Chapter Twenty-Three

24 2 0
                                    

DANIEL's POV

Hindi ko alam kung oras pa rin ba o araw na ang nakalipas na nandito ako sa lugar na ito. Gutom na gutom na ako at uhaw na uhaw. Hindi ko alam kung ano na ba ang mangyayari sa'kin.

Nakapikit ako ngunit gising ako. Tanging ang nakabibinging katahimikan lang ang maririnig habang panay ang paghinga ko ng malalim.

Napamulat na lang ako bigla nang makarinig ako ng yabag ng paa papunta sa kinaroroonan ko. Palakas ng palakas ang tunog ng pag-apak nito sa mabatong sahig at napa-angat na lang ako ng tingin ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki na imposibleng mapunta sa harapan ko.

"Gising ka na pala" sarkastikong sabi nito at bahagyang tumawa.

Nakakatakot ang boses niya, literal na boses ng isang demonyo ang narinig ko. Nagsitayuan pa ang mga balahibo ko sa batok at braso dahil sa sobrang takot na bigla ko na lang naramdaman. Sobrang bilis pa ng tibok nitong puso ko na para bang sasabog sa kahit na ano mang oras dahil din sa takot at kaba.

"P-Paano'ng—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla itong mawala at mapunta sa harapan ko na siyang ikinalaki ng aking mga mata.

"I don't have enough time to explain" sabi niya at tumingin pa ito sa relo niya. Inilapit nito ang mukha niya sa'kin at doon ko lang nakita kung ano siya. Ang buong katawan niya ay kulay itim at may bumabalot na usok sa palibot nito samantalang ang ilang parte naman ng kaniyang katawan ay nanatiling katulad ng sa tao, "Mamamatay ka rin naman" dugtong nito na ikinasindak ko.

Tumawa ito ng malakas at saka niya ikinumpas ang kaniyang kamay dahilan para maging maliwanag ang paligid. Doon ko nasiguradong nasa isang kweba nga ako. May inilapag siyang plastic bag sa ibabaw ng lamesa na nasa gilid at saka siya inilabas ang mga laman n'un.

Bigla namang sumakit ang tiyan ko dahil sa nagutom at napa-daing ako dahil d'un. Nilingon niya ako at nginitian ngunit ang ngiting ibinigay niya ay alam kong hindi totoo at tila may masama siyang binabalak.

Naglakad siya papunta sa'kin at sinabihan akong ibuka ang mga bibig ko. Siya ang nagpakain sa'kin habang kasalukuyan akong nakatali sa upuan ko.

"Alam mo ba kung ano ang balak namin?" takang tanong niya sa'kin habang ngumunguya ako. Hindi ako sumagot pero nagpatuloy pa rin siya, "Sasabihin ko kay Layca na dinukot kita at papupuntahin ko siya dito ng mag-isa"

Huminto siya at sinubuan ako ulit ng pagkain nang malunok ko na ang pagkaing kanina ay nginunguya ko.

"Tapos..." binitawan niya ang styro na hawak nito at nagulat ako nang may kulay itim na bakal ang bigla na lang tumutok sa leeg ko. Napalunok ako at natawa naman siya, "Don't worry, Daniel. Hindi ko naman 'to gagamitin sa'yo kundi kay... Layca"

Agad kong ibinuga sa kaniya ang pagkaing nginunguya ko pero tumayo lang siya at humalakhak ng malakas ngunit agad siyang huminto at tinutukan ako ng palakol sa mukha. Nakita kong kamay niya pala ang nakatutok sa'kin, nagiiba-iba ang kamay niya at wala akong ibang masabi kundi 'cool' kahit na sa mga oras na ito ay papatayin niya na ako.

"Tumigil ka" napatingin ako sa likod ni Jake at nakita ang isa lalaki na katulad din niya ang hitsura, maliban na lang sa suot nitong itim na suit.

"Bitawan mo ako!" sigaw ng isang batang lalaki na ikinagulat ko, "Ano ba?!"

"Isa ka pa, tumigil ka" saway ng lalaki sa batang kinakaladkad nito patungo sa isang upuan na malayo sa'kin.

"Arthur" bulong ko.

"Ahh!" daing nito nang pwersa siyang pa-upo-in sa upuan na katulad din ng upuan ko.

"Huwag niyo siyang sasak—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis na tumingin sa'kin ang lalaki at mabilis na siniko si Arthur sa mukha.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Where stories live. Discover now