalaw. Inaabot nga ata sya ng 4 hours o higit pa sa isang lugar eh.

Allison University-School Of KillersWhere stories live. Discover now