"Talaga?"

"Oum."

"I know na kaya mo 'kong hintayin, swerte na yata ako sa 'yo."

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Ang iba pang estudiyanteng nadadaan namin ay tumitingin sa akin pero wala na rin naman 'yon, matagal na akong nag-aaral dito, sanay na.

Habang naglalakad kami sa hallway ay may lalaking humarang sa akin. Tinitigan ko ito sa mata, sinuri ko rin ang mukha dahil namumukhaan ko.

Malakas ang loob niyang nagtanong sa akin. "Nasaan ang kapatid mo?"

Nangunot ang aking noo. "Sino ka?"

"Where's your sister?!" Wow! May gana pa siyang pagtaasan ako ng boses! "I'm Phryx Recas."

Hmmm? Siya pala iyong nagcorner kay Thrizel sa pader. Napatango-tango at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

"Sasaktan mo na naman ang kapatid ko?" Malamig na aking tanong. Hindi ko gusto ang lalaking ito. "Bago ka lumapit sa kaniya. Siguraduhun mong nag-aasikaso ka ng sarili mo, para kang kulto."

Hinawakan naman si Anissa ang aking braso. "Let's go, Thrale, pabayaan na natin siya."

"Sayang, dude." Saka ako ngumisi. Tiningnan ko ang kaniyang kabuoan. "Gwapo ka pa naman pero mas gwapo ako." Saka ko siya binangga sa balikat at nagtuloy tuloy sa paglalakad. Laki naman ng problema nila sa kapatid ko. Tsk, lagi nalang kasing nasasangkot si Thrizel sa mga gulo. Kahit kailan hindi magawang umiwas.

"Ano bang problema no'n sa kapatid mo?"

"Tsk, hindi ko alam."

"Nagtatanong lang ako, Thrale, huwag mainit ang ulo."

"Sorry."

Pagdating naman sa silid-aralan niulya ay inasar-asar agad siya ng kaniyang mga kaklase tungkol sa aming dalawa. Wala naman sa akin iyon

"Ayiiie, hinatid na naman siya ni Mr. Pogi!"

"Hoy, tumahimik kayo!" Sita ni Anissa na halatang kinikilig. Pansin ko namang namumula ang kaniyang mga pisngi

"Bye, una na ako." Paalam ko sa kaniya at sabay nagflying kiss.

Patakbo akong umalis roon, kailangan kong puntahan si Thrizel dahil wala akong tiwala sa lalaking iyon kahit kaibigan ko pa siya. Habang pababa ako ay nakasalubong ko si Amira na paakyat ng hagdan, sakto pababa ako. Nagcecellphone ito na seryoso.

"Amira, si Thrizel?" Tanong ko.

Napatigil siya sa pagtitipa at tumingin sa akin. "K-Kasama si Ryke."

"Sa cafeteria?" Tumango naman siya. "Sige, salamat." Saka ako nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Kakababa ko pa lang ay bigla nang sumigaw si Amira dahilan para huminto ako sa pagtakbo.

Muli akong humarap rito. Siya naman ay bakas sa mukha ang kaba. "Nagtext si Ryke." Kinunotan ko siya ng noo. "S-Si Thrizel, nagwawala sa cafateri—"

Hindi ko na pinatapos si Amira sa pagsasalita at dali-daling tumakbo. Nang makarating ako sa harap ay nagsisilabasan ang ibang estudiyante sa loob, ang iba naman ay nanonood.

Nakisiksik ako. "Excuse me." Sabi ko pero ayaw ako padaanin. "Sabi ng padaan e!" Dahil sa aking sigaw ay binigyan nila ako ng daan. Kailangan pang sigawan ‘tong mga ito.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay sobrang kalat agad ang bumungad sa akin. Ang mga mesa at upuan ay wala sa ayos. Tiningnan ko ang mga taong nasa loob. Bakit nandidito ang mga teachers at si Dean? Anong ginagawa nila? May mga guards din.

Dahan dahan akong tumingin sa babaeng nakatayo sa gitna at bakas sa mukha nito ang galit. Hindi niya na alam ang ginagawa niya, wala na siya sa sarili.

"Miss Wrent, huminahon ka." Utos ng Dean gamit ang kalmadong boses.

"Paano ako tatahimik, huh?!" Sigaw nito at pinagbabato ang mga babasaging baso. Lalapit sana ang mga guards nang biglang humawak si Thrizel ng tinidor at itinutok sa kanila. "Sige! Subukan niyong lumapit!"

Wala na talaga siya sa sarili! Anong ginawa nila sa kapatid ko? Bakit naging ganiyan? Mapapatay ko talaga si Ryke!

"Hindi naman ikaw an—"

"Hindi nga ako ang pumatay kay Kristina Altejano!" Sinipa niya naman ang isang upuan. "Ilang beses ko pa bang uulitin na hindi ako!"

"Iyon nga, Miss Wrent, kailangan ka—"

"Kung hindi kayo nagduduga sa akin, bakit kailangan niyo 'kong kausapin! Sino ba ‘yang detective niyo? Ang tanga mag-imbestiga?!" 

Nagwala muli siya at pinagbabalibag na naman ang mga lamesa at upuan. Kung ano-ano na ang ginawa niya. Dali-dali akong pumunta kay Thrizel at yumakap sa kaniya ng patalikod.

"Please, tama na." Pakiusap ko pero tuloy pa rin siya sa pagwawala.

"Hindi ako mamamatay tao! Oo! Nakita ko ang bangkay niya pero tatlo kami no'n!"

"Trishel, please."

"Ano, Dean? Bakit hindi mo pa-imbestigahan?" Dinuro niya pa ang dean at ang mga boses niya ay nagsisimbolo na walang kinakatakutan. "Paimbestigahan niyo, hindi ako takot dahil hindi ako ang pumatay. Sa dami ng estudiyante, ako naisipan niyong pag-initan."

Hindi ko siya binitawan, bumulong ako sa kaniya dahil alam kong walang tigil ito sa pagwawala kapag walang naniwala sa kaniya. "Naniniwala si kuya, hindi ikaw ang pumatay."

"Kuya, hindi ako ang pumatay ka—" Napatigil siya sa pagsasalita at tiningnan kung sino ang nakayakap sa kaniyang likuran. Nang makita niyang ako ay bigla itong huminahon. "K-Kuya." Banggit niya sa akin at doon tumulo ang kaniyang mga luha saka ako yinakap pabalik.

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's StupidityWhere stories live. Discover now