018. Broken Memories

Start from the beginning
                                    

"Ano ba ang problema ng batang 'yan at hindi sumasabay sa 'tin? Masama ang tumatanggi sa grasya... Pagsasabihan ko 'yan si Leia mamaya," ani naman ng nanay niya.

Pilit na pinigilan ni Leia ang pagluha niya habang nakalapat ang likod niya sa pinto. "Hindi naman ako nag-iinarte..."

Mabagal siyang naglakad palapit sa study table niya, bago naupo at binuksan ang laptop. Nang makita niyang may notification ang email niya ay agad niya itong binuksan. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya nang makitang may mensahe siyang natanggap mula sa tatay niya.

Doon lamang sila nakakapag-usap dahil nachecheck ng nanay niya ang mga social media accounts niya. Maliban kasi sa pagiging mahigpit sa kanya, ayaw nitong maging close siya sa biological father niya.

Nang buksan niya ang email, nakalagay sa dulo ng mensahe ng ama ang isang address. Base sa email, isang bahay iyon na pag-aari ng tatay niya na pwede niyang puntahan at tirhan kung gusto niya. Naikwento niya kasi sa tatay ang frustration niya sa bahay dahil sa ina at sa stepsister na si Sandy na palagi siyang binubully.

Gusto ni Leia ang ideya na makakalayo siya sa bahay na iyon at sa pamilya niya, pero hindi niya sigurado kung sapat na ba ang lakas ng loob niya na iwan ang ina. Hindi niya sigurado kung kaya niyang mahiwalay dito, at kung kaya niyang mamuhay nang mag-isa.

Her lips pressed into a thin line, before writing the address on a piece of paper and keeping it inside her wallet. Pagkatapos noon ay nag-type na siya ng tugon sa tatay niya, bago tuluyang sinara ang ginagamit na laptop.

********

Nang imulat ni Jacob ang mga mata, labis ang pagtataka niya nang makita ang sarili niya sa probinsiya kung saan siya lumaki kasama ang lola niya. Nagsalubong ang mga kilay niya habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Pakiramdam niya ay mayroong mali.

Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at tumakbo sa sala para pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Laking gulat niya nang makita ang repleksyon niya dahil iyon ang itsura niya limang taon na ang nakakaraan.

Kahit nalilito, naglakad siya palabas ng bahay at naupo sa duyan na ikinabit ng lola niya sa pagitan ng magkatapat na puno ng mangga at acacia sa tapat ng bahay nila.

Habang nakaupo at pinagmamasdan ang kapaligirang matagal niya nang hindi nasisilayan, isang kotse ang biglang tumigil sa tapat ng gate nilang gawa sa kahoy. Nakita niyang lumabas ang lola niya ng bahay, at agad sinalubong ang babaeng lumabas mula sa sasakyan.

Hindi kilala ni Jacob ang babae, pero maganda ito at nakasuot ng shades. Mahaba ang buhok nito na umaalon-alon, maganda ang mukha kahit mukhang mataray ito, at matangkad na parang isang modelo. Agad na lumapit ang babae sa lola niya matapos nitong hubarin ang suot na shades sa mga mata.

Pagkatapos noon ay muling ibinaling ni Jacob ang tingin sa sasakyan kung saan lumabas ang tatlong lalaki. Sa tingin niya ay nasa pagitan ng labingwalo at dalawampu ang mga edad nito, at panay ang tingin nito sa paligid na para bang nakarating na sila roon.

Hindi nagtagal ay nakita siya ng isa sa kanila. Napangiti ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo, at naglakad palapit kay Jacob na nakaupo pa rin sa duyan.

Ipinatong ng lalaki ang kamay niya sa ibabaw ng ulo niya at bahagyang ginulo ito. "Binatang-binata ka na ah... Kumusta ka na, Jacob?"

Sasagot na sana siya sa tanong ng lalaki, pero bigla siyang nakarinig ng malakas na tunog mula sa isang nabasag na bagay. Dahil sa ingay ay bigla niyang naimulat ang mga mata niya, at napagtantong panaginip lang pala ang lahat ng iyon nang makita niya ang asul na kisame ng kwarto niya.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now