Chapter Two

72 4 15
                                    

MAURICIUS' POV

"Pasok ka" sabi ni Layca saka niya tuluyang binuksan ang kanina'y nakasaradong pintuan.

Pumasok na ako at inaya naman ako ni Layca na umupo. Nagpaalam ito saglit bago pumunta sa kusina at nang makabalik ay may dala itong juice at plato na may lamang bananaque. Umupo siya sa tabi ko pagkatapos.

"Bakit pinapunta mo ako ng ganito ka-aga? Mamaya pa namang gabi 'yung Interbarangay, ah" takang tanong ko sa kaniya saka ako kumuha ng bananaque at kumagat.

"Magulat ka kung kailan gabi na, saka kita pinapunta" tumawa ito ng bahagya at gan'un din naman ako saka ako uminom ng juice.

"Bakit nga?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Hindi basta-basta 'yun" sabi niya, "Kailangan galingan mo sa pag-rampa kung ayaw mong mapahiya sa harapan nila"

"Madali lang naman 'yun" sagot ko.

"Sige nga" tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan.

Naglakad ako papunta sa kaniya habang nakapameywang at kume-kembot pa. Ganito kasi 'yung nakikita ko sa mga pageant kapag 'yun lang ang palabas sa TV ng kapitbahay namin.

"Ayy, gagi!" bulalas nito saka siya tumayo at hinila ako papunta sa pintuan, "Interbarangay ang sasalihan mo, hindi Miss Gay"

"Eh ito 'yung nakikita kong ginagawa niyo" sagot ko sa kaniya.

"Pang-lalaking rampa, 'yung makakapag-seduce ng mga tao at papalakpakan ka" sabi niya at napatangu-tango na lang ako at tinry na gawin ang sinasabi niya, "Ganyan! Kaya mo naman pala, eh"

Lumabas kami at pumunta sa garden nila na may lamesa at upuan at doon niya ako sinimulang turuan. May mga bata pa nga na nanonood dahilan para makaramdam ako ng hiya sa una pero dahil kay Layca ay hindi na ako nakaramdam ng hiya.

Lumipas ang mga oras at tapos na kaming mag-practice. Hapon na, dito na rin ako nagtanghalian samantalang si Mama ay nandoon sa bahay at mukhang naglalaba ng mga pinapalaba sa kaniya.

"Two-eighteen na" sabi ni Layca matapos nitong tingnan ang relo niya, "Maligo ka na tapos bumalik ka dito agad kasi dadating na sila Markie"

Nang maka-uwi ako sa bahay ay nakita ko si Mama na kasalukuyang nagsasampay ng kaniyang mga sinampay. Kina-usap ko siya at sinabing 'wag niyang kakalimutan na pumunta sa gym mamayang gabi.

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Mabilis kong kinuha ang tuwalya kong naka-hanger at agad na tinungo ang CR. Talagang naghilod ako at nagsabon ng maayos, dinamihan ko rin ang shampoo'ng inilagay ko sa buhok ko. Nang matapos na akong maligo ay agad na akong nagbihis at nagtungo sa bahay nila Layca.

"Markie, paki-assist po si Mauricius" sabi ni Layca sa isang bakla.

Pina-upo nila ako sa isang upuan at sinimulang ayusan. Ramdam ko ang bawat brush na dumaraan sa mukha ko. Lumipas ang mga minuto at tapos na nila akong ayusan.

Nang makaalis na ang dalawang bakla na nag-ayos sa'min ni Layca ay nakita kong nanonood pala ang nanay ni Layca sa gilid at ngiting-ngiti habang nakatingin sa anak nito at sa akin.

"Ang gwapo pala talagang lalaking kinu-kwento mo sa'kin" sabi ng nanay ni Layca sabay tingin sa'kin. Nakita ko namang kinindatan siya ni Layca at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napalunok ako.

Ini-abot ni Layca sa'kin ang mga susuotin ko para mamaya. Pinasuot niya lang muna ako ng itim na suit dahil formal attire daw ang susuotin naming mga lalaki sa lahat ng category maliban sa swimwear na talagang kinakabahan ako sa magiging reaksiyon ng mga tao.

"Tara na" sabi ni Layca nang makalabas na ang dalawang kapatid nitong kambal, isang lalaki at babae dala ang mga susuotin namin ni Layca para mamaya.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Where stories live. Discover now