022. The Enraged, The Mischievous, and The Paranoid

Start from the beginning
                                    

Nagsalubong ang mga kilay ni Jacob habang pinagmamasdan ang isa sa mga kopya ni Sketch. "Bakit mo kami tinutulungan?"

"Isa lang naman ang goal namin eh... Ang protektahan si Sketch. Wala kaming balak na saktan siya ni Kit. Pero si Kei..." Steven placed the tips of his fingers in his mouth and started biting his nails, "Si Kei ang problema."



********



"Hi..." ani Leia sa duplicate ni Sketch na kasama nila noong mga sandaling iyon. Panay ang iwas nito ng tingin sa kanila, at maya't maya ang pagkagat sa mga daliri niya.

Naghiwa-hiwalay silang lahat para hanapin si Sketch at ang dalawa pang natitirang duplicates nito, at iniwan naman si Steven kasama nina Leia at Emma. Nanatili muna sila sa opisina ng class adviser nila habang naghihintay ng balita mula sa mga kasamahan nilang abala sa paghahanap.

"Steven, tama?" ani Emma habang pilit na tinitingnan ang mukha ng kaharap, "Ang weird... Iisa lang ang itsura ninyo ni Sketch pero sobrang magkaiba kayo. Huwag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan mo naman kami eh."

Tumango-tango si Leia habang nilalapitan ang lalaki. "Hindi ka naman namin sasaktan. Gusto ka lang naman naming makausap."

"Alam ko naman 'yun..." tugon ni Steven habang nakaupo sa bandang gilid ng opisinang iyon, malayo sa dalawang babaeng kasama niya, "Tsaka kilala ko naman kayong dalawa."

Emma was suddenly interested. "Talaga? Kilala mo kami?"

"Oo..." mahinang tugon ni Steven, "Lahat ng nakikita ni Sketch... Lahat ng nalalaman at naririnig niya, alam din namin."

Tuluyan nang naupo sa sahig si Leia, pero sinigurado niyang may distansya sa pagitan nilang dalawa ni Steven. "Ano bang nangyari sa inyo? Bakit bigla na lang kayong lumabas mula sa katawan ni Sketch?"

"Hindi rin namin alam, sa totoo lang... Basta nakaupo lang kami nun... Madilim doon sa kung nasaan kami. Tapos... Tapos biglang may lumitaw na pinto. May lumalabas na liwanag mula doon sa maliit na siwang..." Napahinga nang malalim si Steven at pinagmasdan ang mga kamay niya, "Matagal na rin kaming hindi nakakakita ng liwanag eh... Nauna si Kei na lumabas... Tapos si Kit. Tapos sumunod ako... Paglabas namin ng pinto, biglang nasa loob na kami ng kwarto. Meron na rin kaming mga katawan."

"Gaano na kayo katagal na ganyan?" muling tanong ni Emma sa kanya.

"Ilang araw na rin... Sa totoo lang... Si Kei ang kasama ninyo noong quarterly assessment."

"Parang hindi naman," tugon sa kanya ni Leia, "Parang ikaw nga 'yung kasama namin nun eh. Sobrang tensed mo."

"H-hindi ako 'yun... Si Kei talaga ang kasama ninyo. Alam ni Kei kung ano ang mga pagkakaiba naming apat, at kayang-kaya niya kayong maloko dahil magaling siyang magpanggap. Kaya nga ako nag-alala eh..." napahinga nang malalim si Steven, "Iniisip kasi ni Kei na baka gumawa na naman ng paraan si Sketch na pigilan kaming lumabas. Nagawa niya na 'yun matapos siyang magpagamot, at sumama talaga ang loob ni Kei."

"Posible bang... saktan niya si Sketch?"

"Iyon ang pinag-aalala ko... Hindi niya lang gustong saktan si Sketch," tumitig nang direkta sa mga mata niya si Steven, "Gusto niyang maging si Sketch."



********



Gaya ng sinabi ni Steven, naabutan nina Axis at Nico si Kit sa computer laboratory. May kagat itong tinapay sa bibig habang nakatuon ang mga mata sa computer screen. Madilim ang silid na iyon, at tanging ang ilaw lamang mula sa sa screen ang nagbibigay liwanag sa paligid.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now