Chapter Twenty-One

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mahabang kwento, paniguradong hindi ka maniniwala, Ma" pinapasok ko si Mauricius sa loob ng bahay at pinaghintay sa salas dahil kailangan kong magpalit ng damit.

Hindi rin naman nagtagal at lumabas na ako ng kwarto namin ni Arthur. Nakita ko si Mauricius na nakikipag-usap kay Mama na naka-upo sa single sofa na palagi nitong inu-upuan. Kapwa sila nagtatawanan at tiningnan lang ako nang mapansing lumabas ako ng kwarto.

Ano 'yun? Sila na ang mag-jowa ngayon? Napabuntong-hininga na lang ako at naglakad patungo sa kusina upang kumuha ng biscuit at magtimpla ng juice.

"Sorry, 'yan lang ang meron kami" sabi ko kay Maui, "Hindi naman kasi kami katulad ng sa inyo na marangya at maganda ang buhay"

"Tsk! Don't be sad, okay?" sabi niya, "Do you think that I really changed? I'll not change because you're the one and only reason why I am staying at my normal life"

"Tumigil ka nga!" hinampas ko ang braso nito at agad na nag-iwas ng tingin dahil nararamdaman ko na naman ang pag-init ng mukha ko habang siya naman ay todo kung makangiti.

"Why would I?" tanong niya sa'kin at bahagyang natawa.

Nagusap-usap pa kami doon hanggang sa dumating ang oras na kailangan na ngang magpaalam ni Mauricius dahil uuwi na ito. Inihatid ko pa siya patungo sa gate at nang makarating na kami sa kotse niya na nakaparada at tahimik na naligo sa hamog ay huminto siya at hinawakan ang aking magkabilang kamay.

Tumingin siya sa mga mata ko at nakita ko ang ngiti na sumilay mula sa kaniyang mga labi. Ang ngiti na palagi kong nakikita noon pa man, ang tanda ng kaniyang pagiging masiyahin at ang ngiti na gustung-gusto ko na palaging nakikita. Napangiti ako.

"If you need me, just call me, okay?" sabi niya at tumango naman ako bilang tugon.

Sumakay na siya sa loob ng kotse at agad iyong pinaandar. Sinundan ko pa 'yun ng tingin hanggang sa makalayo na 'yon sa bahay namin. Nang mawala na sa aking paningin ang backlight ng kaniyang sasakyan ay agad na akong pumasok sa loob ng bakuran namin.

Isinara ko ang gate ngunit natigilan ako nang makita ko ang isang lalaki na nakatayo mula sa 'di kalayuan habang ang mga mata nitong nanlilisik ay nakatingin sa akin.

Nakasuot ito ng kulay itim na leather jacket at ang pantalon at sapatos nito ay leather habang sa kaniyang buhok ay may dalawang pares ng matutulis na sungay na talagang nakapagpasindak sa akin.

Napa-upo ako habang nakatingin sa kaniya na naglakad papalapit sa'kin. Hinawakan nito ang gate namin ngunit bigla itong napasigaw dahil sa sobrang sakit. Ang mga kamay nito ay tila napaso dahil sa gate namin na hinawakan nito. Sinipa niya ang gate saka siya tumingin sa'kin ng masama.

"You can't change your fate, Layca" ang boses nito ay katulad ng sa demonyo at talagang nakakatakot pakinggan.

Naglakad siya paatras at lumabas ang isang pares ng pakpak mula sa likod niya at katulad ng sa ibang demonyo, ang pakpak niya ay parang sa paniki, ngunit mas malaki ito kumpara doon.

Agad siyang lumipad pai-taas habang ako naman ay hindi na nakagalaw sa pwesto ko at nanatiling naka-upo sa sementong bloke na nagsisilbing daan patungo sa pinto ng bahay namin.

"Ate!" napalingon ako at nakita si Arthur na tumatakbo papunta sa'kin, "Naga-ano ka diyan?"

Agad akong tumayo at pinapagpag ang aking pwetan bago tumingin sa kaniya na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa'kin, "W-Wala" sagot ko sa kaniya saka ako naglakad papasok kasama si Arthur.

Isinara ko ang pintuan ngunit bago ko pa man 'yon maisara ay nakita ko siyang nakatingin at nakasilip sa gate. Galit na galit ang tingin na ipinupukol nito sa'kin. Agad kong isinara ang pintuan at ini-lock ito ng maayos.

"I-lock mo ang pintuan sa likod" utos ko kay Arthur.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas-nueve na pala ng gabi.

"Naka-lock na 'yun, 'teh" sagot niya sa'kin.

Mabilis akong nagtungo sa kusina at tiningnan kung naka-lock nga ba ng maayos ang pintuan at nakitang naka-lock nga 'yun ng maayos.

Agad akong bumalik sa salas at nakitang naka-upo si Arthur sa gilid ng bintana. Agad kong isinara ang bintana at agad kaming nagtungo ni Arthur sa kwarto namin para matulog na kahit alam kong hindi ako makakatulog ng maayos.

Pagkahiga ko sa kama ay agad akong nagkumot at in-open ang aking cellphone. Mabilis kong hinanap ang pangalan ni Maui sa contacts ngunit dahil sa sobrang pagmamadali at pagkataranta ay hindi ko ito agad nakita.

Pinindot ko ang kaniyang pangalan at tinext siya tungkol sa aking nakita. Agad naman siyang nag-reply na babantayan ang buong bahay hanggang bukas ng umaga. Nakahinga ako ng maluwang dahil kahit gabing na ay handa siyang bantayan kami.

Napapikit ako ng mariin at nag-isip ng mga pwede kong gawin kinabukasan. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa anino sa sahig na nagmumula sa bintana. Agad din iyong umalis at tunog lang ng pagaspas ang aking narinig.

Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising kaya nagmamadali na ako ngayong mag-ayos at nang makalabas na ako ng bakuran namin matapos kong magpaalam kay Mama at natigil ako nang makita ko ang Mama ni Daniel.

Nagulat ako dahil sa hitsura nito, gulu-gulo kasi ang buhok niya.

"Saan ho ang punta niyo?" takang tanong ko sa kaniya.

•~•

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon