Chapter Sixteen

26 2 0
                                    

LAYCA's POV

"Ahhhhhh!"

Gulat akong napatingin sa pintuan ng opisina ni Mr. Tierro nang pumasok si Rex ngunit napatingin ako agad kay Mr. Tierro nang bigla ito ng bumagsak sa sahig at hindi na gumagalaw pa.

"A-Ano'ng ginawa mo sa kaniya?" tanong ni Rex sa'kin.

"W-Wala"

"A-Ano'ng wala eh n-nakita ko 'yung ginawa m-mo?"

"Eh bakit ka nagtanong?!" inis na tanong ko sa kaniya.

"Lumabas ka!" sigaw niya sa'kin dahilan para magulat ako.

"P-Pero pa'no si sir?" nagkandautal-utal ngunit nagtataka pa ring tanong ko sa kaniya, "Hindi b-ba natin siya dadalhin sa ospital?"

"Tingnan mo ang kutsilyong ibinaon mo sa likod niya. Sagad hanggang sa hawakan. Masiyadong malalim ang sugat na tinamo niya. Hindi siya pwedeng buhatin o 'di kaya ay galawin" sabi niya at saka siya may tinawagan sa kaniyang cellphone, "Mr. Buenaventura, please come here... What?! Mr. Tierro got a deeper stabwound than your patient so come here immediately"

Sinamaan ako ni Rex ng tingin kaya napayuko na lang ako. Dahil ayaw kong makatanggap ng mas marami pang masasakit na salita mula sa kaniya ay lumabas na lang ako ng opisina ni Mr. Tierro.

Naglakad ako ng naglakad hanggang sa namalayan ko na lang na nasa labas na pala ako ng building. Napabuntong-hininga ako ngunit natigilan ako nang may humintong kulay itim na sasakyan sa tapat ko kung saan bumaba ang isang lalaki.

"Hi" nakangiting bati sa'kin ni Sir Andreus.

"H-Hello, sir" pinilit kong ngumiti sa kaniya.

"You're faking a smile" ang kaninang ngiti sa mukha niya ay napalitan ng paga-alala, "Tell me, what happened?"

"N-Nothing, sir" pagsisinungaling ko sa kaniya saka ako akmang maglalakad ngunit natigilan ako nang hawakan niya ang kanang braso ko.

Nilingon ko siya at nakita ko ang paga-alinlangan sa mukha niya na ipinagtaka ko talaga. Huminga ito ng malalim bago nagsalita, "Actually, I come here to see you"

"B-Bakit, Sir Andreus?" takang tanong ko sa kaniya. Binitawan niya ang braso kong hawak-hawak niya.

"I would like to ask you if you're free today?" tanong niya sa'kin.

"Hindi ko ho alam, sir" sagot ko sa kaniya, "Pinalabas ho kasi ako ng empleyado ni Mr. Tierro, eh"

"Why?" nagtatakang tanong niya sa'kin.

"Nasaksak po kasi si Mr. Tierro sa loob ng office niya at ako 'yung napagbintangan na sumaksak sa kaniya" sagot ko saka ako bumuntong-hininga.

"Don't worry, lalabas din ang katotohanan" nginitian niya ako pero wala 'yong nagawa para pangitiin din ako, "Let's go, we'll go to a café"

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kaniyang kotse at agad naman akong sumakay. Ilang saglit pa ay pumasok na rin siya at nagtatakang tumingin sa'kin dahil hindi ko alam kung paano magsuot ng seatbelt.

"Let me do it" sabi niya at saka niya hinila ang seatbelt ko pero pareho kaming natigilan at napatitig sa isa't-isa dahil sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa.

Ilang segundo ang itinagal n'un saka niya mabilis na ikinabit ang seatbelt ko. Nag-ayos siya ng upo at ini-start ang makina ng sasakyan. Naramdaman ko ang paggalaw ng sasakyan at hindi ko na namalayan ang oras dahil habang nasa biyahe ay nagu-usap kami at nagku-kumustahan.

Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan. Tinanggal niya ang seatbelt ko bago niya tinanggal ang kaniya. Sabay kaming bumaba  ng kotse niya at naglakad papasok sa isang coffee shop.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Where stories live. Discover now