"I didn't came here to enjoy the party. I'm here to make some business meeting with Mr. Dela Vega"

"Eh bakit mo 'ko sinama?" takang tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot at bumuntong-hininga lang saka siya sumakay sa loob ng kotse.

Agad naman akong sumakay sa loob. Ini-start niya na ang makina ng sasakyan at nagsimula nang mag-drive hanggang sa makarating kami sa bahay na talagang ipinagtaka ko.

Nang huminto ang kotse sa mismong tapat ng bahay namin ay nagtataka akong tumingin sa kaniya. Hindi ako bumaba at nanatili lang na naka-upo sa upuan.

"Don't tell me, hindi ka bababa?" takang tanong niya sa'kin.

"Bababa ako" sagot ko sa kaniya. Ano'ng akala niya, gusto kong tumira sa kotse niya?

"Bumaba ka n—"

"Bakit alam mo kung nas'an ang bahay namin?" takang tanong ko sa kaniya. Ito talaga ang bagay na ipinagtataka ko.

"It's on your resumé" sagot niya sa'kin.

"It's on your resumé" panggagaya ko sa kaniya saka ko siya inis na tiningnan, "Hindi ko isinulat ang buong address ko sa resumé na ipinasa ko" sabi ko na ikinatigil niya.

"Bumaba ka na. Naga-alala na ang nanay mo at kapatid mo" napaka-cold ng boses niya kaya imbes na magtanong pa ay hindi na lang ako nagtanong pa, nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang itim niyang limousine na papalayo sa bahay namin.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam pero nakakabuo na ako ng hinala ngayon. Una, nakita ko ang necktie niya n'ung sugurin ako ng hindi malamang nilalang tapos eto, alam niya kung nas'an ang bahay namin. Stalker ko ba siya o talagang may alam siya sa buhay ko?

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita si Arthur na naka-upo sa salas habang nasa harapan niya si Mama.

"Ma, ano'ng nangyare?" takang tanong ko kay Mama.

"Si Arthur, binugbog ng kaklase niya" sagot ni Mama dahilan para bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanila.

"Bakit ka binugbog? Sabihin mo sa'kin" tanong ko kay Arthur.

"Ate, na-bully lang ako"

"Bully? Eh tingnan mo nga 'yang pasa sa gilid ng labi mo. 'Yung paligid ng kaliwang mata mo, nangitim pa"

"Ate, na-bully lang talaga ako, promise" sagot niya at napabuntong-hininga na lang ako. Kahit na isang dekada pa kaming magtalo ng kapatid ko eh hindi na rin naman mababago n'un ang katotohanang may nanakit sa kaniya.

"Huwag ka nang maga-alala, Layca. Kakausapin ko ang titser ni Arthur bukas" sabi ni Mama. Tinanguan ko na lang ito saka ako naglakad papunta sa kwarto ko.

Kinabukasan, nang makarating ako sa floor namin ay natigilan ako nang makita si Rex na ipinatong ang isang bouquet ng red roses sa ibabaw ng desk ko kaya agad akong nagtago sa likod ng isang napakalaking halaman.

Tumingin-tingin pa siya sa paligid bago siya naglakad papunta sa opisina nila. Nang makapasok na siya ay agad akong lumapit sa desk ko at kinuha ang bulaklak bago inamoy.

"Ang sweet naman ni Rex" bulong ko.

Gwapo naman talaga si Rex kahit nerd siya, ang cute-cute niya pa. HaHaHa! Pero hanggang friends lang kami dahil wala akong nararamdamang special feelings para sa kaniya kahit umamin pa siya.

"Sino'ng sweet?"

"Ayy! Sweet ang sino ka!" gulat na saad ko at nai-tapon ko pa ang bouquet ng red roses sa ere na agad sinalo ni Mr. Tierro, "S-Sir"

"Give me my schedule for today before I fire you because of receiving such flowers" sabi niya kaya agad kong kinuha ang schedule niya para ngayong araw.

"Business meeting with Mr. Dela Vega at Nine o' clock this morning and the rest, wala na" sabi ko sa kaniya at nang tingnan ko siya ay nakita kong ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa bulaklak na ibinigay ni Rex, "Ser?"

"Ano?" tanong niya sa'kin.

"That's your schedule for today" sabi ko sa kaniya.

Hindi niya na ako pinansin at pumasok lang siya sa loob ng opisina niya dala ang bouquet ng red roses. Inis akong umupo sa upuan ko at maya-maya pa ay lumapit si Rex sa'kin dala ang isang white folder na hindi ko alam kung para saan.

"Give it to Mr. Tierro. This is for the renovation of Azraels' Resort in Pampanga" sabi niya saka niya inilapag ang white folder sa ibabaw ng desk ko, "And... where is the bouquet of red roses?"

"Kinuha ni Mr. Tierro" sagot ko sa kaniya saka ako tumayo. Kinuha ko ang white folder na ibinigay niya.

"Huh? He gave it to you" nagtatakang sabi niya.

"Eh, ikaw ang naglagay n'un dito kanina, ah" sagot ko sa kaniya.

"I thought kasi, mamaya ka pa dadating" sabi niya, "Mr. Tierro ordered me to do that and by the way, he feels sorry about what you feeled last night, he's really sorry"

Bumalik na siya sa opisina nila samantalang ako naman ay biglang nakaramdam ng guilt. Kawawa naman si Mr. Tierro kasi pinagdudahan ko siya kagabi. Eh sa 'yun ang nai-isip ko, eh. Ano'ng magagawa niya?

Naglakad ako papunta sa harapan ng pintuan ng kaniyang opisina at huminga ng napakalalim bago ko 'yun kinatok ng tatlong beses.

"Come in" sabi niya kaya pumasok na ako at naglakad papunta sa kaniya. Iniharap niya sa'kin ang recliner kung saan siya naka-upo.

"H-Here is the folder containing the document for renovation of Azrael's Resort in Pampanga, s-sir" at inilapag ko na sa ibabaw ng desk niya ang folder.

"Thank you" pagpapasalamat niya na ngayon ko lang narinig sa dalawang buwan kong pagta-trabaho sa kaniya, "And I'm sorry"

"Okay lang po, sir" sagot ko sa kaniya, "Secretary niyo lang naman po ako, eh" at lumabas na ako ng opisina niya.

•~•

The Half Blood Prince [COMPLETED]Where stories live. Discover now