020. Four Pieces of One

Start from the beginning
                                    

"At pagkatapos, ano? Susubukan na naman nilang burahin tayo sa buhay ni Sketch?" galit na saad ni Kei habang pinagmamasdan ang dalawang kasama. "Ayoko. Hindi ako papayag."

"At ano naman ang gagawin mo?" tanong sa kanya ni Kit, "Ilang araw pa lang ang nakakaraan magmula noong humiwalay tayo sa katawan ni Sketch, but it doesn't change the fact that we're just his alters. We are still a part of him... We may look and sound like him... But we're still different, and we will never be Sketch."

Saglit na napaisip si Kei at pinagmasdan ang walang malay na si Sketch na nakahiga sa kama. Isang ngisi ang unti-unting sumilay sa mukha niya, bago niya itinuon ang tingin sa uniporme na nakasabit sa likod ng pinto.

"Not anymore..."

********

Napag-usapan nina Jacob at Vladimir na magkita sa rooftop ng Paramount Building pagkatapos ng quarterly assessment nila noong gabing iyon. Nauna na si Vladimir doon, na nakakaramdam na ng kaunting inis dahil ilang minuto na rin siyang naghihintay sa meeting place nilang iyon.

Nang makarating si Jacob, agad niya itong binigyan ng isang malamig na titig. "Bakit ang tagal mo?"

"Pasensya na..." tugon ni Jacob, "Kasama ko kasi kanina sina Axis at Nico... Tinakasan ko lang sila kasi panay ang tanong nila kung –"

"Stop explaining. I don't care," Vladimir responded, sounding peeved. "Wala bang nakasunod sa'yo?"

Nagtaka si Jacob sa tanong sa kanya nito. "Wala naman. Bakit?"

"Naninigurado lang ako. Mahirap na..." Pagkatapos ay iniabot ni Vladimir ang brown envelope sa kanya, "Here are the files... Huwag mo na akong tatanungin ulit tungkol sa bagay na 'to. Ayokong madamay sa mga problema mo."

Tiningnan muna ni Jacob ang laman ng envelope, at nang makumpirmang iyon nga ang mga files ay nakahiga siya nang maluwag. "Salamat sa tulong mo..."

"Don't thank me. I did not do this for you," Vladimir crossed his arms against his chest, "Aaminin kong nacurious ako sa mga nireresearch mo, pero hindi ibig sabihin noon na tinutulungan kita."

Isang ngiti ang nabuo sa nabuo sa mukha ni Jacob. "Pero salamat pa rin..."

"By the way... Kailan nagsimula 'yung pakiramdam mo na parang may nakalimutan ka?"

"Basta pagkatapos akong kausapin ni Sir Daniel noong araw na nagkagulo kayo ni Nico, nawalan ako ng malay sa hallway... Paggising ko sa clinic, ganito na ako."

Vladimir nodded, and a thought suddenly crossed his mind. "Hindi ka man lang ba nagtataka sa nangyari sa'yo?"

"Syempre nagtataka rin ako... Pero wala naman akong magagawa kasi hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula sa pag-alam ng kung ano ang nangyari sa 'kin."

Vladimir scoffed and rolled his eyes. "May nakalimutan ka lang naman, pero kaya mo pa rin namang mag-isip... Bahala ka na nga sa buhay mo. Hindi mo na kailangang ibalik ang mga files na 'yan sa 'kin."

Hindi na hinintay pa ni Vladimir na makapagsalita si Jacob, at tuluyan na itong iniwan sa rooftop. Habang pababa siya sa palapag kung saan naroon ang mga kwarto nila, napatingin siya sa CCTV camera na nakakabit sa entrances, exits, at sa mga daan sa loob ng Paramount Building.

Napatigil siya sa paglalakad pababa ng hagdan at nakipagtitigan sa isang CCTV camera na nakita niya. An idea crossed his mind, as he looked at his hands before smirking.

********

Bago siya pumunta sa Paramount Building para sa after-school classes ng Paramount Class, dumaan muna si Daniel sa opisina ng school director na si Benjamin Alcantara. Dala niya ang mga assessment files ng mga estudyanteng may manifested abilities, at inilapag ito sa mesa ng director.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now