Chapter Ten

33 4 0
                                    

LAYCA's POV

Naka-upo na ako ngayon sa isa sa mga table habang kumakain. Bahala diyan si Mr. Tierro kung ayaw niyang kumain. Niyayaya ko siya pero ayaw niyang kumain, kasalukuyan pa rin siyang nakikipag-usap sa ibang mga negosiyante dito sa party.

"Hi" nagulat ako at napatingin sa lalaking tumabi sa'kin.

"Hello" tugon ko sa kaniya at nginitian siya.

"You're Mauricius' secretary, right?" takang tanong niya sa'kin.

"Yes, sir" nakangiting sagot ko sa kaniya.

"What is your name?"

"Layca Reymundo, sir" sagot ko sa kaniya. Bakit niya kaya tinatanong? Type niya kaya ako?

Tumangu-tango ito saka siya tumikhim, "By the way, my name is Andreus Fedelino"

"Kilala ko po kayo, kayo 'yung kinu-kwento sa'kin ni Jake" sabi ko sa kaniya at nagulat naman ito pero ngumiti rin kalaunan.

"So, you and Jake have relationship?" gulat na tanong nito sa'kin.

Tumango ako, "Yes, sir. Magkaibigan po kami"

Nag-usap pa kami tungkol sa negosiyo niya at napag-alaman kong gusto niyang mag-invest sa kompaniya ni Mr. Tierro kaso ayaw nga nito. Paulit-ulit daw siyang nagse-set ng meeting pero laging pinapa-cancel ni Mr. Tierro na alam ko naman dahil ako ang tumatawag kay Jake para ikansela ang mga meeting na isine-set nitong si Sir Andreus.

'Tulad ng sinabi ni Jake, mabait nga talaga si Andreus at masiyahin. Magaan ang loob ko sa kaniya at napapamangha niya ako dahil sa mga negosiyo nito, hindi lang dito sa loob ng bansa kundi pati sa buong mundo.

"Gaano ka na katagal na nagta-trabaho kay Mr. Tierro?" takang tanong nito sa'kin dahilan para mapunta sa'kin ang usapan.

"Lagpas two months na po, sir" sagot ko sa kaniya at tumangu-tango naman siya. Kumakain na rin siya dahil pinilit ko siyang kumain.

Sinabi nitong hindi sumama si Jake dahil mayroon itong kailangang asikasuhin. Na-curious tuloy ako kung ano ang inaasikaso niya ngayon, ngunit hindi na rin ako nagtanong pa.

Habang kumakain kami ay patuloy lang kami sa chikahan namin. Ang saya siguro kung siya ang boss ko, HaHaHa! Ang bait na, ang gwapo na, mayaman na, lahat eh mukhang nasa kaniya na.

"So, you're here" nagulat ako at natigil si Sir Andreus sa pagsasalita nang biglang magsalita si Mr. Tierro na masamang nakatingin sa'kin ngunit mas lalong sumama ang tingin nito kay Sir Andreus.

"Hi, Mauricius" nakangiting bati ni Sir Andreus kay Mr. Tierro pero hindi siya nito tinugunan at hinila lang ako.

"Ahh!" daing ko dahil masiyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanang braso ko.

"I told you to stay away from him" sabi ni Mr. Tierro kaya agad ko siyang itinulak ng bahagya. Nakaladkad niya na ako at nandito na kami ngayon sa Parking Lot. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami dahil sa pagkukumawala ko mula sa mahigpit niyang paghawak sa braso ko.

"Wala kang sinabing gan'on" sagot ko sa kaniya. Eh sa wala naman kasi talaga.

"Now, I am telling you" sabi niya, "Stay away from him"

"Bakit naman?" takang tanong ko sa kaniya, "Mabait naman 'yung tao, ano ba'ng problema mo?!"

"Don't trust anyone" sabi niya, "Anyone might take advantage to you"

"Ang korni mo" sagot ko sa kaniya, "Nakikipag-usap lang naman ako d'un sa tao tapos sasabihin mong umiwas ako sa kaniya, eh ikaw nga 'tong umiiwas sa'kin kahit na dinidikitan kita"

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon